Kath's P.O.V
" HOY NEGRA!!"
ayan naman siya. Ang aga-aga pa nga eh.
" hoy negra hintayin mo ko!"
"Negra negra dahan-dahan naman sa paglalakad oh!"
"Neg-"
"Alam mo daniel kung ibu-bully mo ko nang ganito ka aga, pwede sa iba lang at wag ngayon kasi nagmamdali ako. "Oo tama ang narinig niyo si daniel ang kausap ko. Siya lang naman ang pinakawapo daw sa barangay na ito at sa eskwelahan. Sus gwapo ang laki-laki nga ng eyebags neto eh.
"Wow bully?! English!"
"Eh ano naman kung english? Nag-aaral din ako no!"
"Oo na negra. Ikaw na ang matalino. San pala punta mo negs? "
Naku nagtatanong pa. Alam niya din naman kung saan ako pupunta ngayong bakasyon.
" san pa ba kwags. Edi sa tubuhan. "
"Okay."
Bigla na lang tumahimik ang bunganga nakatabi ko. Pati ang paligid. Parang may duma-an na anghel."San punta mo kwags? Ganda ng porma natin ah. "
"Pupunta ako sa bayan negs. Babayad ako ng ilaw namin. Due date na kasi bukas"
Buti pa sila may ilaw. Eh kami ang ilaw namin kandila lang. Pero okay lang yan. Parang hindi kana nasanay kathryn. Simula pagkabata mo kandila na ang nagbigay ilaw sa bahay nyo."Ahh ganun na kwago. Mauna na ako. Bye!"
"Paalam negra mag-ingat ka ha! Ang lampa-lampa mo pa naman!"Aggrrhhh nakakainis. Pinarinig niya pa sa ibang tauhan dito. Nakakahiya! Nagsimula na akong kumuha ng damo2x. Eto ang trabaho namin. Dapat walang may natirang damo sa tabi ng tubo, dapat tubo lang. Medyo palabas na rin ang araw at maya-maya dadating na rin ang may-ari na tubuhan.
"Kath.."
"Oh ano kiray?" Siya pala si kiray. Kaibigan ko. Simula pa nang bata pakami. Kung sa english pa eh girl bestfriend." bakit ngayon ka lang? Alam mo kanina kapa hinihintay ng mama mo. "
"Ah ganun ba. Sige puntahan ko muna. "
Alam niyo ba si kiray kakaiba yan eh. Kahit nasa tubuhan kami nagtatrabaho hindi parin mawala ang pagkahilig neto sa mga bracelet at kwintas. Suot-suot niya parin to. Eh sabi niya kasi sakin mahilig daw siya sa fashion."Nay kanina niyo pa daw ako hinihintay. Bakit po? "
"Umuwi ka kaagad pagkatapos umalis ng may-ari ng lupa. Sayang din ang trabaho mo dun sa taniman ng palay. Medyo malaki ang makukuha mo dun. "
"Osige po nay. At sugurado ako mas maaga matatapos ang trabaho ko dun dahil madali lamang iyon. "
"Oo nga anak. Sige magtarabaho kana."
Nagsimula na ako magtabaho ulit. Maya-maya eh dumating na ang may-ari ng lupa. Tumigin-siya muna sa tubuhan niya. At isa-isa niya kami binilang. Bigla na lang siya sumimangot."Bakit kulang ng isa? Asan siya? Bakit wala siya ngayon? " nagbulong-bulugan ang mga tao.
"Ang sabi ko nasan siya? Hindi yung magbulong-bulungan kayo.!"
Ayan na lumalabas na ang usok sa ilong niya. Awsus isa lang naman ang kulang. Mabilis din naman matatapos to. Si daniel lang naman ang nawala ah. Ahhh si daniel ang wala... pano na yan?"Pagsabihan niyo yan ha. Kung sa susunod na wala siya. Hindi ko na siya tatangapin ulit. "
Ang O.A naman ng matanda nato.
"Sige bilisan niyo magtrabaho diyan! Sayang ang oras. "
Nakakainis talaga! Kung hindi lang para kay ate to. Hindi ko talaga gagawin to. Nag-aaral kasi si ate sa maynila. Tumawag na nga siya na wala na daw siyang allowance. At may project daw silang kailangan bayaran. At may isa pa akong kuya, magkasama sila ni tatay mamaya pa sila ng hapon uuwi."Anak umalis kana. Wala na ang matanda. Mamayang alas dos bumalik kayo dito kasama ang ibang mga bata. "
"Osige po nay. Alis na po ako."
Alam niyo kasi pupunta lang kami dito tuwing umaga kung bibisita ang matanda ngayon umaalis dim kami kaagad pag wala na siya. Alam namin na medyo maday yun, pero kailangan talaga namin eh. Hindi lang naman ako ang gumagawa nun madami din kami. Pupunta nakmi ng palayan para mag ani ng mga palay._________________________________________
Chapter 2 done! I hope you will all like ai readers! Mwahhh.
BINABASA MO ANG
Ako na Lang Sana
FanfictionYung taong nandiyan palagi para sayo. Yung taong yayakapin ka kapag may problema ma. Yung taong proud na proud sayo. Yung taong iintidihin ka.Yung taong kahit inaaway mo, di pa rin sumusuko. Yung taong dahilan kung bakit ka nakangiti. yung sobrang h...