maaaring ngayo'y mahirap pang gawin,
masyadong kumplikado sa unang tingin,
ngunit patuloy na paniniwalaa't hahangarin,
na paghilom ay darating din,
hindi kinakailangang madaliin,
pero maglalakas-loob nang simulan at harapin,
paunti-unti'y ihahakbang ang mga paa palayo sa mga bagay na hindi na nakabubuti sa akin,
aking luha'y papahirin,
mga sugat ng kahapon ay gagamitin,
bilang aral upang sarili'y palaguin,
pagsisikapang tanggapin,
may mga dumarating ngunit hindi itinadhana para sa akin.