16

2 0 0
                                    

"LENTE"

Sadyang kay hirap kumawala sa kahong likha ng mundo,
Nagpupumilit na abutin ang pamantayan ng tao,
Nakalilimutang tanungin ang sarili kung tama pa ba ito,
Dapat bang mamuhay sa paraang ninanais ng mundo?

Nakahahalina sa mata,
Katangiang inaasam na dumaloy sa tainga,
Papuri’t mabubulaklak na mga salita,
Ngunit hinding-hindi sa mga panghuhusga.

Bawat salitang namumutawi,
Nagdudulot ng sigla sa kaidbutura’t abot-taingang ngiti,
Subalit sa isang pitik maaari ding mapawi,
Sa ganoong paraan ba gustong makita ang pagpapahalaga sa sarili?

Tandaang ikaw ay isang sining na hinulma,
Bawat parte ay ginawa sa pinakamagandang porma,
Ang pagka-imperpekto ay hindi kakulangan,
‘Pagkat ito’y isang senyales na ika’y natatangi kaysa kanino man.

Larawan ng sarili’y hindi nababatay ayon sa sinasambit ng iba,
Bagkus isaisip na ika’y obra maestra ng Maylikha,
Walang katulad, tunay na nakamamangha,
Taglay ang busilak na puso; kagandahan itong walang kapara.

Kabig ng DibdibWhere stories live. Discover now