Hindi matutumbasan ng ano mang salita,
Ni maraming salamat na pagwika,
Ang lahat ng pagpapala,
Buong pusong ipinagkaloob ng Maylikha.Ang paggising sa bawat umaga,
Isang bagay na aking ikinasisiya,
Payak kung pakikinggan ngunit napakalaki ng biyaya,
'Pagkat nagsisilbi itong larawan ng pag-asa.Ito ay tanda,
Na magagawa pang masilayan ang ngiti ng pinakamamahal na pamilya,
May pagkakataon pa upang tuparin ang mga pangarap at pinipithaya,
Magugugol pa ang panahon para maranasang mabuhay, maging masaya,
Ang umibig, masaktan, matuto, at lumaya.Pinakapinasasalamatan ko ang paggising sa umaga,
'Pagkat nagagawang makita ang mundo, ang taglay nitong ganda,
Maging sa mga panahong ito'y imperpekto pati na kapag payapa,
Minsan ang hirap ibigin ng buhay ngunit amining nakabibighani ang taglay nitong hiwaga.