sa paglalandas ng isip ay may nabuong hinuha,
habang mga mata'y pinagmamasdan ang mga talà;
bago maghangad ng makakapareha,
pag-aayos sa sarili muna ang iuna.habang naghihintay sa tinatawag na, "tamang tao"
gamitin ang bawat segundo't minuto,
lakbayin ang mundo ng pagiging progresibo,
upang ikaw mismo ay maging tama sa taong nakalaan para sa 'yo.