"TANTO"
Pasikat na ang araw, tanaw na ang pagsilip,
Pagod na katawa'y di pa rin pinapatulog ng isip,
Laman ay ikaw ngunit hindi na katulad ng dati,
Na naghihiraya ang bahagi ng puso ko na ikaw ang kapisi,
Sapagkat ang pangarap na iyon sa aki'y di na nanatili,
Dahil tinatanggihan na ng puso na masaktan mo pang muli.Kung dati'y handang sumugal gaano man kasakit,
Na kahit ayaw mo na, ako pa ri'y magpupumilit,
Kahit "Tama na" ang sinasabi ng isip,
Ang "Sige pa, laban pa" na sinasambit ng puso pa rin ang susundin.Ngunit gaya ng ibang bagay,
Pagiging mahina pagdating sa 'yo ay di habangbuhay,
Sapagkat nagising na lang ako isang araw,
Ang halaga ko'y di ko na matanaw,
Tila isang estranghero, ako'y naligaw,
Mapa at daloy ng buhay tila sadyang sa 'yo ay pinanakaw,
Ginawa kong mundo ang dapat na tao lang, iyon ay ikaw.