Prologue

84 11 4
                                    

Daunted By Love

Tell me how does someone know when love is real?

━━━━━━━━━━━━━━━

"Caia, una na ako. May kasabay ka naman nang umuwi diba? Kailangan kasi ako sa bahay eh." Kinawayan ako ni Claire.

I waved back and smiled at her before she left. Hindi kasi umaalis 'yon ng basta-basta kapag wala akong kasamang umuwi. Her little brother needs some help with his performance task. Our house is just near the school but I grew up always having someone by my side kaya hindi ako sanay na mag-isa.

"Sinong hinihintay mo?" Tinapik ni Lexi ang balikat ko dahilan para matigil ang pagtingin ko sa loob.

Napatingin siya sa classroom namin at halos tumalon siya sa kilig nang makita kung sino ang tinitignan ko.

"I knew it! Kaya naman pala kahit mata mo nakangiti." Pabiro niya akong tinulak.

"Basta kinikilig ako bahala ka diyan." Dagdag niya pa saka sinubukan akong kilitiin.

"Magtigil ka, Lexine." Pagpapakalma ko sa kaniya, her face is turning red already.

She started fanning her face. Natatawa na lamang ako sa mga reaksiyon ng mga kaibigan ko sa tuwing makikita nila akong nakatingin o kasama si Yuan.

"Ihahatid ka daw niya?"

"Yup, may tatapusin lang daw siya saglit." Sagot ko.

Naningkit ang mga mata niya habang nakangiti. "Ikaw na talaga, Cordelia! "

"Bakit ka nasa labas? Samahan mo kaya siya doon. Ay 'wag na pala baka madistract sa kagandahan mo." Pang-aasar niya pa.

Natatawa akong napailing nang dahil sa sinabi niya.

"Hi, Cai." Matheo, a friend of Yuan suddenly appeared.

"Hello!" I smiled.

"Si Yuan?"

"May ginagawa sila sa room pero malapit na yatang matapos."

Sumulyap siya sa classroom namin saka tumango. Yuan is still typing in his laptop while his group members are writing something in their own papers.

"Umuwi na ba si Alliah?" He asked referring to his cousin.

I nodded. "Kanina pa, why?"

"Nagtext si tita sa akin tinatanong kung pumasok. She didn't sleep in their house, kila Bliss daw natulog." He answered.

My mouth formed into an 'o', I didn't know that. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin silang dalawa sa akin. The sun is already setting kaya naman ay pumasok muna ako sa loob ng classroom namin dahil mainit. I didn't got the chance to sit down dahil pagdating ko doon ay nagliligpit na sila, tapos na sa ginagawa kanina.

"Hi" Nilapitan ako ni Yuan.

I spread my arms, asking for a hug na ibinigay niya naman. It was a short hug yet it took all my tiredness away. If the word comfort was a person, it will definitely be Yuan.

"Let's go home?" Tanong ko sa kaniya. Kinapa ko ang panyo ko sa bulsa at inilabas iyon saka pinunasan ang pawis sa noo niya.

"Ay bakit wala kaming ganiyan kapag nakatapos ng group activity?" Pabirong tanong ni Harris sa amin.

Nagkatinginan silang magkakagrupo at nagtawanan. The school quieted down because a lot of students went home already. Hinintay kong maayos ni Yuan ang mga gamit niya bago kami lumabas para umuwi na. His car is parked outside the school. Sakto may mga street food stalls sa labas dahil nagugutom ako.

"Sakay kayo?" Dinumog kami ng mga tricycle drivers pagkalabas palang ng school.

After respectfully saying no to them ay nalagpasan na rin namin ang sakayan.

"Siomai!" Masaya kong sabi nang makakita nito sa kabilang daanan.

"Marunong ka bang tumawid?" Hindi ko alam kung nag-aalala o nang-aasar niyang tanong sa akin.

Sinubukan kong tagalan na tumingin sa kaniya ngunit ako rin ang sumusuko sa huli. Inirapan ko lamang siya saka nagkunwaring tumingin sa daanan. I glanced at him. Hindi ko napigilang ngumiti nang makita ang mapang-asar niyang tingin.

Hinawakan ko ang tela ng damit niya nang humakbang siya upang tumawid. I look like an innocent child next to him. Hinintay niyang mawala ang ilang sasakyan sa daan bago kami tumawid. Dumiretso kami sa bilihan ng siomai.

"Magkano po yung Jap?" I asked. The vendor opened the steamer and smoke came out of it.

Nakita ko ang iba't ibang uri ng siomai sa loob no'n.

"30 lima"

"Ano sa'yo?" Baling ko kay Yuan.

His eyes scanned the food infront of us. "Beef at Pork" Sagot niya.

Kahit kakalabas lamang sa lutuan ng siomai na binili namin ay lumamig rin ito kaagad dahil medyo naging mahangin na ang panahon. Dark clouds started taking over the sky. I started making the sauce for the siomai. Kinuha ko ang toyo at inilagay ito doon, I also added some chili oil on top. Ganoon din ang ginawa ni Yuan pero yung sa kaniya ay nilagyan niya ng garlic flakes, I don't like the taste of it kaya hindi ko nilagyan ang akin.

"Maanghang" Rinig kong sabi niya. He's blowing air out of his mouth now.

"Nadamihan mo yatang maglagay." I told him.

I searched for his tumbler in his bag and gave it to him. Pinigilan kong matawa dahil sa reaksiyon niya ngayon.

"Ayan ang napapala ng inaasar ako kanina." Humalakhak ako.

Nagpatuloy siya sa pagkain kahit halatang naaanghangan na siya. Hindi talaga nagpapatalo kahit kailan 'to. Hinagod ko ang likod niya nang matapos siya sa pagkain. I finished eating mine too. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sasakyan niya para makauwi na kaagad.

Although a part of me doesn't want to go home yet, dahil gusto ko pa siyang makasama ng mas matagal. I feel safe and genuinely happy whenever we're together. Masaya rin naman ako kapag kasama ang mga kaibigan at pamilya ko pero iba yung saya kapag siya ang kasama.

Being with Yuan feels like falling in love everyday.

I couldn't say that to him, I don't have the guts to tell him those words. Kahit na gustong-gusto kong sabihin dahil iyon ang nararamdaman ko ay hindi ko magawa ng dahil sa hiya at kaba. I like him that's for sure. Kahit na ilang beses kong pinigilan na mahulog noon ay puso ko pa rin ang nasunod sa huli.

"Malapit na tayo." He said. Tinanaw ko ang daanan sa labas ng bintana ng sasakyan niya.

A few minutes later he stopped his car, nasa harap na pala kami ng bahay. Medyo madilim na sa labas kaya naman ay mas lalo kong naramdaman ang lungkot, not that darkness makes me sad but because I know that when the night time comes it's time to say goodbye to him. Naramdaman ko ang titig niya sa tabi ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Caia" He called.

Napapikit ako ng mariin at tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hearing him say my name that sweetly makes my heart happy, it hurts my heart. Niyakap niya ako at dahan dahang tinapik ang likuran ko.

"Tahan na." Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.

Yuan would always bring me home safely. Ngayong nasanay akong ganoon ay nahihirapan ako sa tuwing kailangan na naming magpaalam sa isa't isa. Why does saying goodbye hurts this badly? Kahit na alam mong babalik naman siya.

"Ang hirap mo namang iwan." Sambit niya, sabay kaming nagtawanan.

━━━━━━━━━━━━━━━

clemenciana

Daunted By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon