Chapter 10

10 2 0
                                    

Daunted By Love

The way you make me feel

━━━━━━━━━━━━━━━

"Do you have any update sa typhoon, pamangkin?" Tanong ni Tito sa akin habang nasa sala kaming lahat.

"Lalabas na po yata sa pinas bukas, Tito. That's what I've been seeing all over the internet, let's all hope it's true." Sagot ko.

"Oo nga, signal number 1 nalang tayo." Si Tita Mish.

It's been 2 days since the typhoon came, dito na nanatili sila Red para magkakasama kaming lahat incase of emergency. Malakas ang buhos ng ulan nitong mga nakaraang araw kaya sigurado akong may ilang lugar na nabaha. Yuan and I have been texting and calling each other every night, naputol iyon ngayon dahil parehas kaming lowbat. Wala pa ring kuryente sa buong Isabela dahil sa bagyo.

We spent the whole afternoon cleaning inside and outside our house because of the calm weather. I saw people cleaning as well when we were outside, inilalakad na rin nila ang mga alaga nilang aso dahil matagal nang nanatili sa kanilang mga bahay-bahay.

"May generator sa bahay, gusto mong pumunta muna doon, Caia?" Baling sa akin ni Tito habang nakaupo kaming lahat sa terrace.

My heart started racing. May kuryente na kaya roon sa kanila? Natawa ako sa sarili ko, buong Isabela nga ang walang kuryente. Ano ba, Caia. Namimiss ko lang talaga siyang makausap. He's been keeping me sane during the typhoon. Nawawala ang lahat pagdating kay Yuan. He's been on my mind these past few days at hindi ko alam kung maaalis pa siya sa isip ko. I feel like I'm being obsessed with him which is not right.

Mabuti siyang kaibigan at sa tingin ko ay hindi na dapat ako humiling pa ng mas malalim na samahan o relasyon. It's obvious that I like him but I've been indenial to myself. Ililihim ko nalang 'to dahil ayokong masira ang kung anong meron sa amin. Yung pag-iwas niya noon ay halos mawala na ako sa sarili ko, paano pa kaya kung magkasakitan kami dahil sa pag-ibig at maghiwalay.

I don't want a break-up kahit na hindi ko pa iyon naranasan dahil wala pa akong naging boyfriend sa buong buhay ko. It will destroy me if it happens with Yuan. Mas pipiliin ko na lamang na mahalin siya ng palihim. Besides, I don't even know Yuan's real feelings. Baka ganoon lang talaga siya sa mga malapit niyang kaibigan katulad ni Alliah.

Nagpunta ako sa bahay nila Tita Mish para makicharge at tumingin ng update tungkol sa bagyo. I checked our group chat in school, may pasok na raw sa lunes at 'yon na rin ang araw ng performance sa PE namin, nag message rin si Trish na magkakaroon ng whole day practice bukas at sa linggo. Naputol ang pagbabasa ko ng mga chat nang marinig kong humiyaw si Red sa may kusina kaya napatingin ako sa kaniya.

"No more bagyo!" He said cheerfully.

I smiled at him. That's good to know, I've been stuck in our house for a certain amount of time now. I miss my friends and my routine in school days. I feel unproductive lately because I have just been sitting and phoning if I get the chance to. Buti na lang at may pupuntahan ako bukas. I can finally see Yuan and my friends.

Nag chat ako sa kaniya para mangamusta at kung nabasa niya na ba ang message tungkol sa practice. Sana bumalik na ang kuryente para kahit papaano ay maginhawaan ang lahat. Lumipas ang ilang oras ay hindi ako nakatanggap ng reply mula kay Yuan. Nakatulog ako kakahintay na magkaroon ng kuryente, nagising lamang ako dahil sa hiyawan na narinig mula sa mga kapit-bahay namin dahil nga bumalik na ang kuryente.

Chineck ko ang oras sa cellphone ko at nakitang madaling araw na. Napagdesisyunan kong bumangon na para mas makapaghanda para sa magaganap na practice namin mamaya.

"Cai! Kamusta?" Bati ni Claire nang makita ako.

I hugged her tightly. "I'm okay, kamusta kayo ng family mo?"

"Okay lang din kami." She smiled at me.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang iba naming mga kaklase. And ofcourse my eyes are always looking for Sevilla, sa tuwing may darating ay automatic na hinahanap ko ang mukha niya. I can't help but wonder if he'll make it to the pratice or not. Maging si Alliah ay hindi pa dumadating.

Napagdesisyunan kong maupo muna sa bench para mag cellphone nang biglang umingay ang entrada ng barangay hall. A pile of people were there, maingay na nagtatawanan at nagkwekwentuhan tungkol sa kung ano. It wasn't long until I saw Yuan and Alliah at the back. Kinawayan ko sila at sinenyasan na sa tabi ko ilapag ang mga gamit nila.

"Hi, I missed you..." Sambit ko kay Yuan nang makalapit sila. Nanlaki ang mga mata ko sa nasabi. "...both, I missed you both hehe."

"Ay binawi!" Rinig kong pang-aasar ni Claire.

"Hindi ah." I said in defense. "Namiss ko nga sila."

"Both ba talaga?" Pabulong niyang sabi. Naniniko pa.

"Cai" Pagtawag ni Yuan.

Nilingon ko siya. "Mmm?"

"I'm sorry hindi ako nakareply sa'yo. Drained yung phone ko e, kanina lang na full charged. I tried to message you when my phone turned on pero walang signal yung wifi namin. Our network provider kinda sucks." He explained.

"It's okay. Alam ko naman." Nginitian ko siya.

Naupo muna kami habang hinihintay ang pagdating ng iba pa naming mga kaklase. I sat beside him silently, like a little kid I was sitting and behaving properly as if he would hit me if I'd move even an inch.

"Tumayo na kayo guys. Start na tayo." Trish said which made us all stand up.

"8:00 ang call time natin kaya humabol nalang yung mga late mamaya."

Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto at naghanda. Kent was the one who was incharged of operating our music, kaya naman ay nasa pinakagilid ang pwesto niya para mabilis niyang maibaba ang cellphone niya sa speaker na gamit namin.

Trish was very strict with our dance practice. It's understandable since sa Monday na ang performance namin at maiksing oras na lamang ang natitira para sa pag eensayo. She began dividing us per column and each will take turns to dance, titignan niya kung kabisado na naming lahat ang sayaw.

Claire and I's column were the first one to be evaluated. Nagsimula na kami at hindi ko mapigilan na mapalingon kay Yuan habang nagsasayaw. He's staring at me. Ngunit ang titig na 'yon ay hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng kahulugan o sadyang ganoon lang talaga siya tumingin.

I mean his eyes are dangerous, I already warned myself before.

Trish continued evaluating the remaining columns when we were done. Wala naman kaming naging mali habang nagsasayaw kaya walang naging problema sa column namin. I'm so glad Kara and Rio are infront of us para may sundan ako pag may nakalimutang steps sa sayaw, they're great dancers.

Mabilis na lumipas ang oras. Tuloy-tuloy ang practice namin at nagpapahinga lang konti para sa water break.

"That's it. 12:30 na guys, mag lunch na muna tayo. Thank you sa inyo." Trish said.

Pawis na pawis kaming lahat dahil sa pagod. Naglakad ako palapit sa bench para kunin ang hair clamp ko at inipit ang buhok ko. I brought out my towel and wiped my face and neck.

"Sumayaw ka ba?" Si Yuan.

"Oo, nakatitig ka nga e."

I saw him smirk. Nagpupunas na rin siya ng pawis niya ngayon habang parang ewan na nakangiti.

"Baliw ka 'no?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kahit na pawisan siya ay mukha pa rin siyang mabango.

"Am I the one who's really crazy, Caia? Ako ba ang baliw o ikaw ang nababaliw sa akin?"

━━━━━━━━━━━━━━━

clemenciana

Daunted By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon