Chapter 6

28 3 3
                                    

Daunted By Love

I thought we were doing fine

━━━━━━━━━━━━━━━

After dinner, we all had to sleep inside the resthouse because of the mosquitos. Noong una ay nakakaya pa ng pag spray ng baygon pero nang lumalim ang gabi ay hindi na namin nakayanan at napagdesisyunang sa loob nalang matulog. We don't want to risk getting dengue. Kahit na sayang ang itinayo naming tent ni Yuan ay ayoko rin namang pagpiyestahan ng lamok sa pag tulog. Nagamit naman namin nang magkwentuhan kaming lahat doon kanina. We can do it next time anyways, hindi naman ito ang huli.

"Goodnight, Leaf, Bliss and Yuan." I waved at them before going into the girls room.

"Goodnight, Caia." They all said.

"Sleep well." Rinig kong pahabol na sabi ni Yuan at kasunod no'n ay ang pang-aasar nila sa kaniya.

Tahimik na ang buong paligid at tanging ang tunog ng aircon at ang mahihinang paghinga nalang ang naririnig. Humiga ako patagilid upang tignan kung tulog na sila. Claire beside me is sound asleep already, I can't see Alliah's eyes because she's wearing an eye mask but I think she's asleep because she's not moving. Si Felize naman ay nakatalukbong ng kumot sa mukha niya. I'm the only one who's awake at this time. Napatingin ako sa digital wall clock at nakitang mag aala-una na ng umaga. Napasarap ang kwentuhan namin sa rooftop kanina kaya inabot kami ng madaling araw.

Hindi ko alam kung nakatulog ako ng gabing iyon dahil ang huli kong naalala ay nakatitig ako sa kisame. I got out of bed and took a bath. Paglabas ko ay nasa kusina na sina Felize, Leaf at Alliah. Naupo ako sa tabi ni Leaf at napahikab pa. Sinuklay ko ang basang buhok ko gamit ang kamay ko. Ayokong gumamit ng blower kanina dahil baka magising sila. Nagluluto si Alliah ng umagahan namin habang nagsimula namang magkwento si Felize. Nakapangalumbaba ako habang pinapakinggan ang kwento niya tungkol sa bago niya raw na nagugustuhan.

"He is doing the push and pull method. He's sweet and then all of a sudden he's cold." She said while fanning herself with her hand.

"Akala niya ba kawalan siya? I can take any man if I want to but lucky for him I don't want to." Mayabang niya pang sabi sabay inom sa iced coffee na nasa harapan niya.

My lips formed into a thin line.

"Fel!" Saway ni Leaf, papunta na kasi sa kanta ang mga pinagsasabi niya.

Alliah prepared breakfast for all of us, tumulong din akong maghanda ng mga plato kanina nang matapos siyang magluto. Hindi na kailangang tawagin ang iba dahil nagising na rin sila at nagsilabasan sa mga kwarto. I bet it's because of the smell of the bacons, ang bango kasi at nakakagutom. Tumabi sa akin ang naka-onesie na dinosaur na si Claire. She looks so cute! Hindi ko masiyadong na-appreciate kagabi dahil madilim.

"Anong oras ka uuwi, Cai?" Baling niya sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "I don't know yet, sabay na kaya tayo?"

She nodded and smiled at me. Nang magising na ang lahat ay saktong handa na ang lahat ng pagkain para sa umagahan naming lahat.

"Guys, say thank you to Alliah. Siya ang nagluto ng umagahan natin." Leaf said, almost teasing his cousin.

"Thank you, Alliah." We all said in chorus and laughed.

Masaya ang naging umaga namin dahil muling napuno ng kwentuhan at tawanan ang hapag-kainan. Claire and I went home after dahil mayroon pa raw siyang pupuntahan mamayang gabi. Sumabay na ako dahil wala na rin namang ganap sa resthouse dahil nagsisiuwian na ang lahat. Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Medyo madilim pa ang langit nang makarating ako sa room pero marami na rin sa mga kaklase ko ang meron na.

Natanaw ko si Yuan sa upuan niya. Kinawayan ko siya ng magtama ang mga paningin namin. He suddenly smiled at me at halos matunaw ang puso ko sa tuwa. Nakangiti akong napaupo sa upuan ko pagkatapos noon.

Great, nagmukha kang tanga doon, Caia.

"Hi! May notes ka ba sa Business Finance?" Anna, my seatmate approached me.

"Hello, meron. Saglit lang."

Ngayon lang kami nagkausap simula nang unang araw ng klase. I know her because we were schoolmates in Junior High School but we never really got the chance to get to know each other. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang notebook ko. I scanned the pages first before giving it to her.

"Thanks!" She said.

"Caia, pwede pa-picture?" I didn't know Kent was listening to our conversation earlier.

Lumapit siya hawak ang cellphone sa kaliwang kamay niya. The past few days I have only interacted with some of my classmates kaya hindi ko pa ganon kaclose ang iba kong mga kaklase.

"Sure." I said.

"SPJ ka dati diba?" Tanong niya na siyang ikinagulat ko dahil hindi siya pamilyar sa akin.

SPJ which stands for Special Program for Journalism is a curriculum in Junior High School, it is designed to broaden student-writers' experiences, hone their journalistic skills and competencies, and strengthen free and responsible journalism.

"Paano mo nalaman?"

"Nakikita na kita noon pero ngayon ko lang nalaman pangalan mo." He explained.

I nodded as a response and watched him as he takes pictures of the notes that I've written in my notebook.

"Thank you, Caia."

"May bayad 'yan." I jokingly said.

"Milktea? My treat. Order ka mamayang lunch." Aniya.

Agad akong umiling. "Nagbibiro lang ako."

"Hindi, sige na. Ako na ang o-order para hindi ka makatanggi." Sambit pa niya.

"Okay lang talaga, Kent. Huwag na." Depensa ko pa.

"Basta mamayang lunch may milktea ka sa'kin."

Umalis na siya kaya hindi na ako nakasagot pa. My eyes drifted at Yuan at nakitang nakatingin din siya sa akin. Kanina pa ba siya nakatingin? His eyes looked serious, walang reaksiyon ang mukha niya pero para akong natatakot na tignan siya nang matagal.

"Bakit?" Tanong ko ng walang boses sa kaniya.

He just blinked and looked away. Nalito ako sa kilos niya dahil maayos naman kami kanina. Tumayo ako para lapitan siya ngunit tumayo rin siya at naglakad paalis ng classroom.

What's wrong, Sevilla?

━━━━━━━━━━━━━━━

clemenciana

Daunted By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon