Chapter 11

11 1 1
                                    

Daunted By Love

Hidden feelings

━━━━━━━━━━━━━━━

"Saan kayo mag la-lunch ni Caia, Claire?" Rinig kong tanong ni Alliah.

"Hindi ko pa alam e. Sa'n tayo, Cai?" Baling niya sa akin.

Napatingin ako sa kawalan. Nag-iisip kung saan ba kami pwedeng kumain.

"Sa Centro nalang." I said. "Tingin tayo ng kainan. Sama na kayo ni Yuan sa amin."

"Sure!" Alliah agreed.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Mamaya na ako magpapalit ng t-shirt pagbalik namin dahil hindi naman ako gaanong pinawisan kanina sa pratice namin.

"Nasa Akabana raw sila Mavi."

Sinulyapan ko si Yuan nang marinig ang sinabi ni Alliah. Nandoon ang mga kaibigan niya. Yuan's friends somehow makes him look less intimidating, yung kapag nakikita mo siyang kausap ang mga kaibigan niya ay parang ang dali-dali niyang lapitan at maging kaclose pero ang totoo, hindi gano'n kadali. Siguro malalapitan mo siya at makakausap ng walang problema, pero hanggang doon lang 'yun. Not to the point where he'll open up his problems to you and all.

Gusto kong maging mas malapit sa kaniya. That's why I always look for him and even get sad when I don't see him around. It's like there's a strong magnet attached to him and me, parang patuloy akong hinahatak papunta sa kaniya. And the more I resist to it the more it pulls me back to him.

"Doon nalang din tayo!" Si Claire. Tinanguan ko naman siya nang sinenyasan niya ako kung ayos lang ba.

She likes Mavi. Noon pa man ay kinukwento na niya siya sa akin, they met through a common friend of ours. Mula nang makilala niya si Maverick ay siya na ang bukambibig ni Claire palagi sa akin. It's just her happy crush though, she didn't chat him or anything.

Pumara na kami ng tricycle para mas mabilis na makarating doon. Wala rin kasi sa amin ang may dala ng payong kaya masusunog lang kami kapag naglakad. Kaming tatlong girls ay nasa loob habang si Yuan ay naupo sa likod.

The scent of sizzling garlic and the ramen broth greeted us as we step foot in the restaurant. Sikat ang Akabana dahil sa murang presyo ng ramen nila pero hindi ka mabibigo sa lasa. I've been here for only twice but their food is really tasty.

The place was small but always full of people of different ages. The walls are painted with a very bright shade of red, giving the room a bit of a glow. Little lanterns are hanging low in the ceiling, serving as the light over the tables and chairs.

"Yuan!" Tawag sa kaniya ng isa niyang kaibigan.

I saw Maverick Lacuesta moving their bowls of ramen that was already served to a bigger table. Napagtanto niya yata kaagad na sinundan namin sila nang makitang nandito sila Alliah kasama kami. I sat next to Claire. She's blushing and I know why.

"Shoyu ang akin. Ano sa inyo Caia?" Tanong ni Alliah.

"Tonkotsu ako." I said.

"Tonkotsu ka na pala ngayon? Hindi na tao?" Pang-aasar ni Yuan.

Inirapan ko siya at kasunod no'n ay ang pag kantyaw sa kaniya ng mga kaibigan niya.

Daunted By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon