Chapter 14

15 2 0
                                    

Daunted By Love

I can't help this feeling

━━━━━━━━━━━━━━━

Sunod-sunod na ingay ang narinig ko sa cellphone ko pagkalabas ko ng cr. I just got off from the shower at tadtad ako ng notifications galing sa messenger, I bet it's from our group chat.

12 ABM A

Trish:
Guys pa chat nalang here if want niyo sumali, isasubmit ko na kasi mamaya kay ma'am yung list. One representative lang per event hindi naman need na lahat ng events masalihan since meron nang taga ibang sections na sasali rin.

Hiya:
i'll join feature writing in english

Drake:
Sa Editorial Cartooning ako

Caia:
I'll join Photojournalism–English

Franchesca:
goodluck guysss

I also got a few messages from Claire, Alliah, and Yuan. Inuna kong buksan ang galing kay Yuan.

Yuan Jace Sevilla

Your voice was so good.
Ikaw siguro yung nanalong best anchor kung natuloy kayong sumali.

Wala akong barya, Sevilla.
Tigilan mo 'ko

Tigilan? Eh hindi pa nga kita inuumpisahan

What the
HAHAHAHAHA
Masasakal kita eh

At bakit?

Gusto ko lang

Matulog ka na

Pilitin mo muna ako

*/pinilit ka

Bwisit ka talaga
(😆)

He left me on seen after that. Nireplyan ko na sila Claire at Alliah pagkatapos ng pag-uusap naming 'yon. Tinatanong nila kung hanggang saan ang rereviewhin para sa long quiz namin sa monday. I did my usual night routine and after doing my skincare, pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa higaan ko.

I'm staring at my ceiling—while unconsciously smiling. Nakatulog ako pagkatapos no'n. Dumiretso ako sa school pagkatapos kong maligo at sa sasakyan na nag-ayos. Kanina pa pala nag umpisa ang program sa gym, they already instructed the participants to go to their designated rooms. Makikita naman daw dahil bawat classroom ay may nakasulat kung anong event ang nandoon.

I went to the STEM building first to check. Each strand has their own 2 storey building and their built far away from each other, I just hope I find it soon dahil baka mag umpisa na sila and I might miss our coach's instructions and most specially the theme for the contest. Dala-dala ko ang laptop ko para sa layout at captioning ng mga photos mamaya. I should've bought my backpack instead of the laptop bag. Sumasakit na ang balikat ko dahil kanina pa ako nakatayo at naglalakad.

Wala rin sa building ng HUMSS kaya nagpunta na ako sa TVL. Napabuga ako ng hangin nang makita ang event kong nakapaskil sa unang pintuan na pinuntahan ko. Madami nang nakaupo at nandoon na rin ang coach namin. It's Ma'am Ceej, teacher namin sa applied economics. Her pale skin is almost shining, parang may sariling ring light. She's in her early 30's at hindi mo aakalain na mayroon na siyang anak dahil mukha pa rin siyang bata. I sat at the first row and my shoulders thanked me when I removed the laptop bag and placed it beside me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Daunted By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon