Daunted By Love
My solace
━━━━━━━━━━━━━━━
"Great performance, ABM A!" Papuri ni Sir Simon sa amin.
We were the last to perform among all the other strands and sections, araw ng lunes ngayon at katatapos lang ng cheerdance competition. Napatingin ako kila Yuan at sa mga kaibigan niyang nangakong manonood ng performance namin. They are teasing him again.
"Pawis na pawis ah." Pang-aasar sa akin ni Claire.
Hinampas ko siya ng mahina at hinanap ang panyo ko para magpunas ng pawis. I found it in the front pocket of my bag.
"Pupunta kayo sa canteen?" I heard Matheo asking.
I glanced at them, nakatingin na silang lahat sa banda namin. I shrugged my shoulders as an answer. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang plano. We still have to attend our classes this afternoon dahil tapos naman na ang cheerdance. I am so exhausted, dahil na rin siguro sa pagod sa practice at sa bigay na bigay na performance namin kanina.
"Kay Ma'am Rima lang daw ang may klase so makakapagpahinga pa tayo ng mga ilang oras. Guys walang lalabas ng school ha." Trish announced.
3:00 to 4:00 pm ang schedule ng klase namin kay Ma'am Rima. We don't have to rush to eat our lunch today which I'm grateful for. Sigurado akong sasakit ang mga muscles ko pagkatapos ng araw na 'to dahil hindi naman talaga ako sumasayaw.
"Tara na, Cai."
Nauna si Claire sa paglalakad. Kinuha ko ang bag ko at nakitang nakikipagkwentuhan pa rin si Yuan at Alliah kina Matheo. I don't actually know where we are headed to, sinundan ko nalang si Claire dahil wala na rin naman akong gagawin pa sa open gym kung saan kami nag perform at wala rin akong ibang makakausap doon. I wanna lay down on my bed already.
"Gutom ka na?" Claire asked me.
Malapit na kami sa room nang makasalubong namin si Leaf. Basa ang mukha niya, I can see some leftover face paint on his cheeks. Kagagaling niya yata sa restroom para maghilamos. Itinuro ko ang pisngi niya at agad niya namang pinunasan iyon.
"I have to go, nag order kasi kami nasa gate na raw yung rider." He gave me a hug before leaving.
"Sana kaklase nalang natin siya. I miss Leaf so much. We didn't even got the chance to have a small talk." I said.
Itinulak ko ang dati nang bukas na pinto ng classroom namin. Iilan lamang ang nandito sa room dahil ang iba'y kumakain na at ang iba naman ay nandoon pa rin sa open gym.
"Life is built like that, Cai. Hindi naman pwedeng ang lagi mo lang kasama ay yung mga taong komportable kang makasama. You'll meet so many more people along the way lalo na mag ka-college na tayo."
Pagkatapos naming magpahinga ni Claire sa room ay napagpasiyahan na naming magpunta sa canteen para kumain. I'm starving and I feel like I can eat three or even four extra rice today. Tinitignan ko na kung anong mga pagkain ang meron habang nakapila kami. That sisig looks appetizing, mayroon pang siling haba as its toppings. Gosh, I'm getting really hungry just by looking at it.
"Tingin ka na ng table natin." Claire said when it was our time to order, siya na raw ang magsasabi ng order ko.
"Huwag mong kalimutan yung-"
BINABASA MO ANG
Daunted By Love
Teen FictionGraduating Senior High School student Caia, unwittingly falls inlove with one of her classmates. Being in love for the first time in her life, she becomes daunted, will they be able to maintain their burning love towards each other or will the flame...