Chapter 3

41 11 2
                                    

Daunted By Love

Whenever you're around

━━━━━━━━━━━━━━

"The deadline of the given activity will be tomorrow, late outputs will receive minus points." Sir Jon said, he walked out of our room after giving the activity to us.

Mayroon daw kasi siyang importanteng pupuntahan ngayon kaya hindi niya kami mababantayan. Nag-iwan lang ng gawain para naman may gawin kami sa oras ng klase niya at hindi kami maging maingay o magulo. Binuksan ko ang bag ko at naglabas ng bond paper doon. The questions were already written in the blackboard kaya magsagot nalang ang kailangan naming gawin.

"Cai, pwede pahingi? Nakalimutan kong dalhin yung akin." Tumabi si Claire sa akin.

Umusog ako para bigyan siya ng mas malawak na espasyo. Napalingon ako sa bandang likuran at nagtama ang paningin namin ni Yuan. Nginitian niya ako, I smiled back at nakita ko ang munti niyang pagtawa saka bumalik na sa ginagawa. Ang cute. Parang ang saya niyang maging kaibigan dahil sa mga nakikita kong katangian niya.

Nagpatuloy ako sa pagsagot at pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin. We answered three questions at kailangan naming isulat ang sagot ng essay form. Claire's still writing kaya hinintay ko siyang matapos bago kami bumili ng makakain.

"Tapos ka na?" Rinig kong tanong ni Yuan, his voice is coming from behind me.

"Oo, ikaw?"

Tumango lamang siya at tila may sasabihin pa ngunit itinikom niya na ang bibig niya.

"Yuan!" May tumawag sa kaniya sa labas.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapunta siya sa labas. Nasa harap lang sila ng pintuan kaya nakikita ko sila. I think it's his friends, they're all holding a rubics cube in their hands. My eyes was glued at the cube they were holding, I've always wanted to learn how that works ever since but I never got the chance to.

"Sinong Entrep niyo?" Rinig kong tanong nila sa kaniya.

"Si Sir Simon." He answered.

Humiyaw ang isa sa kanila kaya naman napalo siya ng isa nilang kasama. Pinigilan ko ang pagtawa dahil sa nakita.

"Ingay mo, Jaime." Yuan said.

"Hindi mo ako gayahin, tahimik lang." The boy with braces confidently said.

Napatingin silang lahat sa kaniya at saka nagtawanan.

"Ang feeling mo talaga kahit kailan, Matheo."

Napatango ako, I'm finding out their names now. Wait, why am I even listening to them? Malamang naririnig ko alangan namang takpan ko yung tenga ko para lang hindi sila marinig. I shook my head and looked at Claire's paper, malapit na siyang matapos. Last period namin ang UCSP kaya naman ay uwian na pagkatapos nito.

"No classes the day after tomorrow." Paglapit ni Alliah sa amin. She's scrolling on her phone.

"Wala nanamang pasok?" Nag-angat ng tingin si Claire at tumigil muna sa pagsusulat.

I checked my phone and opened my calendar app.

"Cause it will be Saturday, then." I said.

Alliah chuckled. I forgot that our first day of school started on Wednesday at Thursday na ngayon kaya malamang ay wala na kaming pasok sa susunod na bukas. I don't know why Crest didn't start out school on a Monday.

"Ang sakit ng likod ko." Daing ni Claire habang hawak ang likod niya.

"Huwag ka masiyado yumuko kapag nagsusulat." I said.

She stood up and stretched her arms. Nagpunta siya sa upuan niya para kunin na ang bag niya.

"Tara na, Cai." She said.

Tumayo na rin ako para kunin ang bag ko. I peaked at the ground floor para tignan kung meron na si Papa para sunduin ako. I saw our blue car kaya naman ay bumaba na ako.

"Ingat, Claire." Niyakap ko siya.

She hugged me tighter. "Goodbye, ingat din! Tell Tito I said hi."

Pagkauwi sa bahay ay nag shower na kaagad ako. I don't know but I feel so exhausted and tired these past few days, kahit na wala naman masiyadong ginagawa sa school ay pagod pa rin ako pagkauwi. I sat on my swivel chair and scrolled through my phone. A notification from messenger popped up.

Yuan Jace Sevilla:
Nakauwi ka na?

I typed my reply and sent it to him.

Caia Keleinah Cordelia:
Yup, ikaw?

I did not wait long dahil nagreply siya kaagad.

Yuan Jace Sevilla:
Good to know you got home safely. Pauwi na rin ako, may dinaanan lang kami saglit ni Alliah.

I just reacted heart to his reply and continued scrolling through my phone. Nang mangawit sa kakaupo ay pumunta na ako sa higaan ko upang mahiga. I played some Taylor Swift songs on spotify while I'm fixing my school bag. Mabuti nalang at tinapos ko na kanina ang activity namin sa UCSP kaya hindi na ako maghahabol bukas.

'Yun ang akala ko. Kinabukasan pagpasok ay abala ang lahat sa pag-stapler ng kanilang mga outputs sa UCSP, they all have printed pictures of one chosen Philippine Hero. Kailangan palang magpaprint para doon at hindi ko nagawa, the deadline's today. I sat down to somehow help calm myself, I am tense and nervous dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Is there a printing shop nearby?" Tanong ko kay Claire.

"Wala, Cai. Hindi mo napaprint yung iyo?"

"Hindi eh. I didn't read the instructions clearly, kasalanan ko din." I shook my head.

"May extra picture ka ba? Hindi ako nakapagprint." Rinig kong sabi ni Trish, class president namin.

Naglilibot siya sa buong room para tignan kung sinong may extra picture ngunit umupo siyang bigo dahil walang naibigay sa kaniya. Hindi lang pala ako ang wala, medyo marami kami.

"Meron ka na?" Tanong ko kay Alliah na kakalapit sa amin.

"Oo nagpaprint kami kahapon ni Yuan." Sagot niya.

"Wala sa kaniya." Claire said, referring to me.

Nakita ko ang pagtayo ni Yuan at may kinuhang kung anong folder sa loob ng bag niya. Nilapitan niya ako at binigay ang isang bond paper, ipinaharap ko iyon at nakitang isa itong printed picture ni Andres Bonifacio.

"Bakit 'to?" I asked him.

"Sa'yo nalang, nalakihan nung nag print kahapon kaya hindi ko nagamit. Pinaulit ko yung akin." He answered.

"Thank you." I said sweetly, he then tapped my shoulder softly.

Ang daming nanghihingi kanina pero sa akin niya lang ibinigay. Kumalma na ang isip at puso ko nang dahil sa nangyari. I'm thankful to Yuan for always making my heart feel this way. Now I always want him to be around me, kahit na hindi kami mag usap basta nakikita ko lang siya. Kung bakit ko nararamdaman ang bagay na 'yon ay ayoko na munang alamin.

━━━━━━━━━━━━━━━

clemenciana

Daunted By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon