Uno| The Criminal

2.4K 137 49
                                    

AVIATRICE

"Oh, look who's late." Mabilis na nagkasalubong ang kilay ko nang marinig ang boses ng nagsasalita sa tower.

I manoeuvred the aircraft and held on the lever as I prepared to land.

"Shut up and let me concentrate." I heard him laugh na para bang tuwang-tuwa itong marinig ang naiinis kong boses.

"You are an hour late, SA 909. What explanation would you give to the departing passengers?" I rolled my eyes. His annoying voice never fails to piss me off!

"You should be thankful at least we arrived." Lalong lumakas ang tawa niya kaya naman napangiwi na lang ako.

Bwiset.

Hindi naman talaga dapat aabutin ng isang oras ang pag-delay ng flight. Bukod kasi sa masama ang panahon, may eroplano pa sa runway so I need to go around and wait until the plane takes off.

Tapos ako sisishin niya bakit na-late? E kung ibangga ko kaya tong eroplano sa tower para malaman niya hinahanap niya.

"At least butter your landing," he snickered. Talagang nang-aasar siya.

Butter landing means to perfectly land smoothly. Iyong landing na hindi mo man lang naramdaman na nakalapag na pala. It wasn't that hard, pero paano ko gagawin yun e malakas ang hangin? I could only do a hard landing kaya inaasar niya ako kasi alam niya sa sarili niya na hindi ko magagawa iyon.

"50. 40. 30." I tilt my head and focused my vision on the runway habang pinapakinggan kung ilang metro na lang ang pagitan ng eroplano sa lapag.

"20. 10." I released the lever as I felt how the plane shakes for the hard landing I made.

"What a shame. Anong klaseng landing 'yan, Sachal?" Impit niyang tawa.

"Piss off, Distaunce!" Bugnot kong atugal.

Kung pwede ko lang siya sagasaan ng eroplano ginawa ko na. Napakamapangasar ng yawa.

As a pilot, our pride comes from the take off and landing of our aircraft. Napaka-smooth kasi tingnan ng mga plane na nakapag-butter landing. It shows how well-practiced and elegant the pilot is.

Now he's purposely trying to insult me dahil ilang oras ang flight from Philippines to Italy tapos ganon pa ako magpa-landing ng eroplano. Narinig ko ang pagtawa ng co-pilot na katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Why the hell are you laughing, Nat?" Umiling-iling naman ito.

"So this is how it feels like if the pilot and the tower are siblings," aliw na aliw nitong anas. Iginulong ko na lang ang mata ko.

That's right. That ATC in the tower is my older twin, Aviatrix Distaunce Coronia. And yes, our names are fucking rediculous. Sachal and Distaunce sounds like Social Distance. Iyon ay dahil may lahing baliw ang tatay namin at yun ang naisipan niyang ipangalan.

"Do the taxiing of the plane, umiinit ang ulo ko sa bwisit na yun," Utos ko kay Nat matapos tanggalin ang earmuff sa tenga ko.

After that incident when the pilot had a heart attack and the plane lost its control, I almost got in jail. Paglapag na paglapag ng eroplano sinalubong kaagad ako ng mga pulis. The ATC took the initiative of calling them for safety purposes. Nagtataka siguro ang mga ito kung sino ang kasama ni Natlan mag maneuver ng plane kung gayong walang malay ang pilot.

Hinanapan nila ako ng pilot's license pero wala akong maipakita. Military air force pilots don't really need to have pilot's licence when flying F-16 Fighting Falcon or an F-22 Raptor.

Consigliere's AviatriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon