AVIATRICE
I stormed inside a police station with my forehead knotted. Someone called me early in the morning that my appearance is needed for the crime I committed. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Umuwi ako ng Pilipinas para magpahinga, hindi para ma-stress.
Ni hindi nga ako umalis ng bahay buong araw kahapon tas may krimen akong ginawa at may kasong haharapin? The fuck is that?
Naglalakad pa lang ako ay natanaw ko na mula sa malayo ang pigura ng isang lalaki na naka-business suit. His back figure was not familiar to me. But I am guessing he is responsible for reporting me.
"Excuse me?" Pagtawag ko ng pansin nila. One of the police officers turns his head in my direction while the other is scratching his head in confusion.
"I am Aviatrice Sachal Coronia. Under what law did I violate and what crime am I being jailed for?" Dire-diretso kong tanong.
Humarap sa akin ang lalaking nakaupo sa silya. Lalong nagkasalubong ang kilay ko dahil hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. "Ma'am, how about you fix your lover's quarrel instead of messing with our work?" Tila pa urat na sambit ng isang officer.
"What do you mean?" Nginuso niya ang binatang kaharap ko. He looks pissed off.
"He said inutusan siya ng boss niya para i-report ka at sampahan ng kaso kasi hindi mo raw ni-replyan ang email niya." Binalik ko ang pansin ko sa lalaking nakaupo.
His hair was styled like a curtain mullet. Itim na itim ang mga mata at may maalon na pili mata't matangos na ilong. His features looks like an Asian, but he had firm jaw like those of the Europeans. "Who did you say the name of your boss was?" Paninigurado ko.
I got hundreds of thousands of emails from that viral Husband Application Form. Ang hirap naman isa-isahin kung sino sa mga yun ang may saltik sa utak para sampahan pa ako ng kaso dahil hindi ako nakapag-reply.
He stood up and faced me with a small smile on his lips. "I am Keegan de Luca, mister Salvatore's personal butler." Kaagad na tumaas ang kilay ko.
Salvatore? Him again?
I took my phone and checked my email. I was already intrigued by him that why I made sure to reply to his email to meet. Hindi ba nag-send ang email ko?
Nakagat ko ang labi ko nang mapansing hindi nga nag-send ang email ko. It was in the outbox. Mariin ko na lang pinikit ang mga mata ko. He could just email me again, can he? Bakit naman kailangan umabot sa point na sasampahan pa ako ng kaso para papuntahin lang ako?
"Baliw ba 'yang boss mo? Ilang kilo ba ng usok nahipak niyan at malakas ang tama sa utak?" Inis kong atugal bago ibalik sa bulsa ko ang phone ko para harapin siya.
I faced the officer and gave him an apologetic smile. "I aplogize for dragging you into this Officer. . ." Binasa ko ang badge na nakaukit sa uniform niya ". . .Officer Arellano." He just nods his head. Ginalaw-galaw niya ang kaliwang kamay niya na para bang pinapalayas na kami sa harapan niya.
That was so embarrassing!
Gigil akong napatigil sa paglalakad sa labas ng pinto ng police station. Marahas akong napalingon kay Keegan. "Where can I meet your boss?" Mabilis niyang sinipat ang relo niya.
"He's currently under session with his psychiatrist," He paused and shrugged at me.
Psychiatrist? So may sa baliw talaga siya?
"But I believe he is already in the meeting place. Shall we?" He flipped his car keys. May narinig akong sasakyan na tumunog. Nanatili lang akong nakatayo habang sinusundan siyang pumasok sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Consigliere's Aviatrice
ActionHaving the talent to shut people out, Aviatrice Sachal Coronia is living peacefully as she throws irrelevant people out of her life. Not until she met a man named Arlecchino Kage Salvatore, her once peaceful life became a chaotic hell. **** As a p...