Overprotective Boyfie

1.1K 79 28
                                    

Nagising ako sa isang malamig na kwarto.

Halos lahat ng gamit puti.

Gumalaw ako ng konti at napansin Kong iba na ang damit ko at naka suwero ako.

Tsk alam ko na kung nasan ako. -_-

Uugh! Ayaw na ayaw ko sa ospital. -_-

Medyo malaki at aircondition ang kwarto ko.

Nagugutom na ako at sumasakit ang ulo ko.

Umupo ako at inayos ang unan ko.

"Gisng ka na pala anak. Kumusta pakiramdam mo?"

Nakita kong may pumasok sa pinto. Si mommy pala may dalang isang basket ng mga prutas.

Napaayos ako ng upo.

Agad niyang hinipo Yung leeg at noo ko

"Ayos na po ako mommy."

Biglang may pumasok na nurse at chineck ako. Kinuhaan din ako ng blood test.

"Mommy bakit daw kailangan Kong uminom ng gamot?"

Tanong ko Kay mommy na nag hihiwa ng apple.

"May sakit ka. Hindi naman ulcer, but papunta na don pag lumala."

Nakangiti pang sagot ni mommy. Lol

"At, pagod ka daw lagi. Stressed at mahina ang resistensya. Ano bang kinakain mo sa school?"

Napatingin sakin si mommy.

Dahan dahan akong umiling "Hindi ako nag iisnack mommy. Wala kasi akong gana. Hehe"

"Nakuu, napakabait talaga ng anak ko. Sinabi ko na ngang kumain ng marami. Hindi naman pala kumakain. Kebait nga talaga!"

Napatawa nalang ako Kay mommy.

"Ang sabi ng doktor, kaya ka daw nagcolapse kanina kasi walang lakas Yung katawan mo, nag s'skip ka ng meal, nag pupuyat, at stressed ka daw. Para daw bumalik sa dati, water therapy , you're not allowed to eat sausage nakakapagpataas daw ng acid yon. Bawal din ang spicy foods, butter, sweets, juice, milk ,coffee, onion , garlic , at madaming preservatives. This whole week ang kailangan mo lang kainin ay mga veggie. Magmamala - kambing ka. Oh wait I'll call dar-"

"Mom, please no."

Mommy was about to get her phone.

"Why?"

Napaiwas ako ng tingin.

"May problema kayong dalawa?"

"Mom.. Please don't"

"But baby, he has the right to know."

"Mommy wag na kasi."

I begged

" *sigh* okay okay. Just promise me you'll eat your proper meal. For now, fruits and a little bit of rice and steamed vegetables muna . Bawal pa sayo ang heavy meal."

I nod then she handed me the sliced apples

"Mom, hanggang kelan ako dito?"

Sabi ko habang kinakain ko yung apple.

"2 days pa. Sabi ko, dito ka nalang babawi ng lakas."

I nod.

Okay narin yun atleast no more drama, at less stress .

Well as I expected Maghapon akong nakahilata dito. At oras oras pasok ng pasok Yung nurse para painumin ako ng gamot. Si mommy babalik mamayang dinner kasi kailangan niyang mag work.

Regrets (My Bully Love Part 2) A Juan Karlos Labajo FF ~By: crazyyY_mea~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon