Kristina's POV
Bukas na ang reunion ng parents namin kaya magkakaroon sana ulit ng planning yung TRUEpa ngayon but unfortunately yung iba may date , yung iba tinatamad , sarap nilang balibagin ano?
Binigay nila sakin yung mga pera nila at ako nalang daw ang bumili ng snacks , ang titigas ng mga mukha talaga. T^T
Si Kylie at Prince may date daw sila , si bakla naman may ka-eyeball , nakilala daw sa omegle , si Shai at Terrance naman may gagawin daw sila , si Keilah may pupuntahan , si Darren at JK busy sa career nila at bukas lang ang free nila , si Khate naman , tinatamad daw siya. Hay nako talaga T^T Kawawa naman ako
Biglang pumasok sa isip ko si Thea. Kaya tinawagan ko siya agad. Nang makatatlong ring ako ay finally sinagot na niya. Pero nung magsalita siya sa kabilang linya ay alam ko ng solo flight talaga ako ngayong araw na to. Nahalata ko kasing inuubo at medyo paos ang boses niya at sa huli sinabi niyang masama ang pakiramdam niya.
"Ma! Yung kotse ni dad free ba?" Sigaw ko kay mama na nasa kusina.
"Hindi anak. San ka ba pupunta? Mag taxi ka nalang. "
Nako naman talaga. Nagpaalam na ako kay mama at nakuwento ko kung bakit ako aalis. Pinayagan niya ako at lumabas na ako ng bahay.
Nasa labas na ako ng bahay at pasarado na ako ng gate ng biglang may nagtext sakin.
*Toot*
Unknown number:
Saan ka pupunta? ;)
~ Jake your loves
Napakunot ako. Mag ttype na sana ako at tatanungin kung san niya nakuha yung number ko pero may bumusina.
"Ano ba! Tanghaling tapat kaingay ingay mo. Ano bang ginagawa mo dito?" Pagtataray ko sa kanya habang papalapit siya.
"Hi Ms. Na malapit-ng-mag-memenopause. Wag mo ng tanungin kung san ko nakuha number mo , marami akong source." Sabi niya habang ibinabalandra sakin ang napalaking ngisi niya sa mukha. Pinitik ko siya sa noo ng malakas at napahawak siya kung saan ang tinamaan ko.
"Bwisit ka rin e!" Tapos nilagpasan ko siya at naglakad na.
"Hep! Saan ka pupunta?" Humarang siya sa harap ko.
"WALA-KANG-PAKE. Tabi!"
Nilagpasan ko ulit siya pero napahinto ako ng marinig kong nagriring ang phone ko. Kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko.
Prince Calling...
Sinagot ko agad.
BINABASA MO ANG
Regrets (My Bully Love Part 2) A Juan Karlos Labajo FF ~By: crazyyY_mea~
FanfictionJK and Thea broke up because JK didn't see the positive side of Long Distance Relationship. After 4 years Thea and JK is already 17 years old, more mature, and pressured about their current life. And Yeah finally Thea moved on. And she find her NEW...