Chapter 59

794 47 62
                                    



(A/N: Please listen to the song 'Tadhana by Up Dharma Down' KarHea's themesong ^^)



JK's POV




Star magic ball ng gabi ng Makita ko ulit siya matapos ang apat na taon.. Natulala ako. Dahil pinakilala siya sakin ni Darren bilang girlfriend niya.


Masakit.. Sobrang sakit. Gumuho ang mundo ko nun, nung gabing yon matapos ang ball ay hindi ako makatulog. Lahat ng memorya naming dalawa , nag-flash sa utak ko.


Sinubukan kong buksan ulit ang puso ko pero hindi.. naging rebound ko lang ang mga babaeng nakarelasyon ko matapos nung sa amin ni Thea.


Sa tuwing nakikita ko sila sa school na magkahawak kamay. Parang hinahati ang puso ko.. Pag nakikita ko silang magkayakap.. Gumuguho ang mundo ko. Pag nakikita kong hinahalikan ng bestfriend ko ang mahal ko. Parang gusto kong sugurin si Darren , pero wala akong karapatan. Boyfriend niya si Darren e, at ako? Wala na. Wala na akong kinalaman sa kanya at ang sakit sakit. Alam ko lahat yon dahil lagi akong nakatingin sa kanila—sa kanya.


Ang sakit kasi siya nakalimutan na niya ako habang ako , eto.. Mahal na mahal parin siya. Pero kasalanan ko din naman. Iniwan ko e.


Swertihan nalang yung mga pagkakataong makakasama ko siya , katulad nung sa project namin , yung nasiraan kami ng kotse at nagcheck in sa isang couples' hotel.. at ngayon.


Mas nasasaktan pa ako kasi nakikita ko parang okay na okay na siya. Hindi siya naiilang sa akin , parang hindi na big deal sa kanya yung past namin. Sabi ko sa sarili ko hindi ako iiyak, kung okay na siya.. Dapat ipakita kong okay rin ako. Titiisin ko lahat ng masasakit na makikita ko.


Pero heto ako sa harapan niya , umiiyak. Sobrang sakit na kase na hindi ko na kaya itago. Kasi kapag hindi ko pa to ilalabas baka sumabog na ako.


Namimiss kong tawagin niya akong Hubbie kasi hanggang ngayon siya parin ang Wifey ko. Nakakatawa mang tawagan para sa edad namin pero sobrang daming alaala ng endearment namin na yon. Siya lang ang mundo ko pero ang mundo niya ngayon iba na. Iba na at hindi na ako.. May Boo na siya..


Kanina dapat maghohorse back riding kami ni Keilah, we decided to be friends. Hanggang dun lang kami. Pero hindi na kami nagtuloy dahil nakita namin sila. Naalala ko nag ganyan din kami dati e. Nagseselos ako. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, ang saya niya talaga. Napayuko nalang ako hindi ko na kayang tumingin.. Kaya inaya na ako ni Keilah na umalis doon.


Ngayong gabi aamin na ako, sasabihin ko na lahat, lahat lahat ng nararamdaman ko. At pagkatapos nito.. tama na.


Tatanggapin ko na , na hindi kami itinadhana para sa isa't isa. Oo nag kita kami ulit , pero may iba na siya. Siguro naawa lang sakin ang tadhana at ipinakita sa akin ang taong mahal na mahal ko na may iba ng mahal.. siguro sinasabi niya na gumising na ako , na tumigil na ako, na hindi na niya ako mahal at masaya na siya sa iba. Sinampal ng tadhana sa akin yon.

Regrets (My Bully Love Part 2) A Juan Karlos Labajo FF ~By: crazyyY_mea~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon