Chapter 1 : Invitation

16 1 0
                                    

***

"Ano ba 'yan Leeia ang tagal tagal mo! Mala-late nanaman tayo dalian mo nga!" 'eto nanaman tayo sa walang kasing ingay na boses ni Caily.

"'Wag ka ngang maingay! Hindi 'ko tuloy matapos tapos 'tong dinawdrawing 'ko e!" palakasan ba ng boses 'kamo? Siyempre 'di ako papatalo diyan.

Napahawak naman si Caily sa tenga niya na animong ako pa ang mas malakas ang boses. Konti nalang talaga masasapak ko na 'to.

"Wow ha, ang kapal naman ng mukha neto." bulong 'ko sa sarili 'ko habang inaayos ang drawing 'ko. Naririndi na'ko sa babaeng 'to konti nalang talaga.

"Hoy, 'kala mo 'di 'ko narinig 'yon?" sabi niya sa'kin kahit alam 'kong hindi niya naman talaga narinig.

Humarap siya sakaniyang gilid at bumulong na animong may taong binubulungan kahit wala namang katao-tao sa paligid namin.

"Kslwnshwjshhsk." kunyaring bulong niya daw sa taong binubulungan niya.

Pasimple akong natawa nang hindi tumitingin sakanya. I miss this.

"Baliw." bulong 'ko ulit. Hindi 'ko alam kung saan nanggaling ang personality niya.

"Hoy, ano nanaman bang binubulong bulong mo diyan sapakin kita eh." hamon niya naman sakin. Akala niya naman hindi 'ko siya papatulan.

"'Kala mo naman kaya niya 'ko." pabiro 'kong bulong. Natawa naman ako nang kumunot nanaman ang malaki niyang noo.

"Ano--"

"Tara na nga!" pagputol 'ko sakanya. Sisigaw nanaman 'to sa tenga 'ko eh.

Tumayo na ako at niligpit na ang mga gamit namin at dumiretso na sa classroom.

***

"Hay nako! Nakakainis ka talaga! Napagalitan nanaman tayo dahil diyan sa kabagalan mo!" and there she goes again, yelling and bla bla bla. I just rolled my eyes.

Nandito na kami sa canteen matapos ang third period class namin.

"Tumahimik ka nga! 'Kala mo naman first time mo." sigaw 'ko sakanya pabalik. Palagi kasi kaming nalalate kapag may tinatapos akong drawing.

"Ambagal mo naman talaga eh--!" naputol ang sasabihin niya nang biglang may nagtawag ng attention namin.

"Heyy!! Hello, hellooo, right heereee!!" tawag ni Charlotte sa'min at iba pang mga taong nasa canteen. Nakita naming nakapatong siya sa isang table upang makita siya ng mga tao. Nagsitingingan naman ang lahat ng tao sakanya.

Here we go again, the famous cheerleader. Though, we all know that she's a bitch.

Napairap nalamang ako at binalik ang atensiyon sa pagkain.

"Hayyss, 'eto nanaman siya." bulong ni Caily at binalik na din ang tingin sa pagkain.

"Okaayy. I just wanna say that there's a big party coming up at my house tonight, wohoooo!!" sigaw niya pa at nagsigawan din lahat ng tao na nandoon sa canteen.

"At sino namang pupunta sa party niyang walang kwenta--"

"Tara punta tayo, tara!!"

"Tara!!!!!!"

"Omg!! Hindi na'ko makapaghintay!"

"Ayshet, paano ako magpapaalam kila mommy neto halaa!"

"Tara na kaya? Omg, im so excited!!"

Nahinto ako sa pagsasalita nang inunahan na ako ng mga sagot nila.

Natawa naman si Caily. "Well, there you go." nangangasar ang tono niya.

ImagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon