III

23 1 0
                                    

CHAPTER: 3

THIRD PERSON P.O.V

"Sir, cancelled po ang meeting bukas---"

"Get out!"

"Pero po-"

"I said get out!"

HALOS dumagundong ang boses nito sa kaniyang opisina. Wala siyang care kung nakansila ang meeting para bukas. Nagmamadaling umalis ang nangininginig sa takot na sekretarya. Nang maiwan mag-isa, hinilamos ng lalaki ang mukha sa inis at tinapon ang mga papeles na nasa ibabaw ng kaniyang mesa.

'Again . . . The F***! I can't focus! Get a brief! Este grip Dalter!'

Bulong ng lalaki sa sarili. (Pasensiya na kung banggang ang lalaki, nanood kasi ng online sabong kagabi.) Padabog siyang tumayo at linapitan ang glass window ng kaniyang opisina. Hawak ang bewang ay napabuga siya ng laway- ahem. Napabuga siya ng hangin at hinilot ang sintido.

After 7 years, Dalter Gray Floorwax- este Floorman became a multi-billionaire in whole Asia and famous in Hollywood for being a young bachelor businessman. At the age of 21 he's successful in life. A young wealthy man- full of pride, not just rich but too handsome that you can't avoid his charisma. Lahat ng gusto mo nasa sa kaniya na. Saan ka pa?

And now that his---- (hirap mag-english.) Ngayong 31 years old na siya. Nag-iisa pa rin siya sa kaniyang buhay. He thought he will be happy with his long-time fiance Diane. Planado na ang lahat for them. Kasal and for their future. Nagulo lang simula noong nangyari ang aksidenteng iyon---- with that 'lady'.

Lagi niyang iniisip na kasalanan lamang iyon, na isang gabi ng pagkakamali. Desperada lang ang babae. Sino ba naman kasing hindi ma-o-obssessed sa isang Dalter Gray Floorman? Nasa kaniya na ang perfect MMMM type of a Man.

Mayaman. Matalino. Mayaman at . . . Matalino, ulit.

'Pero naakit-' napailing ang lalaki sa naisip. Imposibleng maakit siya sa payatot na 'yon. Wala namang kagusto gusto sa babaeng iyon dahil parang takas sa mental at kawala ng empyern-- ang babae. Hindi katulad ng kaniyang fiance na sexy at mahinhin. Edukado at hindi barumbado.

Napabuntong hininga siya. Para sa kaniya, Diane will be a perfect wife for him. Sayang lang. Dahil dakila siyang sinungaling at paasa, kaya nagsawa na sa kaniya. Tatlong taon na silang hiwalay. At siya ang may kasalanan. Pinaasa niya lang si Diane. Na-aning kasi siya- kupal ever. Hindi niya alam kung bakit naging back to zero ang lahat dahil lang sa gabing pagkakamaling iyon. Hindi siya sure kung tama ba ang mga naging desisiyon niya for his life. Hindi niya naituloy ang mga plano niya for her fiance--- i mean ex-fiance.

Nagkagulo-gulo na talaga.

Lahat iniisip niya kung anong kulang. Ako ba ang kailangan niya?

Este . . . Kulang pa ba siya ng pera? Kulang pa ba ang billions at blue bills sa kaniyang pitaka? Maliit pa ba ang mansion niya? Hindi pa ba sapat ang 30th floor ng kaniyang kumpaniya? Need niya ba ng powers kasi ramdam niya ang emptiness ng kaniyang kaluluwa?

Naiiling siyang napa-upo sa sahig at isinandal ang kanang pisngi sa glass na haligi ng opisina. Napabuntong hininga siya at nagpaka-sad boi.

(Deserve niyang maguluhan kasi paasa siya! Red flag! Red flag❌❌❌❌)

May kulang pa rin sa kaniya . . . Hindi niya malalaman kung 'ano' iyon kung hindi niya kukumpletuhin ang Simbang Gabi.




CONSONANT
P.O.V


INAYOS ko ang pagkaka-tali ng aking buhok, naglagay na din ako ng pulbo sa mukha para 'di mukhang oily mamaya. Naka-pink t-shirt at pedal shorts na hanggang tuhod lang ang suot ko, ng makita kong okay na ako at pretty, saka na'ko lumabas sa'king kuwarto. Plano ko kasing bumili ng mga sangkap para bukas sa magiging handa namin sa desperas ng pasko.

Hindi ko na propoblemahin ang ilang hahandain dahil mamimigay ang baranggay ng notche buena package na nakalagay lang naman sa eco-bag at mga hindi pa kilalang brand ang mga ibibigay sa'min. Mga walanghiya.

Dadasalan ko na lang ang mga iyon para hindi kami ma-food poisoned mga anak ko.

"Mga kupal kong anak aalis ang Ina niyo." Paalam ko habang nagtsi-tsinelas. Nagsilingon sila sa'kin. Mukhang songerist ang mga anak ko today dahil may kaniya kaniya silang hawak na ukulele.

Nakasuot lang sila ng pambahay habang naka-shades. Hindi ko pa sila natatanong sa nangyaring pamamasko kagabi. Nag-two joints sila sign ng 'okay'.

"Huwag ka mag-ingat Ma."

"Don't be careful in your heart Ma."

"Pasalubungan mo kami ng kabutihan."

"Dagdagan niyo na din po ng katapangan at kasaganahan."

"Humayo ka't huwag ng babalik," sunod sunod nilang saad sa'kin. Halos kumibot-kibot ang labi ko at ang ugat sa'king ulo. Mga hindi talaga 'to maayos kausap.

Nginitian ko sila. Gayon din sila sa'kin. Nagtitigan pa kaming anim bago ako bumutong hininga na ginaya din nila agad.

"Aalis ako . . . bibili ako ng magiging handa natin bukas dahil pasko---" agad nagsihiyawan ang mga tiyanak. Napasayaw pa sila ng budots. Sunod sunod agad ang lima na nagtanong sa'kin kung ano ang magiging handa namin bukas ng gabi. Nginisihan ko ang mga tyanak na mga mukha ding kuto sa kakyutuan.

"Ma-iba naman dapat ngayon, no! Ipagluluto ko kayo ng isang napakasarap at limang kilong sama ng loob, isang bilao ng stress at pagod ko. Minatamis na dugo't pawis at malamig-lamig na kuto-ko salad?!" Narinig ko ang sunod sunod nilang reklamo, habang walang lingon lingon ko silang nilayasan.

Lagi nila akong inaasar. Makaganti naman!

Hiding Vowels (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon