LXI

12 1 0
                                        

CHAPTER: 61


TAHIMIK kaming nakauwi sa bahay ni Dalter. Gabi na ng makauwi kami kaya tulog na tulog na ang mga quintuplets. Napagod ata sa paglalaro. Sa tulong na mga alalay ni Dalter na hindi ko alam kung saan galing, dahil bigla na lang nagpakita out of nowhere---ay sila na ang nagbuhat sa mga ito, habang ang aso na si Awe ang bitbit ko. Nakasunod lang ako sa kanila at diretso sa kuwarto namin. Nagpasalamat ako ng maingat nila inilagay sa higaan ang mga bubwit. Ang tuta naman ay ihiniga ko muna sa malapit na sofa. Narinig ko ang pagsara ng pintuan na alam kong si Dalter ang may gawa.

Nadatnan niya ako na inaayos ang mga bata. Hinayaan ko siyang tulungan ako na alisin ang mga suot na sapatos ng mga quintuplets. Sandali ko muna siya iniwan para kunin ang mga tig iisang pantulog ng mga ito, para agad na mapalitan ang napagtuyuan na pawis na damit na kanina nilang suot. At ang pinaka rason ay siyang makapag usap na kaming dalawa ni Dalter.

Mapag usapan ang divorce-juki lang!

Usap lang talaga. Walang halong keme!

Hindi ko habang buhay maiiwasan itong si Dalter dahil kahit pabaliktarin 'man ang earth---siyempre earth pa rin!

"Hoy mag usap na tayo!" Bulong ko rito. Baka magising pa ang mga chakadal.

Mahirap na.

Sumulyap lang siya sa super kagandahan ko at lumingon ulit sa mga mukhang kulangot na mga bata.

"We can talk some other time, you should rest first."

Umiling agad ako, baka gusto niyang ma rest in peace? Ayoko pa naman maging criminal sa story ko. Aba! Mahirap na nga ako, gagawin pa ako mamamatay tao?!

Badtrip ko hinarap ito. "Baka wala ng next time Dalter kaya mag usap na tayo. Now na!" Dumalin ang tingin nito sa'kin at naunang lumabas ng balkonahe. Magdadabog pa sana kaso sinamaan ko ng tingin at tinuro ang mga paslit.

"Anong pag uusapin natin?" Sabay hinga nito ng malalim.

Tumaas ang kilay ko sa pa inosente nitong tanong.

"Huwag kang eng-eng Daltrer, obvious naman kung ano pag uusapan natin."

Narinig ko siyang mag chucky (chuckled 'yon, 'sensya niya') habang nangalumbaba ako at sinulyapan ang madilim na kalangitan sa balkonahe, agad kami yinakap ng malamig na simoy ng hangin at binalot kami ng katahimikan. Hindi ko na napigilan isiwalat ang kanina ko pa iniisip.

Ba't naghiwalay kayo ni Diane?

Bakit mukhang linalandi mo ako?

Iyung una talaga ang gusto ko itanong sa kaniya, pero labas na ako sa kanilang dalawa. Problema nila iyon. Kaya nga hindi ko problema, diba?

We? Ayaw mo ma-knows ang ganap ng dalawa? 'Di mo know? Mukhang naumpog na si Dalter at ikaw na ang type.

Fo*a naman, mukha bang nasiraan ng utak si Dalter para mahulog sa'kin? Pero why not coconut naman, diba!? Bukod sa maganda, e' maganda lang! Hindi na talaga siya lugi. Mas lugi ako, noh!

"Ang lamig, mukhang may bagyo atang paparating," bulong ng katabi ko. Hindi ko pinansin ang narinig kong bulong bulong nito at nagsalita na. Kating kati na ako malaman ang mga pagtatangka niya sa'kin-na harot. Ano ang main reason na ito? Ginagawa niya ba akong rebound?

Ang ganda ko naman!

"Iyung sinabi ko sa'yo kanina, desidido ako na uuwi kami ng mga bata sa Barangay Bato-bato."

Hiding Vowels (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon