VII

21 1 1
                                    

CONSONANT P.O.V


MASAYA ang mga bata ng maka-uwi kami sa bahay. Habang ako nanghihinayang pa rin sa holy water ng hindi pinagbigyan ni Father na makahingi. Naku, sayang talaga!

Pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay ay siya namang pag-hubad ng lima ng kanilang sapatos at itinabi 'yon. Habang ako, ay abala naman. Sinara ko ang mga ilaw sa loob ng bahay at pina-ilaw ang mga christmas lights. Nagsililikot na agad ang mga tyanak pero nahinto dahil sa pagkukuti-kuti-tap ng christmas lights. Kita ko ang pagkamangha sa mukha nila. Hinayaan ko muna sila at nag-focus sa dapat gaw'in. Kinuha ko ang mga kandila na nasa basong pula at sinilaban para maging romantic ang sala. Lalo pa silang na mangha ng pina-ilaw ko ang D.I.Y (Do. It.Yourself) na christmas tree, sanga-sanga na galing sa kung anong puno pa nila kinuha at inipitan ng mga picture naming anim. Instead na medyas ang nakasabit sa dingding, mga salawal nila.

Green ang kay Arkus, Red kay Erkus, Yellow kay Ikarus, Orange naman kay Odanus at Blue kay Uranus. Naka-pula kami ngayong lahat dahil bida si Erkus. Iyung kulay niya ang nabunot ko sa susuotin namin ngayong taon. Siya ang batas. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi, kasi sa tuktok nung christmas tree ay mukha ko. Pina-edit yata nila iyon, kasi gorilla na nagsisigarilyo ang mukha ko e. Sasama ng ugali ano?

Anak ko 'yan!

Ininit ko muna ang spaghetti sauce at masayang ibinuhos sa kanila---- este sa malaking lalagyan.

"Mama mag-i-i-spirit of the glass ba tayo kaya may pa kandila ka?" Kamot-kamot ulong tanong ng isa sa mga anak ako. Inis ko 'tong liningon.

"Pasko ngayon Ikarus. Baka gusto mo maging parol at isabit sa labas ng bahay natin?"

Nagtawanan sila. Pasko na nga't, kupal pa rin. Natawa na din ako. Tumigil naman agad ang lima sa kakatawa.

"Ayy si Mama... nakikitawa, 'di naman kasali," nagtawanan ulit ang mga kupal. Dito talaga sila masaya. Ang asarin ako. Inis kong pinitik ang tenga ni Arkus. Dumila lang siya at pinagpatuloy ang pang-aasar.

"Nakakaiyak talaga mga kabutihan niyo, ano?" Sabi ko ng tumabi na ako sa kanila.

"Malamang po Mama, nagmana kami sa'yo e!" Nagtawanan kami. Kahit mga baliw ang mga 'to.... hindi ko alam kung paano ang buhay ko kung wala sila. Isa-isa ko silang tinitigan.

"Merry Christmas mga anak, with emojis ng heart ❤ at christmas tree 🎄. Para dama niyo ang pagmamahal ko sainyong mga kupal kayo ngayong pasko." Ngumiti sila sa'kin. Iyung ngiti na hindi nang-aasar. Alam kong mahal nila ako. Sa ibang paraan nga lang nila ipinaparamdam.

Tinaasan ko sila ng kilay ng umalis ang mga ito sa pagkaka-upo sa sala. Bigla na lang sila nag-form ng heart shape. Nakaluhod ang nasa gitnang sina Arkus at Ikarus. Si Ezruz at Uranus naman ang nakapuwesto sa kanan at kaliwa habang nasa tuktok si Odanuz.

Iyung mga kamay nila ay pinagdudugtong dugtong para gawing puso.

Napalunok ako. "Merry Christmas Mama naming bruha!" In-chorus nilang pagbati sa'kin.

"W-wait lang ha . . . may kukunin lang si Mama," mabilis akong tumayo at pumasok sa kuwarto, pinahid ko pa ang luha ko at natawa. Masaya ako. Nakaka-touch.

Kinuha ko ang pinakatagu-taguan at inalagaan kong cellphone para ma-picture-an sila. Sabay-sabay ulit silang bumati sa'kin. Palihim kong pinunasan ang nagbabadya kong luha at dinaan ko sa halakhak ang iyak. Mabuti na lang talaga at madilim . . . Aasarin na naman ako nito kung sakali makita nila ako umiiyak.

"Merry Christmas din Mama! With emojing sungay 👿, limang itim na hearts kasi ganoon ang puso mo🖤🖤🖤🖤🖤, fire works din 🎇🧨 kasi lagi kang may putok! Mahar na mahar ka namin." Nagsi-alisan na sila at sabay-sabay na--- kumunot ang noo ko sa ginawa nila.

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon