SAD #0

14.8K 181 24
                                    

SAD #0

Zaña's POV

Family gatherings aren't my thing. It bores me too much and stresses the hell out of me–especially when you have toxic family members who think they're the best in the world.

But I had to deal with it once in a while just to show them that nothing is wrong–that I am perfectly fine even though I was rotten inside.

It's easy to fake my smile. Sa klase ng trabaho na mayroon ako, sanay na sanay na ako na ibuka ang bibig ko at ngumiti. Tipong hindi nila aakalain na peke lang—plastik lang.

Gumagana naman sa pamilya ko dahil akala siguro nila ay pareho ang ngiti ko sa likod at harap ng camera.

Isang tao lang naman talaga ang nakakaalam ng tunay na ngiti ko dahil siya rin naman ang dahilan. But life is bullshit–siya rin kasi ang tao na hindi pwedeng maging akin dahil pag-aari na siya ng kapatid ko–si Zoe.

"Ate! Do you want some salad?" Kumaway si Zoe sa akin mula sa lamesa kung nasaan siya at ang pamilya ko na nag-uusap tungkol sa mga negosyo.

Nakasandal ako sa may pader, tapat lang ng pool, habang umiinom ng champagne. Medyo maingay ang paligid dahil nandito ang buong angkan ng pamilya namin para i-celebrate ang 75th wedding anniversary ng Lolo at Lola ko. Habang nakatingin nga ako sa kanila ay hindi ko maiwasang mainggit dahil sa pagmamahal na mayroon sila.

Bumalik ang atensyon ko kay Zoe nang tawagin niya ulit ako. Nakakairita ang mga ngiti niya. Minsan gusto ko na lang siyang sabunutan o sakalin para mailabas ko lahat ng galit ko sa kanya.

Inagaw lang naman niya ang lalaking mahal ko. The nerve of her to still think we are okay. Akala ba niya ay hindi ko alam ang ginawa niya?

"Aero will get some salad. Gusto mo ba para he'll get some for you rin?" Inosenteng tanong niya.

I turned my gaze at Aero who was looking at me. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya na isuot ang polo na binili ko para sa kanya para magpapansin o wala na talaga siyang maisuot pa.

Dumako ang tingin niya sa parte ng dibdib ko kung saan ay kita na ang cleavage ko dahil na rin sa masyadong revealing ang dress na suot ko.

He titled his head a little, a gesture he would do every time he's not approving something that I do.

Hindi niya gusto ang pagsusuot ko ng revealing clothes kaya malamang ay naiinis na naman siya sa utak niya dahil lagi niya itong sinasabi sa akin noong mga panahon na nagtatago pa kami sa dilim.

Ako naman, iniinis lang lalo siya para pansinin niya ako, minsan ko na lang din siya makita dahil tinapos ko na ang lahat sa amin.

"No. I'm fine," sabi ko na lang kay Zoe para hindi na siya magtanong pa.

"Oh, okay. Maybe ibang food nalang. Just get her anything, love. Hindi pa kumakain si Ate, e," utos ni Zoe kay Aero kahit na wala naman akong sinabi.

Hindi ko nga alam na gutom pala ako, si Zoe na nagdesisyon na gusto kong kumain. Paano pala kung asawa niya ang gusto kong kainin?

Hindi ko na lang siya pinansin pa dahil ayoko na gumawa ng gulo kung basta na lang ako magagalit dito. Hindi nila maIintindihan kung saan ko kukunin ang galit kung sakali.

My family sees me as someone reserve, hindi makabasag-pinggan, puno ng pasensya, kumbaga ako ang anghel ng pamilya, literal na modelo at modelo ng magandang ehemplo ng isang kilalang pamilya.

Tipong hindi ako makakapatay ng lamok o hindi kaya ay magtataas ng boses kahit na kanino man dahil sa natural na lambing ng boses ko.

At gusto ko na manatili ang ganoong pag-iisip nila sa akin kaya hangga't maaari ay dapat na talaga akong lumayo kay Aero bago pa nila maungkat ang nakaraan.

Silhouette at Dusk (Bar Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon