SAD #29

5.6K 80 9
                                    

SAD #29

Zaña's POV

Crumbled.

It would describe me, my life, my family, my career, my reputation—everything that's happening around me.

Hindi naman na ako nagulat. At some point, I knew it would happen. I just didn't expect it to be this grand—in the worst way possible.

Nasa huli ang pagsisisi. Ano pa nga ba ang magagawa ko? It is not like I can change the past. Kapag ba umiyak ako ay babalik sa dati ang lahat?

No. It would make things worst...and it would just make me look weak. I want to look strong—iyon na lang kasi ang meron ako ngayon. Nawala na ang lahat.

I won't even expect Heron to side with me right now. Pareho lang kami ng sitwasyon at kung magtutulungan kami ngayon ay sigurado ako na mas lalala ang sitwasyon.

"We might need to close the fashion school," nag-aalala na sabi ni Hadiya. "Most of our students dropped tapos ang iba naman ay hindi na pumasok kahit na nagbayad sila ng full tuition. Nawalan din tayo ng mga sponsors para sa mga models natin..."

Hindi nakakapagtaka. Isang linggo na simula ng kumalat ang scandal namin ni Heron. Bukod doon, kumalat din ang mga litrato naming dalawa kaya alam na ng buong mundo na kabit niya ako.

Ilang beses ko na yang sinabi sa sarili ko. Iba pa rin pala ang sakit kapag ibang tao na mismo ang nagpamukha sayo.

"Leave it to Avey, Hadiya. She'll handle everything," sagot ko habang pinupuno ng damit ang maleta ko. "Avey asked helped from Atty. Nic Valle. Ang alam ko ay papunta na ito sa office galing Dumaguete kaya paki-assist na lang. I need to go back to—" 

Naputol ang usapan namin nang padabog na bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Niluwa nito si Zoe, nakataas ang kilay habang naka ekis ang kamay. I could see her true face now. 

"You are leaving? Who told you that you can leave?" Tinabig niya ang maleta sa kama kaya bumuhos ang laman nito sa lapag.

"The last time I checked, I don't need your permission, Zoe..." seryoso at may diin na sabi ko sa kanya.

Akala ba niya ay madadaan niya ako sa ganyan? Kahit magpanggap siya ay alam ko na siya ang may gawa ng lahat ng ito.

"You need my permission, Zaña." It was my mother.

"Mom, why is it my fault?" Ngumisi ako. "Are you really blaming me for this mess?"

I understand the hatred, but I am also their child.

"And, who, Zaña? Who am I going to blame? You are the one with the sex scandal. You are the one involved in an affair with your sister's husband. Who do you think am I going to blame?" sigaw niya.

Nakatayo si Zoe sa tabi niya. Natatawa na nang-aasar dahil alam niya sa sarili na panalo siya.

"Mom..." Sinikap ko na huwag maiyak. Wala namang magagawa.

Isang buong araw akong umiyak. Tama na siguro 'yon. Hindi naman na nito maibabalik pa ang lahat ng nangyari.

"You are the main reason why our family is facing this crisis. Ikaw rin ang dahilan kung bakit nalagay sa ganitong sitwasyon ang pamilya ni Aero. Investors are leaving your company and our company..."

I cut her off. "Mom, am I really the reason? You are really unfair when it was Zoe behind this!" Dinuro ko si Zoe, ni hindi man lang siya natinag.

"Why? I am just exposing the truth! You had an affair with my husband!" sigaw niya pabalik. "Kasalanan mo ang lahat. Ikaw ang sumira sa pamilya ko at sa pamilya natin." 

Silhouette at Dusk (Bar Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon