Definitely, Aero (5)

3.3K 53 28
                                    

Definitely, Aero (5)

Heron's POV

"...By his scandalous and highly immoral conduct, therefore, the respondent showed that he did not possess the requisite good moral character needed for the continued practice of law. He deserves the extreme penalty of disbarment."

I heard the Judge but didn't pay much attention to what he was saying since. Alam ko naman na kasi ang sasabihin niya kaya hindi na ako nagtaka pa.

"WHEREFORE, the Court FINDS and DECLARES respondent ATTY. AEIOU HERON TAN LOPEZ. guilty of gross immorality in violation of Rule 1.01 and Rule 7.03 of the Code of Professional Responsibility; DISBARS him from the practice of law effective upon receipt of this decision; and ORDERS his name stricken off the Roll of Attorneys."

That's the judgment, but I cannot let that judgment ruin my whole life. Gaya nga ng sabi ko, I am still Heron Lopez without that title.

Oo, Pinaghirapan ko ng ilang taon. Sayang, pero mas sayang si Zahara. Mas sayang ang pinaghirapan ni Zahara, ang career at ang school niya. It was also because of me more than it was because of her. Ilang beses niyang sinabi sa akin na tumigil na, pero ako ang lapit nang lapit hanggang sa nandito na—wala na, nasira na lang sa isang iglap ang lahat.

"Aren't you going to file for a petition?" tanong ni Jhules paglabas namin ng korte. "Let's file for it. Topnotcher ka at—"

Umiling ako. "Not now, Jhules. Ayos lang naman. Deserve ko."

Bumuntong-hininga siya. "What are you going to do now? Susundan mo ba si Zaña sa ibang bansa?"

"Yeah?" Hindi siguradong sabi ko.

Syempre, sobrang gustong-gusto ko siyang sundan sa ibang bansa lalo na at may anak kaming dalawa. Pero dapat ba? Kaya ko bang magpaka-ama sa kanya ngayon kung ang dami ko pang problema na dapat na gawan ng solusyon?

"Ihahanda ko na ba ang plane?" tanong ni Sai.

"Narinig ko lang na nasa Greece raw sila."

"Greece?" Hindi ko napigilan ang pag-ngiti lalo na nang maalala ko ang mga ginawa namin ni Zahara sa Greece.

Parang kahapon lang ay malaya kaming lumilibot sa mundo, ngayon bawat camera ay nakasunod sa amin.

"I think not," labag sa loob na saad ko. "Kapag ba pinuntahan ko siya ay maayos namin ang problema?"

"What are you going to do? Iiwan mo siya at ang anak niyo?"

"Hindi ko siya iiwan. Hindi ko sila iiwan," sagot ko sa tanong ni Sharyn. "Ako nga iniwan nila."

"I must say I deserve," Sharyn smirked. "And, I should say this, too."

"Sesermunan mo na naman si Aero, kakaalis lang ng lisensya, e," hirit ni Hunter na nasa likuran lang ni Sharyn.

"Need niyang marinig." Sharyn crossed her arms. "I don't think you should go to Zaña and your son, Erox. Not now, Aero. Gusto mo ba na gumawa na naman ng gulo?"

"I know Sharyn. I still need to fix my marriage. Naka-process naman na ang annulment ko," paliwanag ko. "Salamat sa paalala."

"She's right. If you want to see your son, you have to be better, Aero. Perhaps, the best. Hindi mo naman siguro gustong makita ng anak mo ang mga kagaguhan mo?" ani Skater.

"What if it's too late?" Nag-aalala na sabi ko. "Paano kapag bumalik ako sa kanila tapos hindi na ako tanggapin ni Zahara?"

"Paano kung ayaw niya na kahit na okay na ang lahat?"

Tinapik ako ni River sa balikat. "It just means tama na, Aero."

"But—"

"Tama na," It was Five this time. "Lumaban ka na, di ba? Pero anong nangyari? Sa tingin mo ba ay dapat pa?"

Silhouette at Dusk (Bar Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon