SAD #2

7.3K 126 1
                                    

SAD #2

Zaña's POV

"I said I want him fired!"

I raised my voice in a manner that would make them feel that I was really mad–fucking mad. It was even an understatement.

I am going to explode any moment lalo na kapag hindi pa nila hinarap sa akin ang tatanga-tanga nilang empleyado na hindi man lang naglagay ng sign sa floor after mopping it. Hindi pa nga niya natapos ang trabaho niya.

Kasalanan ko ba na nadulas ako? Oo, tumatakbo ako...pero hindi ba obligasyon nila na siguraduhin na maayos ang bawat floor?

Paano na lang kung nabagok ang ulo ko? I don't want to die with that stupid reason. Ang pangit naman na balita 'yon. Baka isipin pa nila na namatay akong tanga.

"Where is he? I told you iharap niyo siya sa akin. Akala ko ba maganda ang service ng hotel niyo?" Pinapagalitan ko na ang manager ng hotel habang nandito kami sa loob ng infirmary pero mukhang hindi pa rin siya takot dahil sa maamong mukha ko.

Sometimes I wish I had a resting bitch face like my sister–that I only have to glare at them and they will cower in fear.

"We are still checking, Ma'am," sagot ng Manager sa akin.

Nakayuko at halata mo na aligaga na habang naghihintay ng tawag mula sa management. Dapat lang! Akala ba niya ay nag-iinarte ako? Nakikita na nga niya ang sitwasyon ko.

"Gaano ba katagal ang pag-check niyo?"

Huminga ako ng malalim. Hindi nga pala ako pwedeng magalit. I should be calm...but how could I be when I am lying on the hospital bed now?

I just fractured my elbow and my ankle.

How am I supposed to appear in the fashion show? Next week na 'yon. I am the star of the show.

Kaya hindi rin nila ako masisisi ngayon kung bakit galit na galit na ako. Kung kaya ko lang tumayo at sapakin ang tangang empleyado nila ay kanina ko pa ginawa.

"Ms. Zaña!" Hadiya called, agad siyang pumasok at tumakbo sa tabi ko nang makita ang cast ng kanang kamay ko tapos nakasabit naman ang kanang paa ko.

"Finally, Hadiya!" I inhaled, signaling her to talk to them. "Make them fire the stupid staff!"

Pumikit ako. This is making me insane. Masakit na naman ang ulo ko. Mukha lang akong kalmado pero umuusok na talaga ako pero kailangan na maganda pa rin ako kahit na sasabog na ako sa galit. It's hard to be famous!

"What did you do to her? I already told you that she is VVIP. The Chairman even told you that yet you allowed this to happen!" I heard Hadiya.

She's my voice...siya ang nagagalit kasi kailangan na mabait ako. Kailangan na lagi akong nakangiti.

"She has a fashion show next week. What are we supposed to do? Are you going to walk on her behalf?" Nagagalit na siya habang sorry naman ng sorry ang Manager at kasama nitong staff.

"Hadiya, fix it. I want to rest," utos ko.

"Yes, Ms. Zaña. I'll make sure that they're going to fire the staff. I already informed your parents and they are already on their way."

I just nodded. Lumabas na ng kwarto si Hadiya kasama ang mga staff ng hotel habang nanatili ako na nakapikit, nag-iisip ng dahilan.

What am I supposed to tell the brand? We have been preparing for six months...then all of a sudden I won't be able to walk? Ayos lang sana kung ang braso ko lang...pero pati ang paa ko.

No! It cannot be. Sino naman ang papalit sa akin? It's one of the biggest brand in the world. Ito ang unang beses na dinala ng brand ang fashion show nila sa Pilipinas dahil na rin sa kagustuhan ko tapos ako rin ang dahilan kung bakit hindi matutuloy.

Silhouette at Dusk (Bar Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon