Chapter 6: His apology is so sincere-NOT! (Part 2)

42 3 0
                                        

Kasper's POV

Last subject ko na bago ako makipag kita kay Mr. Mens, pero bakit ganon parang excited pa ako sa rendezvous namin? Baka dahil gusto ko lang makilala lalo yung tao, kasi batay naman sa kwento ni Garret may kabaitan din namang taglay yung tao. So parang ine expect ko sa pagki-kita namin ay maka-usap ko siya ng maayos.





"Uy Kas! Kanina ka pa walang kibo ahh, may problema kaba?" Tanong ni Reed, Si Reed kasi yung seatmate ko sa particular na subject na to.





"Don't Mind me Reed, may iniisip lang ako." Maikli ko nalang na sagot sa kanya, sabay ngite.





"Look Kas, alam ko di pa tayo gaanong magka-kilala, pero I'm here to listen just in case na may gusto ka i-share. Alam mo bang maaga ka tatanda pag naii-stress ka masyado." Mahaba niyang paliwanag, habang naka-tingin sa mga mata ko.









"Well I'm happy to hear that Reed, pero Ok nga lang talaga ako. No need to worry!" Sabi ko sabay kindat sakanya. Nag chuckle lang siya habang shumi-shake ang head niya. Tinignan ko muna yung watch ko para malaman kung ilang oras pa bago matapos tong subject na to, Only 10 mins. to go. Kaya nag-doodle na lang ako sa notebook ko, wala naman kasi pang importanteng ginagawa eh. Di ko namalayan at nag ring na ang bell, signal na tapos na ang araw ng pasok sa school. I packed my things and put them in order bago tumayo at nag stretch ng mga limbs ko. "Hey Reed! Favor naman oh, Paki sabi kay Kris hyung na huwag na ako hintayin at mauna na siyang umalis. Sabihin mo na lang susunod na lang ako dun sa mall."





"Sige Kas, Bye na! Ingat ka!" Bati ni Reed ng may ngite bago siya lumabas sa classroom.



Kaya nung naka alis na yung karamihan sa mga classmates ko ay umalis na rin ako sa room at pumunta sa meeting place namin ni Mr. Mens. Nung makarating ako ay wala pa siya dun, kaya umupo muna ako sa isa sa mga bench at nag laro sa phone ko (Meeting Place namin ay yung Gym ng School.) sinaksak ko yung headphones ko para di masyado maingay, pero di nag tagal ay inantok na ako kaya pumikit muna ako pero unti unti naka-tulog na ako. Nagising nalang ako na may hoodie na naka patong sakin at katabi ko na si Nick. Nagtiti-tigan lang kaming dalwa at walang masabi na mga salita, pero di nag tagal ay binasag din niya ang katahimikan.





"Hey Kid! Buti naman at nagising kana kanina kapa natutulog. Pinapunta kita dito para kausapin ka, hindi para tulugan moko!" Iritable niyang sabi, habang naka simangot yung mukha niya.







"Wow ha! Una sa lahat hindi 'Kid' ang pangalan ko, at pwede bang wag ka masyadong high blood diyan dude, sige ka sayang yang itsura mo. Maaga kasing nakaka tanda ang laging pagsimangot!" Panga-asar ko sa kanya, sabay labas ng dila ko.









"Whatever! Kaya lang kita pinapunta dito para sabihing sorry, at sabihin mo yan sa mga kapatid mo na nag apologise na ako sayo ok?" Iretable parin nyang sabi. Yung kilay niya naka salubong at yung labi niya naka tikom.







"Your Apology is denied. Grabe sincere naman ng apology mo, mas may feelings pa ata robot sayo ehh. Gusto ko bukas sa loob mo ang pag hingi ng tawad sakin!" pangungulit ko sa kanya.







"Hay! Ganito nalang let me take you out to eat, ayun nalang ang magiging peace offering ko sayo, Ok?" tanong niya.





"Ok, akin na na cp # mo at ite-txt ko nalang sayo ang time kung kelan mo ako susunduin at ang address ng bahay namin."




"Okay, here's my phone. At saka nga pala, paano kayo nagkakilala ni Garret ha?" Pag usisa niya habang inaabot niya sakin yung phone niya.




"To answer your question, dito sa school ko lang nakilala si Garret." Sagot ko naman sa kanya habang nag message ako sa number ko, di nag tagal naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko sa bulsa.


"So it means na kakakilala lang ninyong dalawa? Pero bakit parang ang lapit niyo naman sa isat-isa?" Tanong niya ulit.




"Well siguro kaya naging close agad kami kasi lagi niya akong nililibre sa lunch, kaya nagkaka usap kami lagi." Paliwanag ko sa kanya. "Bakit mo nga pala natanong?"




"Ayoko nang sagutin yang tanong mo, gusto ko nang umuwi kaya i text mo nalang ako gaya ng sinabi mo. At paalala ko lang na sabihin mo sa mga kuya mo na tantanan na ako kasi humingi na ako ng tawad sayo." Sabi niya sabay tayo at alis.

I Choose.... (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon