Chapter 5: His Apology is so sincere-NOT! (Part 1)

135 8 4
                                        

Ian's POV

Grabe nakaka-ines talaga tong araw na to! Una na sermonan na naman ako n Dad, dahil late na naman ako umuwi sa amin kagabe, at pangalawa yung lalake na naka bunggo sa akin kaninang umaga! Oo I know it's partly my fault, kasi di ako nag iingat pero nung nakita ko siya parang may iba akong naramdaman lalo na nung magka tinginan kaming dalawa. Biglang tumigil yung oras, at kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo, first time tumibok ng puso ko ng ganto ka bilis na parang tumakbo ako nang pagkatagal-tagal. Oo aaminin ko nagka relasyon na ako sa ibang tao, pero nung nakita ko siya iba yung pakiramdam ko. Pero di pwede tong nararamdaman ko, pareho kaming lalaki at hindi ako bakla!!

"Ian kanina kapa tahimik diyan ahh, may problema ba?" Tanong ni Luke.

"Huh, wala!" Mabilis kong sagot.

"Alam mo sa tagal nating mag-kaibigan alam ko na pag nag sisinungaling ka." Paliwanag ni Luke.

"Hayy, Might as well tell you..." Mahina kong sabi.

"No, let me guess it's the kid from this morning isn't it?" Hula ni Luke with a teasing smile.

"Hindi ah!" Pero tinaasan lang niya ako ng kilay "Fine, Oo siya nga yung iniisip ko." Pag amin ko.

"Sabi ko na ehh, Wow first time mo magka ganyan Ian ahh!" Masayang sabi ni Luke.

"At bakit parang tuwang tuwa kapa huh?" Taas kilay kong tanong.

"Ahh, nothing! Kumain na lang tayo!" Palusot ni Luke.

"Psh! Ako di pwede mag lihim tapos ikaw pwede? Ang Unfair mo!" Sabi ko habang naka labas ang dila ko sa kanya.

"You're such a spoiled brat, Nick Ian Song." Sabi ni Luke habang iniikutan ako ng mata.

Di ko na lang siya pinansin at tinuloy na lang yung pagkain ko ng may lumapit sa aking dalawang lalaki.

"Hoy, Ikaw ba si Nick Ian Song?" Tanong nung mas medyo mas malaki sa dalawa.

"Oo ako yun, may kailangan ba kayo?" Maangas kong sagot. Lakas lang nila mang gambala sa pagkain ko ha!

"Oo! Narinig kasi namin na may inaway kang lalake kaninang umaga, at yung lalaking yun ay kapatid namin! Kaya gusto naming humngi ka ng tawad sa kanya ngayon din!" Utos niya. Kaya pala, kapatid niya yung kid na yun, pero wala akong paki-alam!

"At sino ka para utos-utusan ako dito? Baka hindi niyo alam sino Dad ko?" Threat ko. Tigas lang talaga nila ha, first of all only my parents ang pwede mag utos sakin!

"Hahaha! Walang dahilan? Excuse me lang ha, hindi ako nanga-away ng walang dahilan, dapat nga yung kapatid nyo humngi sakin ng tawad ehh! Tatanga tanga kasi siya!" Sigaw ko naman. Sira ata tong lalaking to ehh, wala daw ginawa kapatid niya, what a joke.

"Anong sabi mo sa Kapatid ko?" Sabi ni mas maliit sa dalawa. Grabe nakaka-takot yung boses niya, mas nakakatakot pa kay Dad. At yung mata niya parang hindi na pang tao!

"N-na ta-tanga tanga si-siya.." Nanginginig kong sabi, talagang nakaka takot siya.

"Kung gusto mo pang makapag lakad ng maayos, I suggest that you apoligize to my younger brother this instant!" Sabi niya ng siryoso at nanakot. Grabe talagang lalaking to tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Si-sige.." sagot ko na lang, at sure ako namumutla na ako sa takot sa lalaking to. At umalis  na yung dalawang lalaki at bumalik na sa mga ginagawa nila yung mga tao.

"Grabe yung mag kapatid na yun, lalo na si Ken!" Comment ni Luke.

"Kilala mo ba sino yung dalawang yun?" Tanong ko. Di ko kasi kilala yung dalawang yun ehh?

"Oo yun ay ang Jun brother's, si Ken Jacob Jun yung maliit kanina, at si Kyle Justin Jun naman yung mas malaki, Campus Crush sila pareho at madaming mga babaeng magpa-pakamatay pansinin lang nila. At ang hula ko ay si Kasper James Jun yung naka-away mo kanina." Mahabang paliwanag ni Luke.

"Sigh! Now I have to apologise to that kid!" Asar kong sabi.

"Masyado ka kasing high blood ehh! So ano ng gagawin mo ngayon?" Tanong ni Luke.

"Edi magso sorry na sa kid na yun, wala naman akong ibang magagawa ehh, gusto ko pang mabuhay ng matagal!" Over Exaggerated kong sagot.

"Well good luck with that! I gotta go bye!" Paalam ni Luke sabay agad labas sa Cafeteria. Well here goes nothing time to make peace to Kasper James Jun. note the sarcasm.

Kasper's POV

Kasama ko ngayon si Garret papuntang cafeteria , kasi nga gusto niya akong i treat dahil sa nang yari kaninang umaga. Liliko na lang kami para maka punta sa Cafeteria ng biglang sumulpot ang isang lalaking ayaw kong makita pa kahit kailan. Nang makita niya ako ay lumapit agad siya sa akin, at humarang naman si Garret sa harap ko.

"What do you want Ian?" Taas kilay na tanong ni Garret. Ian pala pangalan ni Mr.PMS

"It's not you're business Garret, so stay out of the way." Iretableng sagot naman ni Ian, Tapos nilagpasan niya si Garret at huminto sa harap ko. Grabe kinakabahan ako sa gagawin nitong isang to, lalo na't walang expresyon na naka-lagay sa mukha niya. "Listen kid, I'll make it short. Meet me at the school gym after school, don't be late." Sabi niya sa isang siryosong tono.

"Okay, but why do I have to go?" Nagta-taka kong tanong. Ano ba kailangan nitong isang to, at kailangan makipag kita pa ako mamayang uwian? Baka naman niloloko lang nito ako ehh?

"Huwag kanang maraming tanong, at gawin mo na lang!" Sabi niya ng medyo naniningkit ang mata niya. Kaya nag-nod na lang ako bilang sagot, at tuluyan na siyang umalis.

"Tara na Kas, kain na tayo. Huwag mo na lang pagpa-pansinin yung lalaking yun!" Sabi ni Garret sabay akbay sa akin, kaya namula naman ako. At pumunta na kami sa Cafeteria.

"Sandali nga Garret, paano mo nalaman yung pangalan nung lalaking suplado na yun?" Tanong ko, ngayon ko lang kasi naisip yun ehh.

"Siya yung sinasabi ko sayong step-brother ko, nung 5 years old lang ako ay nag hiwalay yung parents ko at nakilala naman ni Mama ang papa ni Ian after a year. at after 5 months ay nag pakasal na sila." Kwento ni Garret.

"Ohh! Okay. Noon pa ba ganyan yung ugali niya?" Tanong ko ulit.

"Oo ehh, kaya lagi silang di magka-sundo ni Tito. Mula pa noon ay ginagawa naman at sinusunod ni Tito ang mga gusto niya pero talagang hindi mapalapit ang loob ni Ian sa kanya." Paliwanag niya.

"Sige kain na tayo." Yaya ko sa kanya habang naka-ngite.

A/N: Sorry for the long wait ito na po yung 5th. chapter ng story. Please enjoy! <3 :D

Sweet pic of Garret and Kasper on the side...

I Choose.... (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon