Kris' POV
Di ako maka paniwala na may ka-date na agad to kaibigan ko, first day palang ng school! Akalain niyo yun? At syempre eto naman ako lonely kakain mamayang lunch. Yah, alam kong kasalanan ko rin yun kasi nag sinungaling ako pero para naman sa ikabubuti yun ni Kas, di pa kasi siya nagkaka-gf/bf. Yeah alam kong bisexual yung kaibigan kong yun. Sinabi nya yun saken nung mga nasa 1st. year high school palang kami. Alam na alam ko pa paano siya nag tapat sakin tungkol sa kanyang sexual preference.
*Flashback 4 years ago*
"Kris hyung, may sasabihin pala ako sa iyo." sabi ni Kas na medyo kinakabahan.
"Oh, baket parang kinakabahan ka? Ano ba sasabihin mo saken, ano nagawa mo? Naka patay kaba, naka-buntis ano?" Alalang-alala kong tanong.
"Ano kaba Kris hyung! Wala akong ginawang mga ganoon! HAHAHA!" Sabi ni Kas habang tumatawa ng parang baliw.
"Ehh, ano ba yung sasabihin mo talaga?" Seryoso ko ng tanong.
"Ehh, ano kasi, ano..." Sabi ni Kas na hindi maka-buo ng maayos na salita.
"Kasper James Jun, Calm down dude!" Pagkalma ko sa kanya. Ano ba kasi yung sasabihin nya? Huminga siya ng malalim at dahan-dahang ibunuga ito. Nang nakita ko nang kalmado na siya ay tinanong ko ulit sya. "Sasabihin mo na ba?"
"Ok, Uh mm Kris hyung paano kung sasabihin ko sayong na i'm not only attracted to girls but also boys?" Nahihiyang tanong niya.
"Ayun na ba yun? Haay, naku Kas I'm okay with you liking boys because that's who you are just because you're attracted to boys doen't mean you have a disease, na kailangan kang iwasan para di sayo mahawa. You're still a person, and you're my Bestfriend!" Sabi ko habang naka-ngite.
"Salamat Kris hyung sa pagiging bestfriend ko!" Masaya niyang sabi.
"Pero hindi ka naman nagka-crush saken diba?" Tanong ko sa Kanya.
"Hehehe! Uh mm nakaka-hiya mang aminin pero oo ehh, pero nung una lang yun. Nung hindi pa tayo masyadong magka-kilala pero wala na sya ngayon." Paliwanag ni Kas.
"Hahaha! Ganun ba? Ayos kaya ko na palang gawing isang bakla ang lalake dahil sa ka-gwapuhan ko!" Sabay pogi pose.
"Wow! Kris hyung may bagyo ba dito nag lakas kasi ng HANGIN ehh!" Sabi ni Kas at binigyang diin pa talaga yung hangin part.
"Whatever, Kas!" Sabi ko tapos binelatan ko na lang siya.
*End Of Flashback*
"Kris hyung eto na pala yung room naten ohh!" Sabi ni Kas habang naka-turo sa pinto sa may gilid ko.
"Oo nga no! Tara na habang wala pa yung prof. naten!" Sabi ko sabay pasok ko sa room namen. Pagka-pasok ko ay agad akong sinalubong ng isang pamilyar na mukha. Kaya nilapitan ko yung kinau-upuan niya.
"Reed, Ikaw ba yan?!" Tanong ko sa kanya pagka-lapit ko.
"Kris?! Oo ako nga to!!!" Masaya niyang sagot.
"Kala ko ba sa States ka mag-aaral, paano ka na punta dito sa school ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh, ano kasi let's just say na nag-sawa na ako sa States at gusto kong maka-pag experience ng bagong lugar." Sagot naman niya habang nagka-kamot ng batok niya.
"Ahh, Ok!" Sabi ko nalang.
Kasper's POV
Pagka-pasok namin ng classroom ni Kris hyung ay may nilapitan siyang lalaki na naka-upo malapit sa may bintana? Siguro ka kilala niya, kaya nag hanap na lang ako ng mapwe-pwestuhan ko. Matagal din nag usap si Kris hyung at yung lalakeng kausap niya, hmmm there's something not right here. I think nakikipag-flirt yung lalakeng yun kay Kris hyung ehh, pero di lang yun napapa-pansin ni Kris hyung. Tapos bigla silang lumapit sa akin.