Chapter 7: Nick's side

26 1 0
                                    

Nick's Pov

Iniwan ko na mag isa yung kid na yun pagkatapos nung usapan namin kasi marami pa akong bagay na dapat asikasuhin. Pero laging pinapaalala sakin nang utak ko ang pangyayari kanina.

•Flashback•

Kaka tapos lang nang klase ko ng araw na ito kaya inayos ko muna yung mga gamit ko sa bag bago ako umalis sa classroom. "Luke ano sasabay kapa ba sakin mamaya  papunta sa mall?" Tanong ko sa kaibigan ko.

"Pass muna ako dude, ngayon kasi uwi ni mom galing indonesia, kaya kailanan sumama ako sa pagsundo sa kanya sa airport." Mahabang paliwanag ni Luke. "Tsaka diba magki kita pa kayo mamaya ni Kasper Jun?" Pahabol pa niya.

"Yeah, I just remembered." Sagot ko. "Buti nalang pinaalala mo sakin."

"Well good luck sayo dude! Aalis na ako para naman maka uwi akong maaga at di ako ma sermonan ni dad." Paalam niya.

"Sige dude, kamustahin mo nalang ako sa mom at dad mo." Tumango lang siya bilang sagot at dumiretso na siya palabas ng classroom. Tinignan ko yung watch ko kung ano oras na ba. Nakatutok ang maikling kamay sa 3 at ang mahabang kamay naman sa 6, kaya nag umpisa na ako maglakad papunta sa pagtatagpuan namin nung kid na yun. Medyo malayo yung gym sa building namin kaya matagal din bago ako nakadating. Pagka pasok ko sa gym hinanap ko agad si kid at nakita ko naman agad siya, nilapitan ko siya at tinawag ko "Hey kid!"

•No response•

"Huy bingi kaba talaga, o sadyang totoo ngang retarded ka?!" Inis ko nang sabi. Nakakapang init talaga nang dugo tong taong to eh!

•no response•

Kaya naglakad na ako sa harapan niya sa sobrang ines ko. "Hoy! An-" naputol yung sasabihin ko kasi pagkalapit ko sa kanya tulog pala. Hays! At naka earphones pa si loko, no wonder he cant hear me. Pero bakit ganon habang pinagmamasdan ko yung natutulog niyang mukha parang unti-unting nawawala yung pagka asar ko? Kaya tinabihan ko nalang siya sa bleachers at  hinayaan ko nalang siya matulog , nilabas ko yung phone at headset ko at nakinig muna sa music. Ilang saglit lang napansin ko na nanginginig yung katabi kong pandak, Aha! May bago na akong nickname sa kanya. Pero kidding aside nanginginig nga talaga siya so I took off my jacket and placed it onto him. Tumigil na yung panginginig niya kaya tinuloy ko na yung pakikinig ko sa tugtog.

•Fastforward•

Habang unti-unting nakakatulog ako naramdaman kong gumagalaw yung katabi ko kaya tinignan ko siya. Saktong nagkatagpo yung mga mata namin, at naramdaman ko nanaman ulit ang pagbilis nang tibok ng puso ko at parang tumigil nanaman ang oras. Wala ako mabangit na salita, it feels like i've been paralyzed. At ganun din siya, but I decided to break our silence.

"Hey Kid! Buti naman at nagising kana kanina kapa natutulog. Pinapunta kita dito para kausapin ka, hindi para tulugan moko!" Iritable ako kunwari, para naman pagtakpan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.







"Wow ha! Una sa lahat hindi 'Kid' ang pangalan ko, at pwede bang wag ka masyadong high blood diyan dude, sige ka sayang yang itsura mo. Maaga kasing nakaka tanda ang laging pagsimangot!" Panga-asar niya, at dinilaan pa ako nitong spoiled brat na'to!



Okay na yung sinabihan niya akong gwapo eh. Kaso kailangan dilaan pa ako!? Sheesh! "Whatever! Kaya lang kita pinapunta dito para sabihing sorry, at sabihin mo yan sa mga kapatid mo na nag apologise na ako sayo ok?"







"Your Apology is denied. Grabe sincere naman ng apology mo, mas may feelings pa ata robot sayo ehh. Gusto ko bukas sa loob mo ang pag hingi ng tawad sakin!" pangungulit niya. Hays he's acting like such a spoiled brat.







May naisip na akong idea para di na mangulit to. "Hay! Ganito nalang let me take you out to eat, ayun nalang ang magiging peace offering ko sayo, Ok?"





"Ok, akin na na cp # mo at ite-txt ko nalang sayo ang time kung kelan mo ako susunduin at ang address ng bahay namin." He answered.




There's something that really bothers me simula ng makita ko tong midget na to. "Okay, here's my phone. At saka nga pala, paano kayo nagkakilala ni Garret ha?" Tanong ko.




"To answer your question, dito sa school ko lang nakilala si Garret." Sagot  niya habang may pinipindot sa phone ko, siguro mine message niya yung number niya.


"So it means na kakakilala lang ninyong dalawa? Pero bakit parang ang lapit niyo naman sa isat-isa?" I asked again. Kasi nalaman ko na lagi pala sila magka sama nung weirdo na yun tuwing lunch break. (Don't ask how i knew it.)




"Well siguro kaya naging close agad kami kasi lagi niya akong nililibre sa lunch, kaya nagkaka usap kami lagi." Paliwanag naman niya. So totoo ngang lagi silang magkasabay nung step brother ko. "Bakit mo nga pala natanong?" Habol pa niya.




"Ayoko nang sagutin yang tanong mo, gusto ko nang umuwi kaya i text mo nalang ako gaya ng sinabi mo. At paalala ko lang na sabihin mo sa mga kuya mo na tantanan na ako kasi humingi na ako ng tawad sayo." Sabi ko sabay tayo at agad na iniwan siya. Naiinis nanaman ako nung nalaman kong lagi nga talaga silang magkasama ni Garret, pero bakit naman ako naiines? Hays! Ang sakit lang sa ulo kakaisip nang dahilan.

•Present Time•
I'm currently in my room naghahanap nang magandang restaurant or bar na pwede namin puntahan ni Pandak. Nagulat ako ng biglang tumunog yung phone ko, kaya kinuha ko agad at ini unlock.

From:09123456789
Hey si Kasper to. Yung may atraso ka, I'm just reminding you na you still have to treat me.

To:Midget >:)
Yeah I remember! Hindi mo na kailangan pang ipa alala ng paulit-ulit. So anong oras ako pupunta sa bahay mo?

From: Midget >:)
Pick me up at 7:30 pm here's my address 324 song joongki st. Descendant village

To:Midget >:)
K.

I looked at my clock and it said its only 5:00 pm so I still have time to prepare myself.

Author's note: sorry sa long hiatus ㅋㅋㅋ! Medyo nawala sa isip ko na may story pa pala ako dito xD to make it up to you guys heres a long chapter. 안영!! 너무사랑해!! <3 <3

I Choose.... (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon