Two.

90 3 1
                                    

Nagdiretso ako sa labas ng school. Mamayang hapon pa naman kasi ang sunod kong klase. Uuwi nalang muna ako siguro.

Nababadtrip talaga ako pagnakikita ko ang barkda ni Nat. Hindi ko talaga lubusang maintindihan bakit iyon ang sinasamahang grupo ni Nat. Mabait si Nat at hindi ito mayabang, yun nga lang hot-tempered ito. Masyadong mabilis uminit ang ulo. Kung hindi mo siya kilala personaly ay maiinis ka din talaga sa kanya.

Naglalakad na ako pauwi ng biglang may humila sa aking kamay. And because of my instinct ay bigla ko nalang siyang siniko at tinadyakan nang hindi ko man lang inaalam kung sino ito.

"Sh*t. Sh*t." malutong nitong mura.

Hinarap ko siya. Hindi ko inaasahan na siya pala. Aba wala naman kasi akong alam na hihila sa kamay ko eh. At imbis na humingi ako ng sorry ay tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Ano bang kelangan mo?" Mataray kong tanong sa kanya

"Ikaw? Anong problema mo sakin?" Balik niyang tanong sa akin sa mataas na tono.

"Sayo? Madami at sa sobrang dami ay baka abutin tayo dito ng gabi kung isa-isahin ko." sabi ko saka siya tinalikudan at naglakad ulit.

"Don't you dare walk out on me. Hindi pa ako tapos sayo." Galit nitong turan

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglakad nang bigla kong maramdaman na iniharap niya ako sa kanya.

"Pasalamat ka kaibigan ka ni Nathan." Naiinis nang sabi nito.

"Thank you." sabi ko at saka ulit siya sana tatalikudan ng bigla niya akong hinawakan sa kamay.

"Sabing don't dare na talikudan ako kapag kinakausap pa kita." naiinis na talaga niyang turan.

"And who the hell are you?" Sabi ko dahil nagsisimula na din akong mainis.

"You don't know me?" Manghang tanong niya sa akin.

"Should I?" Tanong ko dahil sa totoo lang ay hindi ko siya kilala.

"Tsk. Kala ko ba kaibigan mo si Nathan?" Tanong niya sa akin.

"Yes I'm his friend. And I don't bother myself to know his friends, so if you may excused me I'll gotta go." mataray kong turan sa kanya.

"I'm King." mayabang na pagpapakilala nito sa akin.

"Tch. Yabang talaga." sabi ko sa mahinang boses at saka mabilis ng lumakad.

"Aba't." nagngingitngit na sigaw nito dahil mabilis akong umalis at hindi na niya ako nagawa pang habulin.

Nakakainis talaga yung mga ganung klase ng lalaki. King daw, pweh. Di bagay sa kanya no.

Okay. Actually I know him but I barely know him. Nakukwento naman kasi siya sa akin ni Nat. I mean napagkukwentuhan kasi namin ang grupo nila so I know them.

King? King ina niya, that Clyde ang yabang talaga.Grabe! And yea, his name is Clyde Mathew Fonte. I know his name pero paki ba niya.

Nakarating na ako sa flat ko. Agad akong sumalampak sa sofa pagkasarado ko ng pinto. Napagod ako sa pakikipagtalo kay Clyde na yon. 

Magisa lang ako dito. My parents just give me allowance para sa pangaraw-araw ko and for my tuition. I have a broken family and they both have now their own family. Hatred? I don't feel that kasi I'm still lucky. Lucky kasi andyan pa din naman ang parents ko for me, hindi man physically pero financially (note the sarcasm).

Gaya nga ng sabi ko Dad ko na ang nagpapa-aral sa akin ngayon. Si mom naman ang bahala sa bahay na tinitirhan ko ngayon.

Malaki ang flat na binili ni mommy para sa akin. May dalawa itong kwarto, maliit na salas at kusina, may maliit din itong veranda. Syempre dun sa malaking kwarto ako natutulog. Fully purnished na din ang bahay na ito ng ibigay ni mom. Nasa ika-labindalawang palapag ako ng building na ito na mayroong tatlongputlimang palapag.

Hindi po ako burara kaya malinis ang kabuuan ng flat ko. Hindi ko na din kailangan ng katulong kahit inofferan ako ni dad. Ayoko pati ng may kasama hanggat maari sa bahay. Lumaki ako na sanay magisa lang, kaya duon na ko komportable. And I can do things naman. Saka kaya nga hrm ang kinuha kong kurso eh, para hindi ako magugutom kahit magisa lang ako.

(------>> see picture for Elle's room.)

Bad at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon