Nagsimula na akong maglakad patungo sa eskwelahang pinapasukan ko. Walking distance lang naman, mga three blocks away lang from my flat/condo kaya naglakad nalang ako at hindi na muna dinala ang aking motor.
Nang makarating ako sa may gate ay agad akong pinagtinginan ng mga studyante. Sabagay, oo nga naman bakit ako na isang hamak na hindi mayaman at laging sangkot sa mga gulo ay nakapasok dito sa eskwelahan nilang mga mayayaman. Kung alam lang nila baka hindi nila ako tingnan ng ganyan at mag-unahan pa sila para lumapit sa akin. And I don't want that to happen. As much as possible I want to keep a low profile, yung tipong hindi nila paguusapan ang buhay na meron ka.
I'm not rich nor poor, pero hindi din naman ako scholar kaya wala silang karapatan na titigan ako ng ganun at kahit scholar pa ako ay wala pa din silang karapatan. Pantay pantay lang kame, parepreho lang kameng nagbabayad ng mahal na tuition.
Yea, maybe I fucked up pero wala silang karapatan na husgahan ako. They don't have the right, magulang ko nga hindi ako pinagsasabihan. They just give everything I need and the rest ay ako na ang bahala.
Bago pa uminit ang ulo ko ay nagtuloy nalang ako ng lakad at nagtungo sa may locker room. Kumuha ako ng ilang gamit at dumiretso na sa una kong klase.
Pagpasok ko ng klase ay agad akong binati ng nagiisang kaibigan dito sa school na ito.
"Morning Elle." bati nito sa akin at saka ako naupo sa tabi niya.
"Morning." balik kong bati sakanya
Nakarinig na naman ako ng bulungan ngunit iba ngayon kasi hindi lang basta tungkol sa akin.
Sila ba ni Nathan?
Ang gwapo talaga ni Nathan.
Elle and Nathan. No way.
Lagi nalang silang magkasama.
Hindi sila bagay.
Bakit ba lumalapit diyan si Nathan, gulo lang ang dala ng babaeng iyan.
Ilan lamang yan sa mga narinig kong bulungan nila. Pero hindi ko nalang pinansin. Wala naman akong mapapala eh. Pero hindi si Nat (pronounced as Neyt) dahil bigla siyang tumayo at humarap sa mga kaklase namin.
"Will you please shut up!" naiinis niyang sabi at saka ulit naupo. Hot-tempered much ang lalaking ito.
Matagal ko ng kilala si Nat dahil childhood friend ko siya. Pero hindi nila yun siguro alam at wala akong balak magexplain sa kanila. Hindi lang naman ako ang barkada ni Nat sa school na ito pero ako ay siya lang ang kaibigan ko sa school na ito. Transferee kasi ako at magiisang taon pa lamang ako dito. At masasabi kong hindi ako friendly kaya wala akong kaibigan bukod sa kanya. Kaya madalas ay napapagkamalan na gf nya ako at tinatamad din naman akong itama pa yun. Hindi din naman siya nagabala na ipaliwanag yun sa iba. Kumbaga ay hinayaan nalang niya. Isa din siguro iyon sa dahilan kaya wala akong kaibigan. Masyado syang sikat at ako naman ay isang hamak lang na estudyante.
Sa probinsya kasi ako dati nagaaral pero nang si Dad na ang nagpaaral sa akin ngayong second year na ko sa kolehiyo ay pinalipat na niya ako dito sa Manila. Mas madami daw kasi ang opportunity kung dito ako papasok. Wala naman akong angal dahil siya naman ang magbabayad ng tuition ko.
Maya maya lang ay dumating na ang prof namin para sa unang subject ko ngayong araw.
Nagdiscuss lamang siya at hindi ko na malayang dismissed na kami. Kaya niligpit ko na ang aking gamit at saka tumayo. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Nat.
"Wala ka ng klase?" Tanong nito ng mapansing papuntang cafeteria ang tinatahak ko.
"Yep. Mamaya na ulit." sabi ko sa kanya ng hindi man lang siya nililingon.
Mukhang vacant din siya kasi sumunod din siya sa akin sa cafeteria. Pagpasok ko ay agad akong luminga linga upang maghanap ng magandang puwesto. Kakaunti palang naman ang tao kasi malamang ay may mga klase pa karamihan sa mga studyante.
Nang makakita ako ay agad akong naglakad patungo rito, sa isang lamesa malapit sa may bintana. Good for four person ito. Naupo agad ako ng marating ito. Ganun din ang ginawa ni Nat. Kitang kita sa puwestong ito ang malawak na field ng school.
Tatayo na sana ako para umorder nang biglang tumayo si Nat at nagsalita.
"Ako na ang bibili. Ano bang sayo?" Tanong nito.
"Libre mo?" balik kong tanong sa kanya.
"Hindi." walang kagatol gatol niyang sagot.
"Ay." nasabi ko nalang
"Dali na ano ngang sayo." Tanong ulit nito
"Kala ko makakatikim na ako ng libre sayo." Kunyaring nagtatampong pahayag ko.
"Sige na nga. Ano bang sayo? Aba Axl nakakangalay tumayo." Iritable na nitong sabi.
"Mmmm, sabing 'wag mo ko tawaging Axl eh. Anyways, isang blueberry cheese cake at isang caramel macchiato." Nakangiti kong sabi.
"Okay." Sabi naman nito at saka nagtungo sa may counter para umorder. Buti hindi nagreklamo. Kung sabagay mayaman naman kasi sina Nat eh. Ako lang naman yung hindi eh.
Maya maya lang ay dumating na ito dala ang inorder niya para sa aming dalawa. Pinatong nya sa lamesa ang tray at saka umupo.
"Pasalamat ka mabait ako ngayong araw na ito." Nakangiting sabi nito
"Eh di thank you." Sarcastic kong turan.
Nagtawanan lang kami at kwentuhan doon nang biglang tumahimik sa loob ng cafeteria. Napatingin tuloy ako sa aking relos, mag-a-alas-once na pala. Magiisang oras na kami dito ni Nat sa cafeteria.
Napatingin ako sa may pinto ng cafeteria dahil narinig ko itong bumukas at nagsitilian ang mga babae sa loob.
Kyaaaaah.
Akin ka nalang Josh.
Ang gwapo talaga nila. Waaaah.
King.
I love you King.
Hindi sila magkamayaw sa pagsigaw na akala mo ay nasa kabilang bundok ang sinisigawan nila. Nakakairita. Sakit sa tenga. Sana mapaos sila. Haaayy!
"Tsss." Inis kong turan
"Hindi ka pa sanay hanggang ngayon?" Natatawa nitong sabi.
"Nakakairita kasi yang barkada mo Nat. Hindi naman mga kagwapuhan. Tsk." Pranka kong pahayag.
"Sabi mo eh. Hahahaha. Kakaiba ka talaga Axl. " Natatawa nitong turan.
"Shut up. And how many times do I have to tell you Mr. Nathan Montenegro, don't call me Axl." I said pissed off.
"Chill. Palapit na sila dito. You're leaving?" Malumanay niyang sabi ng mapansin nyang patayo na ako.
"Yea, and by the way f*ck you dude." Asar kong sabi at saka biglang tumayo para umalis sa lugar na iyon.
"Love you too dude." Tumatawang sabi nito. Hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng umalis dahil nakalapit na sa table namin yung barkada niya na kanina lang ay tinitilian ng mga babae at miski ng mga bading.
Hindi ko kasi gusto ang mga kaibigan niya kaya pagmagkakasama sila ay hindi ako sumasama kay Nat. Loner ang peg ko sa mga panahong ganun. Naalibadbaran kasi ako sa kanila. masyadong mayayabang, kala mo kung sino. Mayayaman kasi. Bakit mayaman din naman parents ko, hindi nga lang ako. Psh.!!
![](https://img.wattpad.com/cover/40346830-288-k349160.jpg)
BINABASA MO ANG
Bad at Love
RomanceCan LOVE overcome HATE? Note: There's a lot of censored words. BABALA.!