Nagising ako ng biglang kumalam ang sikmura ko. Nakatulog pala ako. Ang sakit tuloy ng batok ko dahil nakatulog pala ako ng nakaupo dito sa couch at napatagilid ang ulo ko sa sobrang himbing ng tulog.
Hindi na pala ako nakabalik sa school para umattend sa panghapon kong klase. Pasalamat nalang ako at halos kakasimula palang ng second sem kaya irregular pa ang klase.
Piniling piling ko ang aking ulo para maibsan ang sakit habang nakahawak ang kanan kong kamay sa batok. Naglakad ako patungo sa kusina at binuksan ko ang ref upang maghanap ng makakain.
Tumingin ako sa orasang nakakapit sa may dingding. Mag-a-alas kwatro na pala ng hapon. Grabe hindi na pala ako nakapaglunch. Kinuha ko ang juice na nakita ko sa ref at yung tira kong pasta kagabi.
Nagtungo ako sa salas at saka binuksan ang tv. Wala naman sisita sa akin kung dito ako kakain sa salas at hindi sa may dinning.
Lipat lang ako ng lipat ng channel habang kumakain. Wala kasi akong magustohan. Kaya naubos ko na't lahat ang kinakain ko ay wala pa din akong napapanood na matino. Tumayo nalang ako at pinatay na muna ang tv. Niligpit ko nalang ang aking pinagkainan.
Naligo na ako matapos kong hugasan ang aking pinagkainan.
Habang nasa banyo at nakatapat ako sa shower ay pakanta kanta pa ako.
"I am trying not to tell you, but I want to. I'm scared of what you'll say. so I'm hiding what I'm feeling. But I'm tired of holding this inside my head. I've been spending all my time just thinking of you. I don't know what to do. I think I'm fallin' for you." kanta ko habang naliligo.
Nang matapos ako maligo at magtoothbrush ay naupo ako sa may harap ng dresser ko. Kinuha ko ang towel at pinatuyo ang buhok ko.
Dinampot ko ang cp ko upang tingnan ang oras. Lagpas alas-cinco na pala. Bigla akong napatayo at nagmadaling nagbihis. Kinuha ko ang isang plain black na v-neck na may bulsa sa may kaliwang bahagi at nkaembroided dito na mga katagang "T'amo restobar". At isang faded na may pagkaragged style na tokong-short naman ang pangibaba. Dinampot ko din ang aking chuck taylor at nagayos na ako ng sarili.
Naghanda na akong umalis pero bago ang lahat ay muling humarap ako sa salamin.
"Ito ba ang mukha ng basagulero?Hahaha. Ang ganda ko namang gangster." sabi ko habang nakatingin sa reflection ko.
Hindi po ako gangster. Nililinaw ko lang. May pagkamatapang at suplada ako pero kahit kelan hindi pumasok sa ulo ko na makipagbasag-ulo. Martial arts for me is only for self-defense lalo na't namumuhay akong mag-isa.
Dinampot ko na ang susi ng aking motor at ang aking helmet at agad na akong umalis. Dumiretso agad ako sa pinagtatrabahuhan ko na RestoBar, ang T'amo restobar. Isa itong class na restaurant/bar. Dito madalas tumatambay ang mga schoolmate ko kaya siguro naisip nila na paano akong nakakapasok sa eskwelahang pang mayayaman lang.
Pagkapasok ko sa loob using the back door ay agad akong nagtungo muna sa locker room upang ilagay ang gamit ko.
Matapos kong magayos ay dumiretso na agad ako sa aking puwesto which is yung sa may bar counter.
"Aga ah!" Sabi agad sa akin ni Jay, isa sa mga katrabaho ko.
"Ayokong malate ano." Nakangiti kong tugon
"Wala pa naman masyadong customer ngayong oras na ito dito." Pagbibigay impormasyon nito.
"I know right. Isang linggo na akong dito nakaassign. Saka medyo mas magaan nga trabaho dito eh kesa sa may resto. Puyatan nga lang dito." Sabi ko habang nakaupo sa stool sa may counter.
Alas-sais palang kasi ng gabi kaya wala pa masyadong tao dito sa bar part ng T'amo. Mga 9pm siguro kung magstart ang tunay na party dito. Yun kumbaga ang pinaka peak hour.
Magtatatlong buwan na din ako dito sa T'amo. Nung unang dalawang buwan ko dito ay sa may resto part ako napaassign bilang waitress tapos almost 2 weeks ako as dishwasher. Tapos eto ako ngayon, napalipat sa may bar as barista tutal hrm din naman pala daw ang course na kinukuha ko.
'Wag na kayo magtaka, hindi naman ako pilian sa trabaho eh. Ang gusto ko lang ay basta legal ang trabaho at pinapasahod ako ng tama.
"Oo nga, puyatan dito. So paano yun? Diba nagaaral ka sa umaga?" Nagtatakang tanong nito.
"Oo. Pasalamat nalang ako na mostly ay 10 am start ng class ko o di kaya naman ay 8:30am. Atleast kahit paano ay nakakatulog pa ako. Malas lang pagmay exam or quiz." matiyagang paliwang ko sa kanya.
Yun lang ang mahirap sa work ko dahil kung minsan ay inaabot na ako ng 4am bago pa makauwi ng bahay. Malapit lang naman ito sa bahay, its only takes 10mins bago ako makauwe ng bahay and vice versa using my motorcycle.
Ayoko naman kasing umasa nalang lagi sa parents ko. They have both their own family kaya ayokong maging pabigat. I want to earn my own money. Extra income kumbaga.
Actually, I can ask anything from them if I want to. My parents are both one of the business tycoon here and abroad but I choose not to seek their help kasi kaya ko naman saka I'm not a spoiled brat, mulat ako sa mundo kahit mayaman magulang ko. What I mean is, nakita ko ang buhay ng isang mahirap. Ang magulang ko kasi ay yung tipong pinagtagpo pero hindi itinadhana. Bunga lang ako ng isang gabi ng pagkakamali. Iniwan lang ako ni mama sa isa sa mga katulong nila noon, at ito na ang nagpalaki sa akin. Pero kahit ganun I'm still thankful kasi pede namang hindi na nila ako buhayin pero hindi nila ginawa. At kahit ipinaubaya lang nila ako sa isang katulong ay hindi naman talaga naging mahirap ang buhay ko. Hindi nila ako pinabayaan.
BINABASA MO ANG
Bad at Love
RomanceCan LOVE overcome HATE? Note: There's a lot of censored words. BABALA.!