Four.

60 3 0
                                    

Madami nang tao kaya wala na din kaming tigil sa trabaho. Tatlo kami ngayong nandito sa may counter at apat ang nasa labas upang maging waiter.

Tonight is not an ordinary day dahil rented ang buong lugar ng anak ng mayari. May paparty ito dahil birthday nito. Akala ko nga nung una ay yung lalaking anak ang may kaarawan dahil dito sa bar ginanap ang celebration.

"Yung si ma'am Jennifer ang may birthday?" Manghang tanong ni Gail kay Jay, isa din sa nandito sa may counter.

"Yun ang sabi. Birthday daw ni Miss Ferrer. O e diba iisa lang naman ang anak na babae ni Sir Ferrer?" Sabi nito.

"Oo ata." hindi siguradong sagot ni Gail.

"Hayst. This is not a good day for me!" I said and then sigh.

"Problema mo girl?" Nagtatakang tanong sa akin ni Gail.

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil panay na naman ang order dito sa may counter. Madami na ang dumadating na bisita. Halos taga school. Hindi ko naman akalain mamalasin ata ako ngayon. Bakit dito pa kasi nagcelebrate yung si Jennifer? I know her, not personally pero kasi isa siya sa mga sikat sa school.

"Axl?" Dinig kong sabi nung lalaki malapit sa may counter.

Hindi ko yun pinansin dahil Elle naman ang nakalagay sa name plate ko.

Pero tatlong tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Axl eh. Si Nat, pag gusto akong asarin at si Llyod, ex ko saka si Reigne kasi feeling daw nya tinatawag lang din nya ang kanyang sarili. Pero hindi na din naman ulit naulit ang pagtawag kaya binalewala ko nalang din. Baka hindi ako ang tinatawag. Madaming Axl sa mundo, and I hate that fact.

"One martini please." sabi ng isa sa mga bisita na andito sa may counter.

"Coming up sir." I said

Pumunta ako sa cart upang kumuha ng martini. Kumuha na din ako ng cocktail glass at nilagyan ito ng martini at iniabot sa lalaking humihingi nito.

"Miss sa OU ka din ba nagaaral? Para kasing namumukhaan kita eh." Tanong nito matapos makuha ang inumin nito na halatang may pagbibigyan ito kaya martini ang kinuha nito.

"O- .. Oo?" Alanganing sagot ko.

"You're working here? Did you runaway from your house? Or is this kind of your punishment?" sunod sunod na tanong nito.

May pagkachismoso si kuya. Grabe.

"No. And if you may excuse me madami pa po kasi akong gagawin." Medyo mataray ko ng sabi.

Tinalikudan ko na siya at nagtungo sa kabilang dulo ng bar counter. Nakita ko naman na papasok ang grupo nina Nat. Bakit nga ba hindi ko naisip na maaring pumunta din sila dito? Magkakilala ang grupo nila. Lalo na at kapatid pa ni PJ si Jennifer na barkada ni Nat.

Mabait naman ang grupo nina Jen may pagkamaarte lang din talaga. Mayayaman kasi.

" Happy birthday Jen!" Dinig kong bati ng grupo nina Nat kay Jen. At isa isa ang mga itong bumeso sa dalaga.

"Legal ka na! Pwede ng makulong. Hahaha." Biro ni Josh, isa sa mga kagang ni Nat.

"Boyish ka talaga kahit kelan! Kaya wala kang boyfriend eh! Ayaw mag18roses! Hahaha" kantyaw naman ni Nat.

Malapit lang kasi sila dito sa may bar counter kaya kahit medyo malakas ang music na pumapailanlang sa kabuuan ng bar ay nadidinig ko pa din ang mga usapan nila.

Napatigil lang ako sa pakikinig ng lumapit sa akin si Gail at kinulbit ako.

" Sa Oxford ka nagaaral?" Manghang tanong niya sa akin.

"Ah eh. Oo." napahawak tuloy ako sa batok ko.

Ayoko kasing madami ang nakakaalam na sa Oxford ako nagaaral lalo na sa katrabaho ko kasi for sure madami silang magiging tanong. At ayokong magkwento. Tamad akong magexplain ng mga bagay bagay. May pagkaMMK din kasi ang buhay ko.

"Waaaaah. Seryoso? Alam mo bang pangarap kong doon makapagaral? Haayy!" Hindi pa rin makapaniwalang tanong nito

"Bakit hindi ka kumuha ng scholarship kung gusto mo talaga doon magaral?" Balewalang sabi ko saka ko tinuloy ang aking ginagawa.

"Hindi kasi kaya ng utak ko ang entrance exam nila, exam pa kaya para sa scholarship program nila? Haaayy! Bakit kasi ang hirap?" Pagsisintimyento nito.

Hindi ko na siya sinagot dahil hahaba lang ang usapan.

Tuloy lang pagdating ng tao, kaya wala din kaming tigil sa pagseserve. Grabe talaga ang mayayaman, ilang libo ang ginagastos nila para sa alak lang. Hindi ba nila alam na masama ito sa kalusugan.

Patay ako nito bukas dahil tiyak ay puyat ako. Buti nalang at 10 pa ng umaga bukas ang simula ng klase ko at kahit hindi ko iyon muna pasukan dahil minor subject lang at saka mabait yung prof.

"Ate." tawag ng kung sino. Paglingon ko aba at ako pala ang tinatawag.

"O Kailyn, ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Oo may kapatid ako. Mas bata sa akin, magkapatid kame sa ina.

"Umaattend ng party, ano pa nga ba?" sabi nito

"Buti pinayagan ka ni mama." tatakang sabi ko.

" Alam mo naman siguro na magkaibigan ang mga Ferrer at sina mama. Kaya  nung sinabi kong si Jeniffer ang may birthday ay umoo agad sya." paliwanag nya

"Kung ganon, hindi kita bibigyan nang alak ah. Masyado ka pang bata. Highschooler ka palang." sabi ko

"FYI, graduating na ako ano. Pero ate, kahit shake hindi pwede? Grabe ka naman, sayang lang punta ko." sabi nya sabay pout.

"O sige, ang sabi ko lang naman ay hindi kita bibigyan nang alak ah. So anong shake? Para naman hindi mo masabing sayang ang punta mo dito. Hahaha." mapangasar kong sabi sa kanya.

"My fav.!" masayang sabi nito.

"Cookies and cream, coming up!" sabi ko sa kanya at saka nagtungo sa may counter kung saan pwedeng gumawa ng kung ano anong shake.

Habang nagmimix ako para sa shake ni Kailyn ay ramdam ko na may tumititig sa akin mula sa may likuran ko kaya lumingon ako.

Si Nat pala. Ngumiti lang ako sa kanya at ganun din naman ang ginawa nya. Nakiusap kasi ako noon na kung maari na kung kasama nya ang barkada nya ay 'wag sya lalapit sa akin. Bakit? Simple lang ayoko kasi ng issue. Oo nga at kung minsan kumakain ako kasama ni Nat sa cafeteria at nakikita yun nang iba. Pero ayoko kasi pagkaibigan na nya. Ayoko nga kasi sa tropa nya. Lalo na at iniiwasan ko ang dalawa sa barkada nya.

Bad at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon