Five.

90 4 2
                                    

Natapos ang party at sobrang pagod ako. Alas cinco na ata ng umaga ng makauwe kame sa pad ko. Pero kahit puyat at pagod pa ako, kelangan ko pa din maaga gumising dahil alas-nueve daw ang pasok ng magaling kong kapatid at inutusan pa akong ipagluto ko siya ng umagahan. And yes, dito sya natulog tutal naman daw I have a spare room that she can use. Simple lang naman linuluto ko. Sunny side-up, hotdog at fried rice ang aming menu for breakfast kaya madali lang.

"Ate, matagal pa ba yan?" naiinip na tanong nito na mukhang kakalabas lang ng banyo dahil nakasoot pa ito ng roba at nakapulupot pa sa ulo nito ang towel.

"Fried rice nalang tapos kakain na tayo. Magbihis ka na muna dyan." sabi ko sakanya

"Pahiram ako ng damit ate ah. Wala akong dalang extrang damit eh." sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala ito.

"Yan kasi eh, sabing agahan ang gising at umuwe ka sa inyo." sabi ko

"Hassle pa yun, pede naman akong humiram nalang sayo. Saka sabi ko naman sayo ate eh, magdadala na ako dito ng gamit ko para in case of emergency na gaya nito ay hindi ko na kailangan manghiram ng damit sayo." sabi nito sabay pout.

"Ilang beses ko din uulitin na ayaw ko. Dahil for sure gagawin mong parang boarding house itong pad ko." paliwanag ko sa kanya at saka itinuon ulit sa niluluto ko ang atensyon ko.

"Ayaw mo noon? Lagi tayong magkasama?" nagmamaktol na tanong nito

"Hindi naman sa ganoon, pero kasi alam mo naman na umiiwas ako sa gulo. Na hanggat maaari ay low profile lang ako. Kaya don't ever think na ayokong makasama kita. " paliwanag ko.

"Tampo pa din ako." sabi nito at saka naupo sa silya

Hindi agad ako nagsalita. Inayos ko na muna ang lamesa at saka hinihain ang pagkain. Kumuha na din ako ng fresh milk sa ref at dalawang baso.

"Kain na tayo." sabi ko saka naupo na din.

"Pero tampo pa din ako sayo." sabi nito saka kumuha ng hotdog sabay kagat dito.

"So, bukod sa damit. What else do you want?" I said. I really know my sister. Hindi yan totoong nagtatampo, may gusto lang yan hinging pabor.

"Sabay tayong pumasok today." masayang pahayag nito

"Nababaliw ka na ba? Low-profile nga diba. Saka baka nakakalimutan mong motor ang means of transportation ko." sabi ko sa kanya, in a matter of fact tone.

"I know that ate. Pero bakit ba may low-profile ka pang nalalaman diyan ah. Magkapatid tayo, so bakit kailangan nating itago yun?" sabi nya na may halong inis na din sa boses niya.

"Ayoko lang nang gulo. Kumain ka na nga lamang diyan." sabi ko saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Eh kaya ka nga madalas mabully at madalas pagusapan sa school eh. Nakakainis lang kasi wala akong magawa para maipagtanggol ka ate. Ayaw mong malaman nila na magkapatid tayo." frustrated nitong pahayag saka ito nagsalin ng gatas at uminom.

"FYI, hindi ako nabubully sa school. Masyado lang din talaga silang tsismosa at tsismoso kaya nila ako pinaguusapan. Saka malaking issue pagnagkataon na malaman nila na magkapatid tayo. Yun ngang maging malapit ako kay Nat sobrang big deal na. I-announce ko pang kapatid kita at si Reigne, eh di nagkagulo na. Lalo na't hindi naman tayo legal na magkakapatid." mahaba kong paliwanag sa kanya.

"Hey, FYI din ate, you used mom's last name kaya kahit saan mo tingnan legal tayong magkapatid. And correct me if I'm wrong, kahit tingnan ang birthcertificate mo ay pangalan ni mama at ni dad ang nakalagay as parents mo. Right? Yung si Reigne lang ang masasabi mong hindi legal na kapatid pagnagkaton." she said as a matter of fact tone. Hindi kasi sila ganoong kaclose ni Reigne but they're civil with each other. Kung sabagay, ako lang naman ang may kapatid kay Reigne.

Bad at LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon