MAAGA akong ginising ni haring araw at alarm clock kong nakakaantok ang tunog. Ako lang ang tangang nag a'alarm ng kanta, hindi para magising kundi para mas maging masarap ang tulog kahit late na.
Kung hindi pa tumatama ang mainit na sinag ng araw sa mukha ko hindi talaga ako babangun at hindi ko pa malalaman na may pasok na pala ngayon.
Hindi ko kailangan mag double time dahil mamayang ten pa naman ang pasok ko, ang importante ngayon ang makakain ako ng sapat at makaligo ng maayos. Bahala ng malate basta kompleto ang kain at ligo ko.
After kong maligo at isuot ang uniform inipitan ko lang ang buhok bago mag lagay ng light make up sa mukha, never kong kinalimutang ilagay sa isang handbag ko ang tatlong libro para hindi na ko mag hanap pa sa library at lunch box narin na may kasamang snack.
Mag-isa lang ako kaya wala akong maaasahan sa mga ganitong bagay kundi ang sarili ko lang, hindi na ko nakikituloy sa bahay ng mga Clemente kaya wala na kong katulong na mag aasikaso sakin.
"Good morning Veda!"
Mabilis ang takbo na bati sakin ni Ella bago ako yakapin ng mahigpit. Grabe naman ang babaeng to, parang hindi kami nag chismisan kahapon ah, gabi na nga siya nakauwi dahil naging mahaba-haba ang panlalait na ginawa namin sa babaeng gumamit ng panty at bra ko.
"Himala, wala ka atang kasunod na alalay ngayon?" tukoy ko sa mga manliligaw or ka-fling nito.
"No boys daw sabi ni daddy, and excuse me may boyfriend na po ako."
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, ngayon lang kasi siya nag claim na hindi na siya single at may jowa na. Lagi siyang 'no alalay lang yun.' o di kaya, 'fling-fling lang.'
"Good luck diyan sa boyfriend mo," ngisi ko.
"Wag ka ngang-ano! Epal 'to!" nguso nito.
Tawa parin ako ng tawa hanggang sa makarating kami sa room, hindi din naman ako nakikinig dahil alam ko na ang mga tinuturo nila. Ako ang tipo ng tao na hindi mahilig mag study o makinig sa lesson ng teacher sa harap, kaya nag tataka ang mga kaklase and teachers ko kung saan ko kinukuha ng sagot tuwing may quiz bee na nagaganap.
Simple lang naman ang sagot don. Mahilig akong mag basa kaya kung ano ang nababasa kong related sa lesson ng guro pumapasok agad sa isip at sistema ko tapos hindi na siya nabubura pa. Dumidikit siya sa utak ko at kusang lumalabas pag tinatanong na.
"That's all for today, class dismiss."
Parang mga elementary ang mga kaklase ko dahil sa mga ginagawa nila. Nag uunahan kung sino ang unang lalabas sa room kahit naman nasaloob pa ang teacher na nag aayos ng gamit.
'Mga isip bata nga naman.'
"Hindi ka lalabas ngayon,Veda?"
"Nope, may dala akong snack para iwas gastos."
Hinila naman ako ni Ella at hawak na nito ang lunch box ko. "Don't worry libre ko naman," ani pa nito. Umiling naman ako dahil ayokong gagastos na naman siya para sa mga bagay na afford ko naman.
"Wag na, samahan nalang kita sa canteen pero hindi ako bibili. Sasama lang," ngiti kong wika.
Ayoko siyang gumastos para sa mga ganon-ganon lang, maybe siya ang may hawak ng pera pero hindi galing sa pawis at dugo niya yun. Sa mga magulang ko palang kita ko na kung paano sila pasunurin ng pera, kung paano sila diktahan at utusan ng mga ito.
YOU ARE READING
Harsh Gentleman Series 2: His Sinful Touch (COMPLETED)
RandomNoveda Doll Tañega, is a man hater. Lahat nalang ng lalaking lalapit sa kan'ya agad na hinuhusgahan niya, mas lalo lang itong lumalala no'ng mapilitan siyang tumira sa iisang bubong kasama si West Clemente, ang lalaking kinaiinisan at sinusumpa niya...