Chapter 4[Amethyst University]

45 1 0
                                    

[Amethyst University]

Zam POV:

Isang araw na ang nakalipas mula ng maka-recover ako sa hospital. Kung tutuusin hindi naman malalim ang sugat ko.Wala yon sa sakit ng aking nararamdaman. Hindi parin mawala si Blaire sa isip ko.

Ibang school na naman ang papasukan ko. Ito na ang ika-limang school na papasukan at pinaka huli na tatanggap sa akin.

Isang malaking sermon ang natanggap ko kay kuya Rum kahapon.

[Flashback]

Mansion

Pagpasok palang ng mansion, malaking katahimikanna ang bumabalot sa aming tatlong magkakapatid. Aakyat na sana ako ng hagdan.

"Zam, you're a big disappointment." galit na sabi ni kuya Rum.

"I know."

Slappp****

Hindi na ko nagulat sa pagsampal niya, parang hindi na rin ako nasaktan. Sanay na ko kapag galit siya, kasalanan ko rin naman.

"Zamantha, kailan ka titino? Kagaya ka narin ng ibang gangster na walang alam kundi basag-ulo. Pati pag-aaral mo sinisira mo. Iba ang gangster sa pag-aaral. Anong school ang tatanggap sayo? Sirang-sira na ang record mo. Ilang week lang kami dito tapos ganito pa ang ipapakita mo?" mahabang paliwanag ni Kuya Rum.

Hindi na ako nagsalita. Alam ko tama siya. Hindi ko narin alam ang nangyayari sa buhay ko

"Eh kung mapatay ka nila? Oo malakas ka at matapang ka. Pero pano kapag may nangyari sayo? Zam, hindi mo ba naisip na masasaktan kami. Pati yang ginawa mo sa buhay mo, nasasaktan kami. Makasarili ka!!! Iniisip mo lang ang sarili mo. Zam, makasarili ka!!!!!" sabay talikod niya.

"Tandaan mo ito wala na akong pakialam sa gagawin mo. Bahala ka sa buhay mo!!!!" sabi niya habang nakatalikod. Galit na galit na siya.

Napaiyak na lang ako.

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko na sila inisip... na may tao akong nasasaktan.

"Valerie sana maintindihan mo kami. Kinabuksan mo ang iniisip namin. Sorry pero wala kaming choice kundi mag-aaral ka sa Amethyst University. Bihira lang ang mga nakakapasok ditto. Ito ay secret school na kung saan halos gangster ang mga nag-aaral. Isang uri ng school na kahit makipaglaban ka at kahit anong gawin mo. Walang pakialam ang mga guro basta nakakapag-turo sila. Itong school lang ang puwedeng tumanggap sayo at ito na rin ang pinaka huli mong school." sabi ni kuya Rex.

[End of Flashback]

Bawal kong gamitin ang motor ko hanggang nandito sila sa Pinas. Parusa ko daw yon.

Hindi ako kuntento kung walang motor. Lalo akong naiinis at naasar.

Tinawagan ko si Arvin.

"Zam napatawag ka?"

"Pahiram ng-"

"Motor? Hindi pwede eh..."

"Bakit? Sinabi ba ni Kuya Rum?" pagalit kong tanong.

"Sorry, alam mo naman yung kuya mo. Nakakatakot kapag nagalit yon."

"Arvin, ako ang leader mo. Bakit sa kanya ka nakikinig? Sakin hindi ka ba natatakot? Na baka magalit ako sayo?" galit na galit ko.

"Relax, bakit ganyan kayong magkakapatid? Maiinit ang ulo niyo. Kahit sino ang sundin ko mayayari ako nito. Kung hindi lang kita bestfriend... Okay papahiram na kita, secret lang ahh?"

"Okay. Salamat talaga... I love you bestfriend. Mwuah."
End Call

*********

Kailangan ko ng pumasok sa bago kong school.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon