Chapter 12(BET)

29 1 0
                                    

Vin/Blade POV:

Nandito kami ngayon sa restaurant. Lunch break namin.

Nagulat kami nung biglang sumulpot si Elaine sa harapan namin.

May binigay siyang paper kay Zam, na pinasa naman sa amin.

Nahihibang na ba siya?

Gusto niyang maki-bet kay Zam. Naghihintay kami sa sagot niya.

Bago yan gusto kong malaman niyo kung bakit galit si Ron, na hanggang ngayon ay hindi ako pinapansin. Pati ang paglitaw ng bagong Blade kanina na isang impostor. Maraming tanong sa isip niyo na dapat kong sagutin.

[FLASHBACK]

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa gangfight. Nung iligtas ako ni Queen Demon nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Radam ko ang pagdikit ng mga katawan namin. May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

Bilib ako sa pagiging mysterious, strong, brave at higit sa lahat brutal siya sa kalaban.

Naiinis lang ako na ang isang tulad niya ang magliligtas sa buhay ko.

Kailangan kong pag-aralan ang mga techniques niya.

Hayy! Nahihibang na talaga ako. Hindi siya mawala sa isip ko.

Pagdating sa headquarter.

"Ito na nga ba ang iniisip ko. Gusto ka na nilang patayin." – Jeff.

"Buti na lang magaling ang Queen Demon na yon kundi natamaan ka na." – Steve.

"Bakit ka naman niya tinulungan?" – Josh.

"Hindi siya ganun kasama tulad ng iniisip natin.. Oo brutal siyang makipaglaban pero may dahilan kaya niya nagawa kay Elaine yon." – Jeff.

"Bakit mo naman nasabi na ganun siya?" tanong ko kay Jeff.

"Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niyang gumanti kay Elaine. Na parang may ginawa itong masama sa kanya." – Jeff.

Hindi ko alam kung pano nalalaman ni Jeff ang mga ganun sa isang pagtingin lang.

"May isa pa tayong problema ." napatingin kami kay Jaydee.

"Tama ka. Kailangan natin ng impostor na Blade." Steve.

"Yeah right. Magtataka ang ibang gang na kasama natin si Blaire ngunit wala tayong naipapakitang Blade na bagong leader natin. Iisipin nilang iisa lang sila kapag wala tayong naipakitang impostor." – Jeff.

"So ano ang balak ninyo?" tanong ko.

Tinignan akong mabuti ni Josh na parang sinusuri ang katawan ko.

"Ang kapatid ko ang pwedeng magpanggap bilang Blade sa school para isipin nilang hindi si Blaire ang leader natin. Kasing katawan mo naman siya at may six pack abs yon. Kailngan niya lang gayahin ang kilos mo." suggest ni Josh.

"Sigurado ka bang magiging kakilos niya si Blade?"

"Oo. Sigurado ako at papayag yon dahil gusto niyang maging feeling gangster. Gagayahin niya ang buhok ni Blade at ang maskara mo kailangan niya." – Josh.

Nakikita kong tahimik si Ron at parang galit ang mukha.

"Bago ang lahat ng yan. Blade, tama ba ang sinabi ni Steve kanina? Na kayo na ni Zam?" may galit sa tono niya. Nakikita ko rin ang paghihintay ni Ron sa sagot ko.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon