Chapter 23[Revenge]

29 2 0
                                    

Revenge

Zam POV:

Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang mga binanggit ni Blaire sakin bilang Queen Demon kahit nakatulog na ko at nagising na. Hindi ko maiwasang hindi mag-Isip ng kung ano-anong bagay. Hindi naman sa naasar o naiinis...

"Hindi ka mawala sa isip ko, Queen Demon. I don't care if you are Queen Demon because I care for you." ang mga katagang yan ang nagpapaselos sa isang side ko.

Kitang kita ko kung paano niya ako tignan sa mata, puno ng pag-aalala at over-protective. Ewan ko pero ibang-iba ang nararamdaman ko. Naiinis ako kay Queen Demon. Bakit niya pa naisipang halikan noon si Blaire.

Mas inlove pa ata siya kay Queen Demon kesa bilang Zam.Which means na ako lang yon.

Arrghh!!! Maloloka na talaga ako. Pati sarili ko pinagseselosan ko.

Hayy! sumabay pa ang sakit ng ulo ko dahil sa pag-inom ng alak kagabi. May hang-over pa ata ako.

Arrghh!!! Ang sakit-sakit ng ulo ko!!!

Naka-upo ako sa sofa at hawak-hawak ang ulo ko. Ang buhok ko gulong-gulo at mukha akong ewan.

"Heyy! Zam, ano bang iniisip mo?" matatalim na tinignan ko lang siya at anytime mapapaso siya. Ewan ko naiinis ako sa ginawa niya kagabi.

"Bakit ka ganyan makatingin at parang papatayin mo ako?" naka kunot-noo niyang tanong at the same pagtataka.

Lasing na lasing siya kaya dinala ko na lang siya sa condo ko. Ang bwiset pinuyat ako at nagsuka pa siya. Nakakaasar yon at pagod na pagod ako sa pag-aalaga sa kanya.

"Wala ka bang alam gago ka? O nagpapanggap ka lang?" masungit kong tanong.

Tumabi siya sakin.Umurong naman ako ng konti at niyakap ang unan. Pangiti-ngiti naman ang loko.

Kapag may hang-over ako madali akong mainis o maasar. Kaya mag-iingat ka!

"Guess what? Nagpapanggap o hindi?" hindi parin mawala ang ngiti niya pero alam ko paring nalulungkot siya sa nangyari sa GF niya.

"Tsk! Halata namang nagpapanggap ka. Sh*t! Sa susunod huwag ka ng iinom ng marami. Gago ka pala kapag nalalasing." natawa naman siya ng malakas.Nasisiraan na ata ng bait ito.

Nakangisi naman akong nakatingin sa kanya.

"Ano bang ginawa ko kagabi? Magandang scene ba?" pang-iinis niya, halatang may alam siya. Ganyan talaga siya minsan gago kung mang-asar lalo na broken hearted ito at may hang-over tulad ko.

"Ewan ko sayo! Pwede ba kalimutan na lang natin ang nangyari kagabi?" wala naman sakin ang paghalik niya, naasar lang ako sa pang-iinis niya. Mas gumugulo pa nga lalo sa isip ko si Blaire.

"Ang sarap nga nang labi mo… pero masarap ang sampal mo! Ang ganda ng labi mo…" hinawakan niya pa ang labi ko.

Mukha siyang nag- aakit pero walang effect sakin. Napatingin ako sa mga mata niya. Puno ng lungkot, galit at hinanakit. Pinipilit niyang asarin ako para makalimutan ang sakit na naidulot ng puso niya. Ganito din kasi siya noon ng mamatay ang mommy niya.

Imbes na maasar ako sa mga ginagawa niya, mas lalo akong nagpakita ng lungkot at awa sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Kainis ka naman. Dapat maasar ka o magalit para mabugbog mo ako sa mukha hanggang sa magsawa ka. Hindi ako lalaban… kasi tarantado! Gago! at siraulo ako!!!" galit na galit na turan niya.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon