Chapter 7[Letters of Blaire]

49 4 0
                                    

Letter of Blaire

Vin/Blade POV

Bakit ganito ang nararamdaman ko pagkatapos kong basahin ang sulat ni Blaire?

Naaawa o Naiinis?

Hindi ko lubos maisip na mahal na mahal niya ang babaeng yon. Lahat gagawin niya don kahit buhay niya ang kapalit?

Anong meron sa babaeng yon?

Ang tanga mo Blaire. Bakit ka nag-sacrifice sa kanya? Ganon ba ang nagagawa ng pag-ibig ulit sayo?

Gusto niyong malaman ang sulat ni Blaire?

[FLASHBACK]

Inabot sa akin ni Jeff ang sulat. Nung una nagtaka ako ngunit binuksan ko na rin ito. Wala akong ideya sa sulat.

Mahal kong Creamy<3 (Zamantha Valerie Mendoza),

Sa araw na binabasa mo ito ay siguradong patay na ako. Alam ko may galit ka sa ginawa kong pakikipaghiwalay sayo. Siguro nagtataka ka kung bakit ko ginawa iyon. Kaligtasan mo ang inaalala ko dahil pinagbantaan nila ako na papatayin ka nila kapag hindi ako nakipaghiwalay sayo. Kahit masakit at parang dinurog ang puso ko napilitan akong iwan kang nag-iisa.

Ang dami ko sanang pangarap para sa atin, maipakilala kita sa pamilya ko at sa mga gangmate ko, mabuhay ng matiwasay, magpakasal at magkakaroon ng mga anak. Akala ko tayo na ang forever in life, mali pala ako. Kaya kong itaya ang buhay ko para sayo kahit kamatayan ko ang kapalit para sa kaligtasan mo gagawin ko.

Alam ko darating ang araw magt-train ka nang martial arts at sa iba't ibang aspeto ng pakikipaglaban para sa akin. Ipapakita mo na hindi ka mahina. Dinahilan ko iyon upang hindi ka na saktan ng iba kapag malakas ka na at kaya mo na ang sarili mo kahit wala na ako sa tabi mo.

Tandaan mo mula ng makilala kita, nagkaroon ng liwanag ang madilim kong buhay. Binago mo ang paniniwala ko... na kaya ko palang magmahal ng buong puso. Sayo ko natutunan magmahal muli, magtiwala, ngumiti, kumanta, sumayaw, maging joker, sweet, sumimangot, dumaldal at higit sa lahat maging kuntento sayo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng lubos. Ikaw din ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko. Kahit wala na ko tandaan mo, love na love ka ni ICY mo. Mahal na Mahal kita Zam.

Patawad kung ikaw ay iiwan ko. Patawad din kung nasaktan kita. Ang hiling ko, sana may isang taong magmamahal sayo tulad ng pagmamahal ko. Huwag kang sisimangot, hindi na kita mahahalikan. I Love You CREAMY...

Ang ICY Love mo(Jarvin Blade Scoth)

Pagkatapos kong basahin ang sulat naiyak ako pero kaagad kong pinunasan. Napaka swerte ng babaeng yon. Hindi ko lubos maisip na ang isang Blaire ay magmamahal ulit.

May naisip akong plano, kailangan ko itong gawin upang malaman kung sino talaga ang pumatay kay Blaire.

"I need to go." sabi ko.

"Saan ka pupunta?" – Jeff.

"Sa kanya." sabay talikod ko sa kanila.

[END OF FLASHBACK]

Hinanap ko si Zam sa school. Kailangan ko siyang mahanap ,nakakarinig parin ako ng mga tsismis sa ginawang pagsigaw niya sa akin sa restaurant.

Nakita ko siya. Hinahawakan ng dalawang babae patalikod, ang isa konti na lang mahahalikan na siya nito, feeling ko mga gangster ang mga ito.

"Bitawan niyo siya." seryoso kong utos sa kanila.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon