Chapter 10(Gangfight-Queen Demon)

51 1 0
                                    

Gangfight – Queen Demon

Vin/Blade POV:

Malapit ko nang makuha ang loob ni Zam. Sana talaga hindi siya magtaka na hindi ako si Blaire. Grabe!!! Ang hirap magpanggap na bf niya.

Bukas na ang gangfight sa ibang gangster. Interesado akong malaman kung sino ang Queen Demon na yan. Anong kakaiba sa kanya at takot ang ibang gangster sa kanya?

Marami akong naririnig tungkol sa kanya pero hindi ko pa siya nakikita nang personal.

[HEADQUARTER]

"Blade bakit nabalitaan ko sa mga member natin na gf mo na ulit si Zam. Akala ko ba nagkaayos lang kayo?" pagsugod ni Jeff sa room ko.

"Yeah. Ang nasagap mong balita ay totoo." nginitian ko siya.

"Gf mo ba siya dahil alam niyang ikaw si Blaire at hindi bilang Blade?"

"Ang talino mo talaga. Tama!!!"

"Ano bang balak mo sa kanya? LARUAN??!!!! Na kailangan mo para lang makahanap ng sagot sa pagpatay sa twin brother mo?" tinignan niya ako nang nakakatakot.

"Hindi ko naman ginusto na magpanggap pero wala na akong ibang maisip na paraan." pagsagot ko sa kanya.

"Ginusto mo na nga eh. Kahit makasakit ka ng iba gagawin mo. Ibang klase karin, ang taong mahal pa ng twin brother mo!!!" smirk niya.

"Isang taon na ngunit hindi pa natin nasasagot ang mga tanong sa isip na natin." sabi ko.

"Kaya yan ang naisip mo? Blade, sinugal ng bro mo ang buhay niya para kay Zam. Upang hindi ito masaktan ng kahit sino tapos ikaw lang ang makakasakit sa kanya." may galit sa tono niya.

"Kapag nalaman ko na ang pumatay kay Blaire sasabihin ko rin sa kanya ang totoo, hindi naman ito magtatagal." sabay inom ng lemon juice

"Tsk. Sana ganun kadali ang inisip mo at sana nga tama ang ginagawa mo. Nirerespeto ko ang desisyon mo bilang leader. Once na napahamak si Zam ng dahil sayo, ako ang makakalaban mo!!! Sana hindi mo madaanan ang salitang KARMA." patalim na sabi niya.

Nakikita ko ang pagiging protective niya kay Zam. Lumabas na siya sa room ko. Tinutupad niya ang pangako niya kay Blaire na protektahan ito.

[GANGFIGHT PLACE]

Marami ng gangster ang naririto. Lahat naghihintay sa laban. Sa aking pagkaka-alam, lalaban ang leader na si Queen Demon.

Lahat napapatingin sa akin dahil sa naka-maskara ako ng itim. Maraming gumugulo sa isip nila.

Ako ba talaga ang dating blaire? Sino ba talaga ako? Iyon ang mga nakikita ko sa isip nila.

Nandito na ang Black Wizard Gang & Blue Poison Dragon Gang. Nakikita ko ang konting takot sa mukha ng BWG. Sa BPDG nakikita ko ang tapang sa mga mata nila at pagiging walang takot nila. May kakaiba akong nararamdaman sa kanila.

Naghiyawan ang mga tao sa pagdating ng Deathly Demon Gang.

"WOOAHHH!!! HUMANDA KAYO NANDITO NA ANG QUEEN DEMON."

"Buti lalaban siya ngayon."

"Malay natin malakas na ang mga gang na yan."

Pagkakita ko sa kanila, makikita mo ang pagiging seryoso, tindig ng paglalakad at nakakatakot na tingin.

Maingay parin sa paligid namin.

Sa hindi ko inaasahan, tumingin lahat ng Deathly Demon Gang sa direksyon naming ngunit ang focus nila ng tingin ay sa akin. Tingin na nakakalusaw ngunit natuon ang pansin ko sa isang lalaking kasama nila na seryoso at may kakaiba sa tingin niya na hindi ko ma-explain. Tinanong ko kay Steve kung sino siya.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon