Chapter 21(Old School)

18 1 0
                                    

Vin/ Blade POV:

"Blaire, matalino ka at observer kaya alam mo ang nangyayari."

After kong naihatid si Zam sa condo niya, hindi mawala ang mga salitang yon sa isip ko. Ipinamumukha niyang wala akong alam.

Yeah, I know na hanggang ngayon hindi ko alam ang nagyayari at sino ang gustong bumaril sa amin. Alam ko sa gangster matter, Blaire is smarter than me.

I hate her while she said that way. Nakakainsulto para sa akin yon.

We are really so different as a twin, personality, style, likes, lifestyle and the way of living. Ang gusto ko tahimik na buhay habang nag-aaral at maging isang normal na estudyante. Samantalang siya ang gusto niya may thrill ang buhay niya at mahilig sa pakikipag-away. Blaire, was hard-headed and bossy at the same time. Kapag ginusto niya, ginusto niya.

Kahit siya ang pasaway sa aming tatlong magkakapatid, si Blaire ang pinakagusto ng mga magulang namin. Sobra ang hinagpis nila ng mawala siya. Sobrang nalungkot ang pamilyang Scoth dahil nawala ang pinaka masigla, sweet, mayabang, bossy at mapagmahal.

We had an older sister, si Jarvina Blaira Scoth. Nasa Europe siya dahil isa siyang magazine model. Isa rin siyang professional photographer ng iba't ibang bansa. Mula ng mawala si Blaire naging busy na rin siya. Nagdadamdam rin siya sa pagkawala niya.

Noon, nag-desisyon ang mga magulang namin na paghiwalayin kami ng landas ni Blaire dahil sa ibang-iba ang gusto at mga ugali namin. Pinaghiwalay kami ng school. Pinag-aral si Blaire sa isang school na puno ng gangster na gustong-gusto niya. Nag-aral naman ako sa isang tahimik at malayong school. Halos magkita lang kami kapag uwian na sa bahay tuwing weekend.

Binili na kasi kami ng tig-isang condo malapit sa school na pinapasukan namin. Ganun kami kamahal ng mga magulang namin. Lahat binibigay nila basta maging masaya lang kami. Nakaka-bonding lang kami kapag naglalaro ng basketball. We talk about the happenings in our schools. Close naman kami pero magkaiba lang talaga ang ugali namin. He likes fighting, trouble and holding gun, na ayaw na ayaw kong gawin sa sarili ko. Natawa ako sa naalala ko.

Ang sabi ko noon never akong magiging gangster. Being a gangster is a foolish thing. Pero heto ako ngayon pumalit bilang Blaire. Tsk.

Nagkaroon pa ng time noon na iisa lang ang babaeng minahal namin. He like that girl the way I like her too. Ng malaman naming iisa lang ang babaeng minahal namin, nagalit kami sa isa't isa.

Isa akong seryoso at cold na tao ngunit nakaramdam ako ng kilabot ng magalit siya sa akin. His eyes are so different. Dark and dangerous.

Ngunit hindi nagtagal nalaman naming linoko lang kaming pareho ng babae. Pinag-utusan lang siya para mag-away kami. Ngunit ayaw niyang sabihin kung sino.

Hindi namin siya kinulit, sapat na ang nalaman namin. Pareho kaming nasaktan at nadurog ang puso. Laging umiinom si Blaire noon dahil sa ginawa ng babaeng yon. Nasaktan din ako pero hindi ko ugali ang uminom ng marami.

Halos sabay naming isinumpa ang mga babae, na sila ay manggagamit at manloloko.

Nang malaman kong hindi na madalas uminom at bumalik na siya sa dati noon akala ko nagising na siya sa katotohanan na kahit uminom siya wala ng mangyayari. Yon pala ang time na may minamahal siyang iba. Naglihim siyang nagmahal siya nang isang babae at lihim siyang namatay dahil sa pagmamahal niya sa babaeng iyon.

Paggising ko kaninang umaga dinala ako ng mga paa ko sa dati kong school. Sa isang school na payapa at tahimik. Ewan ko pero bigla ko na lang naisipang pumunta dito.

My Gangster Revenge(Who killed Blaire?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon