Chapter 4: Wrong Plan of the Royalties
[Zoey POV]
"Hindi ko alam kung anong gagawin natin ngayon sa kapatid mong si Zoey, Zyrill. May binabalak siyang hindi maganda. Hahayaan ba natin gawin ang gusto niya sa oras na makaharap niya ang kapatid ni Aicel." Napangisi na lamang ako sa mga pinagsasabi ni Earlyn sa kapatid ko. Tila natatakot sila sa gagawin ko.
Aaminin ko. Hindi ko siya kayang saktan subalit hindi ko kayang mahiga na lamang dito habang ang Airel na 'yun ay gumawa ng hindi maganda sa mundo ng mga tao. Napag-alaman ko sa mga goddesses ang tungkol sa kanya. Sabi nila sa aking panaginip na ginagamit nito ang taglay niyang kapangyarihan sa mundong 'to upang hindi siya saktan ng mga tao na nasa paligid niya. Kaya niya rin' kontrolin ang mga tao kung kaya't marami itong tagasunod. Pero ang lahat ng ito ay kagagawan ni Alisha. Napakasama niya naman. Kinokontrol niya ang mga walang malay na tao gamit lamang ng isang user.
"Zyrill! What if. Gamitan mo ng spell mo si Zoey." muli kong rinig sa labas ng aking silid. Actually, nakahiga parin ako sa aking silid habang nakatingala sa itaas ng kisame.
"Anong spell ang gagamitin ko sa kanya?" rinig kong tanong ni Zyrill kay Marco. Walanghiya gagamitan talaga niya ako. Humanda talaga sila sa akin sa oras na pumasok sila sa kwarto ko.
"Hindi ba't may spell ka para sa mahabang tulog? What if, yan ang gamitin mo?" saad nito. Bwesit ka Marco. "Tama! What if nga yan ang gamitin mo. I'm sure, hindi siya magigising. Habang tulog siya tayo naman ang haharap kay Airel. Para maiwasan ang gulo sa pagitan nilang dalawa." muli nitong sabi na tila masaya pa.
How you dare to do that to me. Sa oras na pumayag ang kapatid ko sa suggestion mo Marco. Tumago kana dahil susunugin kita.
"Sorry Marco. But i can't do that to her." biglang sagot ni Zyrill. Tsk, mabuti naman hindi siya pumayag.
"Hah? Bakit naman Zyrill?" Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkadismaya. Kahit nasa silid ako nakikita ko parin silang lahat. Isa sa kapangyarihan ko yan.
"Kapag ginawa ko kasi yan, madadamay si Zhane. Tiyak akong magagalit siya sa oras na magising ito." paliwanag nito kay Marco.
Mabuti naman at naisip mo si Zhane.
"Ah ganon ba?" wika na lamang nito
"Pasensya na Marco. Gustuhin ko man pero hindi ko magawa. Hindi lang kasi isa ang maapektuhan nito." mahinahon nitong sabi sa kanya
"Okay lang. Magisip na lamang tayo ng ibang paraan para maiwas sa gulo si Zoey." Yan na lamang ang naisagot nito.
Mabuti pa't maligo na upang sa ganon makahanda na ako.
Tatayo na sana ako ng biglang may sumingit sa paguusap nila Zyrill na ikinagulat ko.
"Okay lang na gawin mo yan ate Zyrill. Gawin mo na ang spell na sinasabi ni Marco." rinig kong sabi ni Zhane. What the! Kahit siya pumapayag sa suggest ni Marco.
Napatayo ako bigla at lumabas ng kwarto.
Naglakad ako pababa ng hagdan at sakto nandoon silang lahat kaya naman bigla ko na lang nailabas ang fire ball at itinapon malapit sa pwesto ni Marco kaya naman bigla silang nagulat sa ginawa ko.
Napatayo ang iba at tiningnan ako ng matalim kaya naman tiningnan ko din sila ng nakakatakot. "Sa oras na gawin ninyo ang plano na yan, sisiguraduhin kong tatamaan na kayo." Pagbabanta ko sa kanila kaya naman bigla silang natakot lalo na si Marco.
"Z-zoey, w-what do you m-mean?" utal-utal na tanong ni Felicia
Nilingon ko siya at pinakalma ang sarili. "Pagsabihan niyo nga yan si Marco. Kung mag suggest ng plano para hindi ako makasama sainyo pagpunta sa bahay nila Airel." wika ko kaya naman tiningnan nila si Marco na ngayon naka yuko na.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 3: The Triple Effect (Slow-Update)
FantasyPanibagong yugto at kabanata na naman ang inyong masisilayan sa loob ng akademya. Panibagong tauhan ang magpapakilala. Panibagong pagkakaibigan ang muling masisilayan at panibagong pagsasamahan ang mabubuo. Dahil sa. Panibagong kaganapan na mangyaya...