Chapter 6: Zoey's Anger
[Zoey POV]
Hindi ko parin makalimutan ang mga iniwang kataga ng Queen Ashley na 'yun. Bakas parin sa aking isipan ang mga sinabi nito. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang kanyang mga sinabi. Totoo ba talagang hindi ako anak ni Queen Axiese? Pero bakit hindi ko maramdaman na isa akong peke. Mahal ako ng aming ina kaya paano nasa ng Queen Ashley ang mga katagang 'yun na batid ko alam nya na hindi ko paniniwalaan basta-basta, lalo na't wala siyang proyeba na pwedeng magpatunay nito.
Nandito ako ngayon sa loob ng mansyon. Pagkatapos kasi ng makaharap ko ang Queen Ashley na 'yun agad akong umalis. Hindi naman niya ako pinigilan bagkus siya pa mismo ang nagpalabas sakin.
"Royalties!" rinig kong tawag ni Yuna sa mga kasamahan namin. Pero hindi ko parin sila nilingon bagkus tinitigan ko lang ang napakagandang langit, sinasamahan pa ng malakas na hangin na dumadampi sa aking buong katawan. Alam kung napapansin na nila na meron akong mabigat na problema dahil sa mga kilos ko na hindi ko naman talaga nagagawa.
"Let me guess Yuna. Itatanong mo kami kung anong nangyayari kay Zoey?" rinig kong sabi ni Akina. Kahit malayo sila rinig ko parin ang kanilang pinag-uusapan, malakas ang pandinig ko, isa din kasi sa powers ko.
"Hmm. Simula ng makaalis tayo sa mansion na 'yun, may kakaiba na talaga sa kanya. Pero hindi ko malaman kung ano, kasi pareho naman tayong pinalaya ng isa sa mga tauhan ng mansion." wika naman ni Blake na tila may nararamdaman na mali sa akin.
Sa totoo may mali nga sakin. Hindi ko magawang kumilos ng tama. Parati ko kasing naiisip ang mga sinabi ng babaeng 'yun sakin. Hindi maalis-alis sa isipan ko.
"Hindi kaya, hindi siya si Zoey?" Bigla akong napakunot noo sa sinabi ng isa sa kanila. Hindi ba nila napapansin na nakikinig ako sa pinag-uusapan nilang lahat.
"Baliw! Anong ibig mong sabihin na hindi siya si Zoey." wika ni Knight. "Umayos ka Hanz, baka nakakalimutan mo na naririnig niya tayo." dugtong pa nito sa sinabi.
Napatakip na lamang ng bibig si Hanz, dahil siguro nakalimutan niya na isa sa kapangyarihan ko ang makinig sa usapan kahit malayo pa ito.
"Hehehe, hindi naman kayo mabiro. Ang ibig kong sabihin, hindi siya si Zoey na kilala natin. Para bang nagbago bigla anh mood niya, kasi alam niyo na. Dati panay tingin siya sa atin ng matalim pero ngayon, nakatitig sa langit na hindi ko alam kung anong nagustuhan niya." sabi nito habang nakapeace sign.
I smirked. "Can you please, stop talking about me. Kung gusto niyo magusap wag ninyo akong isasali. Nakakabad mood kayo ng araw." Tumayo ako at umalis na doon, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila. May problema na nga akong iniisip, tapos dadagdagan pa nila.
"Kayo kasi, nagalit tuloy." wika ni Akina. Kahit nasa loob na ako naririnig ko parin sila kaya naman napangisi ako. I'm sure, pag-uusapan nila ako ngayon dahil wala na ako malapit sa kanila. Tsk, kung ako sa kanila wag na nilang ituloy baka makakita ulit sila ng kutsilyo na lumilipad patungo sa kanilang pwesto.
Nandito ako ngayon sa sala. Umupo ako ng maayos at pumikit. Susubukan kong mahanap si Queen Ashley gamit ang aking kapangyarihan. Gusto kong malaman kung anong ginagawa niya, siguro naman hindi nito malalaman na kaya kong gawin hanapin siya.
Kahit hinahanap ko si Queen Ashley, naririnig ko parin ang mga royalties.
"Zyrill, tulog ba si Zoey?" rinig kong tanong ni Earlyn habang papalapit sa pwesto ko. Hindi ko sila pinansin bagkus itinuon ko ang paghahanap kay Queen Ashley.
"No, she's using her power to find a person." Bigla akong napamulat dahil sa sinagot ng kapatid ko kay Earlyn. Kung gayon alam niya na meron akong tinataglay na kapangyarihan na'to.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 3: The Triple Effect (Slow-Update)
FantasyPanibagong yugto at kabanata na naman ang inyong masisilayan sa loob ng akademya. Panibagong tauhan ang magpapakilala. Panibagong pagkakaibigan ang muling masisilayan at panibagong pagsasamahan ang mabubuo. Dahil sa. Panibagong kaganapan na mangyaya...