Chapter 7: Memory Manipulator
[Zyrill Mae POV]
Ma-aga kaming nagising, dahil sa isang ingay na aming narinig sa labas ng bahay. Nang tingnan naman namin wala naman kaming nakitang tao na maaaring pumasok sa loob. Lubos akong nagtataka kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, tila ba may masamang mangyayari sa amin.
"What the f*ck!!" Isang malutong na mura ng katabi ko dito sa sala kaya naman tinapunan ko siya ng masamang tingin. Siguro naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya kaya naman agad siyang lumingon sa gawi ko at sabay peace sign.
"S-sorry b-babe." utal nitong sabi habang naka peace sign.
I smirked at him. "Sa susunod kung balak mong magmura, 'wag sa tabi ko dahil bigla akong nagagalit." walang emosyon kong sabi sa kanya kaya naman agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Hindi ko naman talaga kasi gusto magmura, kasalanan ng drama na pinapanood ngayon nila Daryl." Pagsusumbong nito sakin na akala mo parang bata, kung makayakap sobrang higpit at isinisi pa talaga sa pinapanood niya.
"Huwag mo ngang sisihin ang pinapanood mo. Sadyang hindi mo lang talaga kayang pigilan ang hindi pagmura, I'm right Knight Pendleton." Sabi ko ulit sa kanya sabay ngisi ng nakakatakot kaya naman agad siyang kinabahan. Bigla kasing nanginig ang kamay niya dahil sa inakto ko. Mabuti nga sa kanya, he deserve that.
"Baka naman mawalan ng malay ang asawa mo kapag pinagpatuloy mo pa ang pananakot sa kanya gamit ang mga matatalim mong tingin." Biglang sabi ng bagong dati. Hindi ko akalain na susulpot siya ngayong araw. Akala ko buong araw na lamang siya magkukulong sa kanyang kwarto.
Naglakad siya palapit sa 'min kaya naman nagsitinginan ang lahat ng mga royalties. May kakaiba sa kanyang awra, hindi siya ang klaseng tao na bigla na lamang babago ang awra. Kahapon nga nandidilim ang awra nito dahil sa hindi malaman na dahilan.
Bigla kong kinuha ang kape na nasa table sabay inom. " Parang masaya ka yata ngayon Zoey." walang emosyon kong bati sa kanya kaya naman ngumiti siya ng matamis. Kaya naman lahat kami nagulat sa ginawa niya. Hindi niya ginagawa ang ngumiti ng ganyan. Oh my! Anong nangyayari sa kapatid namin, hindi si Zoey ang kaharap namin. Ibang Zoey yata 'to kasi naman hindi niya talaga magagawang ngumiti ng matamis. Kadalasan walang emosyon ang ginagawa niya, hindi siya kailanman ngumingiti ng ganito.
"Sandali! May problema ba?" Bigla nitong tanong sa amin kaya naman agad kaming napalingon sa kanya. Siguro nahalata na niya na may mali.
"Ahm, w-wala naman." utal kong sabi.
"Okay, pero bakit ganiyan na lamang mga reaksyon ninyo? Parang nakakita kayo ng multo." Saad nito na ikinabahala ko. Lagot, kapag sinabi namin ang totoo baka umiba ulit ang awra niya.
"Kasi naman Zoey, bakit ka ngumingiti ng ganyan. Hindi sayo bagay, akala tuloy namin hindi ka si Zoey." bigla akong napalingon sa nagsalita. What the!! Han'z bakit mo sinabi ang mga yan. Tiningnan ko naman ang ibang royalties, base on their reaction, kita ko ang kaba dahil sa sinabi ni Han'z.
Bigla naglakad si Zoey palapit sa bintana ng sala. Tumingin siya sa labas, na tila may kakaiba sa kanya. Pakiramdam ko talaga na meron' mali, pero ano?
"Zoey! 'Wag mong pansinin ang sinabi ni Han'z. Alam mo naman na baliw ang lalakin' yan." Sabi ko sa kanya na ikinalingon sakin ni Han'z at tiningnan ako ng nagtatanong kung bakit ko sinabi ang mga 'yun. Kaya naman agad ko siyang tiningnan ng matalim at doon napayuko na lamang siya.
"Hindi naman 'yun ang iniisip ko." panimula nito na ikinabahala ko lalo. "I just want to have a peaceful life today. Gusto kong maging normal na tao muna ngayon dahil sa oras na makabalik tayo sa Academy, hindi ko na muli magagawa 'to." Dugtong pa nito kaya naman nagkatinginan kaming mga royalties sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Royal Academy Book 3: The Triple Effect (Slow-Update)
FantasyPanibagong yugto at kabanata na naman ang inyong masisilayan sa loob ng akademya. Panibagong tauhan ang magpapakilala. Panibagong pagkakaibigan ang muling masisilayan at panibagong pagsasamahan ang mabubuo. Dahil sa. Panibagong kaganapan na mangyaya...