Chapter 5: Queen Axiese Twin Sister?

47 4 7
                                    

Chapter 5: Queen Axiese Twin Sister?

[Zoey POV]

I don't trust them.

Mas lalo nila akong ginalit. Hindi ba nila alam ang pwede kong maramdaman dahil sa ginawa nila.

"Zoey! Calm down! Wala ka sa bahay ninyo." Biglang sulpot ng isa kong guardian. Kaya naman sinunod ko siya.

Nandito na ako sa labas ng bahay na kung saan nasa loob ang hinahanap ko. Ang kapatid ni Aicel na si Airel.

Nagteleport ako sa patungo sa itaas ng puno dahil naramdaman ko ang presensya ng mga kapatid ko. "Tsk, ang bilis naman nilang mahanap ang bahay na 'to."

"Do you think. Zoey is here?" rinig kong tanong ni Zhane sa mga kasamahan nito

Parang may kulang. Nasaan ni Marco at Akina? Bakit wala ang magkapatid na 'yun. Don't tell me takot sila sa akin.

"Tila malakas ang nasa loob ng bahay na yan." Singit ni Zyril sa kanila sabay turo sa malaking mansyon.

"Bakit kasi hindi natin isinama sila Marco at Akina. Edi, wala sana tayong problema sa oras na mapaaway tayo." Wika naman ni Han'z

"Hindi maaari. Alam naman ninyo na galit si Zoey sa kaniya." wika naman ni Zyra

Pinakinggan ko lang sila mula dito sa itaas ng puno. Hindi naman nila ako ka agad makikita dahil itinago ko ang presensya ko.

"Eh, bakit isinama natin si Knight. Hindi ba sa kanya may galit si Zoey." saad naman ni Yuna na kanina pa linga-linga sa paligid.

"Nasa loob na kaya si Zoey?" Biglang tanong ni Knight. Wow! Nagawa niya pang itanong ako. Dapat kinakabahan na siya dahil hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sakin kanina.

"Hindi ko alam. Walang presensya akong nararamdam." sagot naman ni Zyril sa asawa niya.

Napataas kilay na lamang ako.

Mabuti pa gumawa ako ng isang clone para magpanggap bilang ako. Sa oras na makapasok na sila sa loob ako naman kikilos ng patago para malaman kung anong klaseng presensya ang bumabalot sa mansyon na ito. "TROCOS!" pagtawag ko sa isang clone. Pero sa isapan ko lang dahil tiyak akong maririnig nila ang boses ko. Lalo na't nasa ibaba lang sila ng puno na pinagtataguan ko.

"Lumabas kana." Utos ko sa ginawa kong clone. "Magpanggap ka na galit, lalo na kay Knight." muli kong sabi sa kanya kaya naman tumango ito bilang sagot. Nagteleport ito malayo-layo sa kung nasaan kami ngayon. Mabuti naman dahil kung tatalon siya sa harapan nila, buking na ako.

"Hindi ko alam na nandito na pala kayo." Malamig na turan nito sa grupo nila Zyrill.

Good job! Ang galing mo talagang umarte. Ikaw ang pinakagusto ko sa lahat ng clone na meron ako. Sa lahat ng clone na meron ako siya lang ang nakakagaya ng tunay kong pagkato lalo na ang mga ugali ko.

"Z-zoey!" utal na sabi ni Knight

"Kung ganon huli kang dumating." wika naman ni Zyrill sa kanya.

Tahimik lamang ang clone na ako. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ng kapatid ko. Naglakad na lamang ito papasok ng bahay. Kaya naman gulat na gulat silang lahat.

Agad kong ginamit ang telepathy at kinausap ang clone ko. "Pumasok kana sa loob, alamin mo kung gaano kalakas ang nasa loob ng mansyon na yan." Utos ko sa kaniya kaya naman naglakad na ito papasok.

Habang papasok namana ng clone ko. Ang mga royalties naman ay hindi parin makapaniwala sa ginawa nito. Bagkus, nakatulala parin sila habang malapit ng makapasok ang clone ko sa loob.

Royal Academy Book 3: The Triple Effect (Slow-Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon