Chapter 3: Alisha the DISTROYER

129 25 3
                                    

Chapter 3: Erina the DISTROYER

[Zoey POV]

"What!?" Gulat nilang sabi

"She's my sister, but hindi kami close." wika nito

Sabi ko na nga ba, tama ang aking hinala, may kaugnayan siya sa aming kaaway.

"Pero paano?."

"It's a long story, ang masasabi ko lang, magiingat kayo sa kan'ya. Delikado ang  kapangyarihan na tinataglay nito." Babala nito sa'min

"Ano ang kaniyang pangalan?" Biglang tanong ni Zyrill na ikinalingon ko sa kanya. Parang may kakaibang iniisip ang kapatid ko. Ano naman kaya?

"Alisha." walang gana nitong sagot.

Sa lahat ng nakilala kong may kapatid, siya lang ang hindi magawang makasama ito. Nakakatakot ba talaga ang kapatid niya. At ano 'yung sinabi nito na kakaiba ang kapangyarihan na meron siya maliban sa'min. Meron pa ba n'un? Ang akala ko na kay Zyrill na ang lahat ng iba't-ibang kapangyarihan.

"Felicia, Maaari ba naming malaman kung saan namin siya matatagpuan. Kung alam mo lang naman." tanong ko

"Wala siya dito, nasa mundo natin." mahina nitong sabi

"Kung gayon, saan siya nagtatago?"  muli kong tanong na ikinatataka ng mga kasama ko.

"Sa Red Kingdom. Matagal na siyang nakabalik." sagot nito na sa palagay ko'y kinakabahan ito.

"Kung matagal na siyang nandoon, bakit hindi parin siya kumikilos?." biglang tanong ni Knight.

Tama si Knight, bakit nga ba hindi pa ito kumikilos. Kung totoo ngang malakas siya dapat matagal na nyang inumpisahan ang paglusob sa kaharian.

"Dahil sa akin." sagot nito na ikinalingon namin sa kanya.

"Dahil sayo?." tanong ko habang nakakunot noo.

"Oo Zoey, dahil sakin. Hindi siya kikilos hangga't hindi niya ako nakikita." muli nitong sabi na ikinataka ko naman.

"Pero bakit?" Tanong ng lahat sa kaniya

Bigla na lamang akong napa-isip. Anong kailangan ni Alisha sa kanya.

"Dahil nais niyang makuha niya muna ako bago siya lulusob sainyo."

"Bakit nais ka niyang makuha?." tanong ko sa kanya. Nais kong malaman ang tunay na dahilan bagkus alam kung alam niya kung paano mapipigilan ang kanyang kapatid sa mga binabalak nito.

"Dahil gusto niyong kunin ang aking kapangyarihan, upang sa ganun lalo siyang lumakas. Kapag nakuha niya ang aking tinataglay na kapangyarihan tiyak na matatalo niya kayo." Tumayo ito bigla at napatingin sa labas ng bintana.

Sinundan siya ni Zyrill.

"Kaya ba hindi ka bumabalik sa ating mundo?" tanong ni Zyrill rito

"Oo Zyrill. Dahil isang galaw ko lang ng aking kapangyarihan matatagpuan niya agad ako." Hindi ko mawari ang kanyang reaksyon. Pero isa lang ang naiintindihan ko, takot.

"Felicia!" tawag ko sa kaniyang pangalan. Kaya naman napalingon ito sa'kin.

"Wag kayong mag-alala darating din ang araw na babalik din ako sa akademya. Kailangan ko lang muna makapag-isip kung paano ko mapipigilan ang aking kapatid." mahinahon nitong sabi

"May tanong lang ako." biglang sulpot ni Aicel

Saan ba galing ang babaeng ito. Bigla na lang nawawala at bigla na lang susulpot na hindi mo inaasahan.

"Ano iyon Aicel?"

"May galit ba sayo si Alisha?" Tanong nito na ikinatahimik niya

Naglakad siya palapit sa bintana, at tumingin muli ito sa labas.

Royal Academy Book 3: The Triple Effect (Slow-Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon