2

1 0 0
                                    

ZEHRA AMANDA GOU


Napatigil ako sa paghigop ng gatas ko ng makita ang mukha ni Tito Aaron at Tita Zia sa TV. Mga parents ni Aarzu.

"Muntik na po kaming matumbahan nung pader sa room. " Umiiyak si Tita Zia sa TV.

"Mommy! Daddy! Tita Zia sa TV!" Anunsiyo ko kaya dali dali silang lumapit.

"Ligtas naman po ang family Fuevos, sa kasamaang palad ay tatlong tao ang patuloy paring pinaghahanap ng mga awtoridad matapos matakpan ng gumuhong lupa. "
Inikot ulit ang camera paikot sa school kung saan nagmedical mission ang family ni Aarzu.

Napatingin ako kay Daddy at Mommy ng tumawa sila. Baliw.

"Landslide ba talaga? Naku' pakulo nila." Tumalikod na si Daddy pagkasabi noon, sumunod naman si Mommy.

Hindi ko maintindihan ang sinabi nya, totoo namang landslide 'yon dahil napapadalas ang pag lindol.

Napatingin ako kay Skighler na nanatiling nakatingin sa TV.

"Mag asawa ang nawawala at isa nilang anak na lalaki, narito ang isa nilang anak na naiwan. " Hinarap ang camera doon sa batang babae na mukhang matanda lang sakin ng isang taon, nakayakap sa kanya ang isa pang batang lalaki na mukhang kaedad naman ni Akhiro.
Magkaibigan ata sila.
Naawa tuloy ako bigla doon sa batang babae, hindi pa nahahanap ang parents at kuya nya.

Nahagip rin ng camera si Aarzu at ang kapatid nyang si Aavya. Nandoon rin si Claire na anak ng doctor na kaibigan ni Tito Aaron. Pamilya ata nya 'yong nagmedical mission.

Bumalik ang tingin ko kay Skighler na ngayon ay nakakunot na ang noo, hindi nya inaalis ang tingin nya sa TV.

Hindi ko nalang 'yon pinansin at pinagpatuloy ang pag inom ko ng gatas.

"Aalis muna kami okay? Kakausapin lang namin sila Aaron. Baka magtagal kami roon." Saad nya.

Kapag may importante silang pinag uusapan hindi sila sa bahay nila Tito Aaron nag uusap, sa ibang lugar at hindi ko alam kung saan.

Lumapit sila sa akin at hinalikan ako sa noo, ganoon rin sana ang gagawin nila kay Skighler pero umiwas sya.
Napabuntong hininga si Daddy.

"Take care of your sister Kayler." Nahiya tuloy ako sa sinabi ni Dad. Parang nagmukha pa akong obligasyon ni Skighler.

"Tsk." Iyon lang ang sagot nya bago pumunta ng kusina.
Ngumiti lang ako kila Mommy at Daddy bago sila hinatid hanggang sa kotse nila.

"What a good girl." Ginulo ni Mommy ang buhok ko.

"Take care of kuya, ha." Paalala ni Daddy na tinanguan ko naman.

"Wag sasagot sa kanya." Paalala rin ni Mommy.

Umalis na sila pagkatapos nun.
See? My parents love him. Bakit galit sya samin?

Lumingon ako at nakita syang nakasilip sa bintana pero agad rin syang lumayo at nanood nalang ng TV.







Kinabukasan hindi parin umuuwi sila Mommy, napabangon ako ng makarinig ng ingay mula sa baba.

Kahit naka pajama at gulo gulo pa ang buhok ay bumaba ako para silipin 'yon.

Bumungad sa akin si Skighler kasama ang dalawa nyang kaibigang babae.
Bestfriend na sila ni Skighler simula noon.

Friendly naman kasi talaga sya sa school, sakin lang naman hindi.

Nagningning ang mata ko ng makita ang dalawang karton ng donuts.

Bumaba ako at mabilis na kumuha ng isa pero pinalo ni Skighler ang kamay ko.

"Respeto Zehra." Napayuko ako sa hiya.
Bakit ba bigla nalang akong kumuha? Para sa mga kaibigan nya 'yon.

Malapit na akong umiyak ng marinig ko ang buntong hininga ni Skighler.

"Oh. Dun kana sa kwarto mo." Inabot nya sa 'kin ang isang karton kaya umatras ang luha ko at pinipigilan ang sariling yakapin sya.

"Thank you!" Tinaggap ko 'yon bago dali daling umakyat narinig ko pa ang sinabi nung isa nyang kaibigan na Ayumi ata ang pangalan.

"Hindi nya matiis."

Hindi ko na 'yon pinansin, dali dali akong pumasok sa kwarto ko para lantakan ng kain ang donuts.

Yum yum.

Kinuha ko ang DVD player ko bago naglagay ng Barbie na CD doon at pinanood ito habang kumakain.

Nasa kalahati na ako ng movie ng may kumatok sa kwarto ko, tumayo ako at binuksan 'yon.

Nang makita ko ang mukha nya ay agad ko syang niyakap.

"I miss you!" Masayang saad ko kay Akhiro na mahinang tumawa bago sinara ang pinto pero hindi nya nilock.

"Bat andito ka? Ayaw mo bang lumabas?" Taka nyang tanong.

"Andun 'yong mga kaibigan ni Skighler." Nangunot ang noo nya.

"Ah, si Sheena at Ayumi." Tumango tango naman ako.

"Kamusta si Aarzu, Aavya at yung kaibigan nilang si Claire?" Umupo sya sa kama ko kaya tumabi ako sa kanya.

"Si Claire katulad parin ng dati, sakit sa ulo ng mga magulang nya, mukhang wala lang naman sa kanya yung trahedya. Si Vya naman nag aalala lang para sa kuya nya. " Tumango tango ako.

"At si Aarzu, hindi okay. Lagi naman." Napangiti ako dahil sinagot talaga ni Akhiro lahat ng tanong ko.

"Cute." Ginulo nya ang buhok ko bago sya may kinuha sa bulsa nya.

"Oh." Inabot nya sa akin 'yon.

"Cellphone?" Takang tanong ko.

May cellphone si Skighler at ako nalang ang wala, okay naman kina Daddy pero ayoko lang talaga dahil masyado pa akong bata.

"Number ko lang ang naka phonebook dyan at number mo lang din dito." Iwinagayway nya ang phone nya na kapareho ng sa akin.

"Ha? Bakit? Para saan?" Sandali syang natahimik.

"Kasi Amanda, lilipat na kami ng school. Hindi na sa Gou School." Napangiwi ako.

"Bakit ayaw mo na ba sa school namin?" Hindi ko mapigilang malungkot.

Kami ang may ari ng Gou School para sa elementary, Gou High naman sa highschool katabi lang rin ng Gou University na para naman sa college.

"Hindi naman sa ganoon pero masyado kasing malayo, kailangan kasing bantayan si Aarzu kaya lumipat kami sa mas malapit. Two years lang naman! Sa Gou High parin ako mag ha-highschool. "
Gusto kong magtampo sa kanya pero alam kong hindi nya rin 'yon gusto.

Bakit kaya kailangang bantay sarado si Aarzu?

"Sige na nga! Basta you'll call me always ha! " Magkikita parin naman kami every weekends tsaka duh! Magkapitbahay lang kami.
Ang OA ko pala makareact.

Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas 'yon.
Iniluwa noon si Skighler kaya mabilis kong itinago ang phone ko sa likod.

NYCTOPHILIAWhere stories live. Discover now