ZEHRA AMANDA GOU
Excited na medyo kinakabahan ako ngayong araw, first day of class pero hindi ko kasama si Akhiro.
Kinuha ko ang phone ko ng tumunog iyon.
From: Akhiro
goodluck sa first day Amanda!To:Akhiro
ikaw rin Kiro!Papatayin ko na sana ang phone ko ng aksidente kong mapindot ang contacts.
Kumunot ang noo ko ng mabasa ang pangalang 'Skighler'.
Nilagay nya pala ang number nya dito? Bat hindi ko matandaan.Hindi ko nalang 'yon pinansin at bumaba na para kumain.
As usual hindi ko nanaman naabutan sila Mommy.Nakita ko si Skighler na kumakain na rin kaya mabilis akong tumabi sa kanya.
"Kinakabahan ka?" Usisa ko kahit alam ko namang hindi nya ako sasagutin.
"Bilisan mong kumain." Iyon lang ang sinagot nya bago tumayo kaya binilisan ko nalang rin kumain.
Malayo yung school namin at kailangan pang magpahatid sa driver, kaya nga siguro lumipat sila Akhiro sa mas malapit.
Napatingin ako sa school nila ng madaanan namin.
Witara School.Pagmamay ari daw 'yon ng artista.
Nag kibit balikat nalang ako.
Pano kung maraming anak ng artista doon? Magkakaroon ng bagong kaibigan si Akhiro?Narating namin ang school kaya mabilis akong bumaba. Hindi ako palakaibigan katulad ni Skighler na lahat ata ng nakakasalubong namin ay kilala nya. Wala rin namang bumubully sakin dito at sila pa nga ang takot sakin dahil kami ang may ari ng school.
Gusto ko mang makipagkaibigan sa kanila pero hindi ko alam kung paano, ayoko rin namang palitan si Akhiro as my bestfriend.
"San ka pupunta? Dito na yung room?" Napalingon ako kay Skighler na tumigil sa isang room, pumasok sya kaya dali dali akong sumunod.
"Kay!" Kumaway kaagad iyong kaibigan ni Skighler na si Ayumi.
Maganda sya pero masyado pa syang bata para maglagay ng mga make ups.
Yung si Sheena naman ay mukhang matalino, sa libro lang lagi sya nakatingin.Umupo si Skighler sa pinakaharap, nasa gitna sya ni Ayumi at Sheena, tatlo tatlo kasi ang upuan.
Kaya umupo nalang ako sa likod nila."Bro!" Napaigtad ako sa gulat ng may bigla nalang umupo sa magkabilang gilid ko.
"Kiyo! Adler!" Nagfist bump sila ni Skighler, wala namang pakialam si Sheena at Ayumi mukhang hindi nila kaibigan 'tong dalawang katabi ko.
Andami talagang circle of friends ni Kayler."Hi, pwede bang umupo rito?" Tanong ni Kiyo kahit kanina pa sya nakaupo roon at nakalagay na rin ang backpack nya sa likod ng upuan.
"Nagtanong ka pa." Inabot ni Adler si Kiyo at binatukan.
"Umayos nga kayo dyan! Baka gusto nyong palipatin ko kayo ng upuan." Nilingon sila ni Skighler.
"Eto na nga tatahimik na." Napatingin ako kay Kiyo ng kunin nya ang lunchbox nya.
"Dapat lang! Ako ang nagpa upo sa inyo dyan, ako rin ang magpapa alis." Dugtong pa ni Skighler.
Pinaupo nya si Kiyo at Adler dito? Bakit?"Gusto mo?" Alok ni Kiyo sa 'kin.
"Ah, no thanks." Nahihiya kong sagot. Mukha rin kasing kulang pa sa kanya 'yon.
"Diba close kayo ni Akhiro? Pakibatukan nga sya para sakin, bat sya lumipat ng school." Itinago nya na ang lunchbox nya pagkatapos kumain.
Ang bilis nya kumain."Sige." Sagot ko, gusto ko rin namang batukan si Akhiro.
Napatingin kami sa pinto ng pumasok si Claire, wala pa ang teacher namin.
"Hi good morning grade 3 section A." Ngumiti sya kaya nag greet din sa kanya ang iba pang student.
"I am Claire Ramirez, I'm the former Supreme Pupil Government's Vice President and now I'm running for the position of President, baka may gusto sa inyong magfile ng candidacy, you can come to me. Open pa lahat ng positions, thank you." Umalis na sya pagkatapos nun.
Bilib rin ako sa kanya dahil kahit grade 4 palang sya, gusto nya na agad maging president. Pero sabagay sya ang former vice president noong grade 3 palang sya at president naman si Akhiro noong grade 4 pa.
"Ano pre takbo tayo?" Sabi ni Kiyo.
"Tumakbo kana dun sa ground." Sagot naman ni Adler sa kanya.
"Edi wow."
Napaisip tuloy ako kung tatakbo ba bilang SPG officer. Pero kapag natalo ako, sure akong iiyakan ko 'yon at masasaktan lang ako kaya wag nalang.
Dumating na ang teacher namin, pinagintroduce nya kami pagkatapos ay nagpagawa sya ng activity.
Napatingin ako kay Kiyo ng maglabas sya ng coloring materials, ganoon rin si Adler.
They're into arts pala.
Hindi ko alam kung anong pinagdodrawing ko samantalang yung dalawa kong katabi ay hindi na nagsasalita at todo effort sa ginagawa nila.
Magaling pala silang magdrawing katulad ni Akhiro at Aarzu. Si Skighler lang ata sa kanilang lima ang hindi marunong.
Pinasa na namin ang drawing namin bago nag recess.
Umalis si Kiyo, Adler at Skighler. Malamang ay mangbuburaot nanaman sila ng pagkain sa ibang mga estudyante. Mga bully."Gusto mo?" Alok ni Sheena na inilingan ko naman.
Kinuha ko ang phone ko ng tumunog iyon.
From: Akhiro
It's recess time already, don't forget to eat ha!May mga kiss na emoji pa 'yon.
Kinalabit ko si Sheena kaya lumingon sya sakin."Pahingi." Ngumiti sya bago ako binigyan ng lemon square na cheesecake.
To: Akhiro
Kumakain ako, ikaw rin!Math na ang next subject namin kaya medyo kinakabahan ako, ayoko talaga ng math!
"Are you class familiar with division?" Division? ngayon ko lang narinig 'yon.
"Yes, Sheena? Any idea?" Nagtaas ng kamay si Sheena.
"It's about dividing Ma'am." Tumango tango si Ma'am.
"Yes it is, meron ba sa inyong marunong na mag divide?" Minsan na akong tinuruan ni Akhiro pero nakalimutan ko na.
"Ma'am ako!" Napatingin ako kay Adler.
"On the board Adler." Taas noo syang naglakad papunta roon.
"I need three representatives." Napatingin ako kay Sheena ng magtaas rin sya ng kamay.
"On the board Sheena." Nagkasalubong ang tingin namin ni Ma'am kaya agad akong umiwas.
"Me!" Nagtaas ng kamay si Skighler.
Thank god.Binigyan sila ni Ma'am ng mga isosolve at halos sabay sabay silang natapos.
Napanganga ako sa kanila.
Meron talagang mga taong gifted sa lahat ng bagay."Basic." Saad pa ni Adler pagkaupo nya.
"Palibhasa may tutor ka." Pairap na saad ni Kiyo.
"Matalino lang talaga ako."
Pagyayabang nya.