5

0 0 0
                                    

ZEHRA AMANDA GOU

"Try mo." Nakangiti sakin si Akhiro at pilit akong kinukumbinsi na mag file ng candidacy.
Andito kasi sya sa bahay namin pagkauwi nya galing sa school.
Bukas ang last day ng pagpafile dahil mag iikot na next week.

"Hindi naman kasi ako katulad mo, sikat." Marami kasing may gusto sa kanya tsaka deserving din naman sya kaya sya nanalo as president.
Tumakbo nga rin sya as president sa Witara School kahit newbie pa sya.

"Wala kasi akong confidence katulad ng sayo." Tumawa sya bago ginulo ang buhok ko.

"Kaya mo yan promise! Ikaw pa. "

Dahil sa pangungumbinsi nya ay eto ako at nagpifill up ng certificate of candidacy sa harap ni Claire.

Maaga talaga akong pumasok at pumunta kaagad sa room ng grade 4.

Hindi naman sikat yung president ng kabilang partido kaya kahit hindi kami gaanong close ni Claire ay sa partido nya ako.

"Panalo kana." Saad nya ng ibalik ko ang papel.

"Ha?" Tumawa naman sya.

"Wala, sabi ko agahan mo next week ha." Tumango ako bago tumalikod.

Secretary ang pinili kong position.

Pagbalik ko sa room ay wala pang gaanong tao. Si Skighler palang at 'yong dalawa nyang kaibigang babae.

"Uy! Zehra? Tumakbo ka pala?" Napalingon ako kay Adler.

Tumakbo ako?naglakad lang naman ako papunta dito.

"Ha?"

"Tumakbo ka as secretary, nakita ko yung pangalan mo dun. Tumakbo din kasi ako as vice president." Proud nyang sabi.

Napatingin ako kay Skighler na nakatingin rin sakin.

"Hi guys! Alam nyo bang tumakbo ako bilang treasurer, mayaman kasi ako." Proud na saad ni Kiyo.

Napatingin kami kay Skighler ng bigla nalang syang lumabas ng room. Dahil sa curiosity ay sinundan ko sya.
Papunta sya sa room ng grade 4.

"Tatakbo ako bilang grade three representative." Iyon kaagad ang sinabi nya kay Claire pagkapasok. Nakasilip lang ako sa bintana.

"Woah? Kay, akala ko ba you're not into this?" Nakangising tanong ni Claire. Alam ko namang close sila dahil nga friendly si Skighler.

"Pano kung may gagawin kayo at abutan kayo ng gabi? Wala kayong kasamang matapang." Saad nya bago pinakita ang muscle nya. Akala mo naman meron.

"Sabihin mo overprotective ka lang kay—" hindi natapos ang sasabihin ni Claire dahil tinakpan ni Skighler ng bondpaper ang mukha nya.

"O ayan na! Dapat manalo ako ha." Noong akmang tatalikod na sya ay inunahan ko sya at mabilis na bumalik sa room bago umupo sa pwesto ko na parang walang nangyari.

Ayaw ni Skighler sa ganto, ayaw nya ng sakit sa ulo. Pero bat sya tatakbo?







Monday na at nagsimula na kaming magikot para mangumbinsi ng mga estudyante na iboto kami.
Excuse din kami sa klase kaya halos wala na akong matutunan.
Hindi naman kasi ako katulad ng mga kasama ko rito na kahit excuse sila 'e matalino na sila.

"I'm Claire Ramirez and I'm running for the position of President, please vote wisely and vote straight." Nakangiti si Claire na nagpakilala sa grade 5 section A.

Ang akward tuloy magpakilala dahil andito si Skighler.

"Hi! I'm Adler Beckett. Pag nakalimutan nyo ang pangalan ko sa darating na eleksyon, isipin nyo lang yung katagang 'gwapo' maaalala nyo agad ako." Kahit waley ang joke nya ay tawa naman nang tawa ang mga estudyante.

"Running for the position of Vice President pala." Muntik nya pang makalimutan.

I took a deep breath. Marami na kaming naikot ngayong araw pero lagi parin akong kinakabahan every time na magpapakilala ako.

"I'm Zehra Amanda Gou, and I'm running for the position of secretary." Nagulat ako ng magtaas ng kamay yung isang estudyante.

"Zehra, may lahi ka ba? Ang ganda mo." Sumang ayon yung iba kaya nahihiyang yumuko ako.

Wala akong lahi, marami na ang nagtatanong sakin nun. Akala nga nung iba Koreana ako dahil rin sa apelyido ko.

Hindi naman na nagpakilala si Skighler dahil grade 3 representative lang sya at mga grade 3 lang ang boboto sa kanya.

Nakasalubong pa namin ang kabilang partido, masama ang tingin nila samin.

Napangiwi ako ng mabunggo ako nung isang babae.
Mabunggo o binunggo?

"Sorry." Sya ang nakabunggo sakin pero ako pa ang nag sorry.

"Watch out next time." Tatango sana ako ng bigla nalang pumagitna si Skighler.

"Ikaw ang nakabangga, mag sorry ka." Nagulat 'yong babae kay Skighler at namula pa.

"S-Sorry, sorry." Mabilis syang tumakbo sa mga kapartido nya.

"Tumingin ka rin sa dinadaanan mo, wag kang tatanga tanga." Saad ni Skighler sakin bago ako tinalikuran at sumunod kina Claire.

Hayst, kasalanan ko nanaman.











"Kinakabahan ako." Ilang beses akong naglalakad paikot sa kwarto ko, bukas na ang election day at kinakabahan ako sa resulta.

"Umupo ka nga dito." Tumatawa lang si Akhiro habang nakahiga sa kama ko.

Pano nya nagagawa yun? Bukas din ang election day ng Witara School, hindi ba sya kinakabahan?
Sabagay sanay na sya.

"Pano kapag natalo ako?" Mula sa pagkakahiga ay umupo sya.

"Dalawa lang naman kasi yan Amanda, it's either mananalo ka or matatalo ka. " Lumungkot ang mukha ko, hindi pa talaga ako sanay.

"Kailangan mong tumanggap ng pagkatalo, okay? baby?" Hindi ko pinansin ang paraan ng pagtawag nya sakin dahil lagi naman nya 'yong ginagawa.

"Okay." Tiningnan ko sya ng tumayo sya sa kama bago lumapit sakin.

"Bili tayo ng ice cream tapos sa garden tayo kakain." Napangiti ako, alam talaga nyang mahilig ako sa ice cream at sa dilim.

"Yes!" Agad ko syang niyakap, ako na rin ang humila sa kanya paalis ng kwarto dahil mukha syang na starstruck.


Pakanta kanta pa ako at patalon talon habang hawak ang kamay ni Akhiro.

Ice cream! Ice cream! Darkness! Darkness!

NYCTOPHILIAWhere stories live. Discover now